Chapter 3

3 1 0
                                    

Eliah's POV

Humihingal akong naupo sa upuan ko dahil sa pagtakbo ko para makatakas sa baliw na balak akong halikan kanina.


"Hi"


Hindi pa nga ako nakakahinga ng maluwag, may sumalubong na naman sa aking isang asungot. Napaikot ang mga mata ko nang makita ko siya sa harapan ko.


"Pwede bang umalis ka dyan sa table ko?" mahinahon kong pakiusap na sinunod naman niya. Tumayo siya tabi ko pagkatapos ay inabutan niya ako ng isang box ng chocolate. Sinimangutan ko siya.


"Ano bang mahirap intindihin sa 'tigilan mo na ako'?" tanong ko sa kanya.

"Aww~ hahaha!" panunukso ng kanyang mga kaibigan, sandali niya itong tinignan pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.


"Wala. Naiintindihan kong gusto mong tumigil na ako. Pero hindi ko gagawin 'yon dahil alam kong balang araw mapapa- sa'kin ka rin" sabi niya bago dumating ang aming guro.


Ugh! Mabuti nalang at dumating si Mr. Caranza.


"Why don't you give him a chance?" bulong ng katabi ko. Nginitian ko lang siya pagkatapos ay tumingin ako sa unahan. Ang awkward kasi. Sa lahat ng pwede kong maging katabi, 'bat si Nicole pa?


Tumayo kaming lahat para magdasal. Sa buong oras ng klase, wala akong ibang nasa isip kundi ang "gusto ko ng lumabas sa room na 'to", kaya pagtunog na pagtunog ng bell ay tumakbo ako agad palabas ng classroom.


Sa wakas! Walang Nicole sa paligi- magpapasalamat na sana ako dahil wala na sa tabi ko at paligid si Nicole pero bigla ko siyang nakitang kasama ang boyfriend ko, na boyfriend niya rin. Ang pinagkaiba lang, ang relasyon nilang dalawa ay alam ng publiko, at kami ay hindi.


Gusto ko sanang umalis sa loob ng canteen pero nasa pila ako at hindi ako makalabas. May harang kasi sa gilid. Kaya nagpanggap na lamang ako na hindi ko sila nakikita.

After kong umorder. Nakayuko akong umalis ng pila para hindi ko sila makitang dalawa.


"Babe!" dinig kong may sumigaw sa paligid. Hindi ko na ito nilingon dahil, ano bang pakealam ko? Busy din ako sa buhay ko.


Maya- maya'y may umagaw sa dala-dala kong tray na may lamang pagkain.


"Ako na magdadala. Tsk, sabi sa'yo hintayin mo ko e. San tayo?"sunod-sunod niyang sabi. Napalingon ako sa kanya. Ewan ko ba pero parang bigla akong napipi. Nawalan din ako bigla ng gana para umangal at agawin ang tray sa kanya. Sinundan ko na lamang siya at naupo sa table na kinuha niya para sa amin.


"Bibili lang din ako ng pagkain ko, antayin mo ko dito ha? Ano? May gusto ka bang ipahabol?" tanong niya. Imiling na lamang ako.

"Sure?" tanong niya, nag-nod ako.

"Okay" sagot niya pagkatapos ay umalis na siya.


Tumingin ako sa paligid at hinanap si Gilbert. I am waiting for him na tignan rin ako pabalik kahit sandali, pero mukhang busy siya kasama si Nicole.

The Stranger's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon