Eliah's POV
Tahimik akong nakaupo sa ilalim ng puno habang nag- aaral. Habang ina- analyze ko ang mga nakasulat, biglang may mukhang humarang sa aking binabasa.
"Gilbert! Ginulat mo ako!" sabi ko sabay hampas ng librong hawak ko sa kanyang ulo.
"Aray!" kanyang tugon sabay hawak sa ulo niya.
Bigla siyang napahiga sa damuhan habang hawak - hawak pa rin ang kanyang ulo.
"Uy! Masakit ba?" pag - aalala ko pagkatapos ay nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang ulo. Napalakas ata ang hampas ko.
"Sorry! Patingin ako" hinawi ko ang kanyang buhok sa noo upang makita kung mapula ito. "Saan? Saan ba masakit?" medyo natataranta kong tanong dahil mukhang nasaktan talaga siya sa ginawa ko pero bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko nang makita ko siyang napakalawak ng ngiti.
Inaantay ko siyang sumagot pero nag - pout lang siya.
Patuloy ko siyang tinignan. Lalo namang humaba ang kaniyang nguso.
"Ang tagal" reklamo niya.
Pinisil ko ang kaniyang pisngi, "ewan ko sa'yo" sabi ko.
"Ayaw mo ako ikiss?" mistulang isang batang nagtatanong.
Binawi ko ang kamay ko sa kanyang kamay pagkatapos ay sinagot ko siya ng, "Ayoko"
Tatayo palang sana ako nang bigla niya akong hilahin ulit paupo.
"Ayaw mo?" seryoso niyang tanong.
Ngumiti ako at umiling.
"Okay lang" sabi niya pagkatapos ay naupo siya. Nagtapat ang aming mga mukha,maging ang aming mga mata.
"Ako nalang magkikiss sa'yo" sabi niya habang nakatitig siya sa akin. Dahan- dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa isang pulgada na lamang ang aming distansya.
Pipikit palang sana ako para halikan siya nang may bigla akong mapansin.
"May tao" sabi ko sa kanya kaya napatigil siya sa paggalaw.
"Asan?" tanong niya nang hindi lumilingon.
"Parang may tao sa kabilang puno" sabi ko.
"Sino?" tanong niya habang hindi pa rin lumilingon.
Tinignan ko ng maigi ang puno.
"W-wala. Guni- guni ko lang ata 'yon" sagot ko.
Dinig ko ang malalim na hingang pinakawalan niya nang sabihin kong "wala"
"That's a relief" sagot niya.
Hindi ko alam pero parang nasaktan akong bigla sa sagot niya pero hindi ko nalang ito ipinahalata. Ngumiti ako.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.
Pinisil niya ang ilong ko, "ayaw mo lang ata magpakiss e" sagot niya pagkatapos ay tumawa siya ng bahagya, "pumunta ako dito kasi tinext po ako ng mahal ko na kailangan niya raw ng tulong"
Biglang napalitan ng kilig ang nararamdaman ko.
Tumabi siya nang maayos sa akin.
"Pero may klase ka di ba?" tanong ko
"Nagpaalam naman ako kay Mrs. Tweety na may pupuntahan lang akong importante saglit" sagot niya pagkatapos ay naglean siya para kunin ang libro at notebook ko.
Mrs. Tweety ang tawag niya sa teacher niyang laging naka- yellow at pulang pula ang mga labi pero Mrs. Montero talaga ang totoong pangalan nito.
Binasa niya nang saglit ang libro pagkatapos maya- maya'y ipinaliwanag na niya ang mga nakasulat. Pero imbis na sa libro ako tumingin, sa mukha niya ako nakatingin.
First year high school palang kaming dalawa, gustong - gusto ko na siya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa lalaking gwapo, matalino't magaling maggitara. Di ba? Kaya yung araw na sabihin niyang gusto niya rin ako, 'yon na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Biruin mo? After seven years, nakuha ko rin ang kanyang atensyon.
Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang kanyang labi sa aking labi.
"Sabi ko makinig ka" sabi niya. Tinignan niya ako ng saglit pagkatapos ay ibinalik ang kaniyang tingin sa libro at atensyon sa pagtuturo.
"Pag hindi ka tumigil sa pagtitig sa akin, hahalikan nalang kita at hindi na ako magtuturo" sabi niya habang nakatingin sa libro. Napansin niya atang tingin ako ng tingin sa kanya.