Eliah's POV
As expected and as usual, ilang araw ko na namang hindi nakausap at nakita si Gilbert. Ang lagi niyang excuse sa akin ay "busy raw siya dahil sa requirements na kailangan niya asikasuhin", at naiintindihan ko naman 'yon. Pero ngayong umaga, habang nakaupo ako katabi si Nicole, biglang dumating si Gilbert na may dala-dalang chocolate.
Pagkakita na pagkakita ko palang ng box ng chocolate, alam kong hindi 'yon para sa akin, dahil alam niyang allergic ako rito.
Masayang tumayo si Nicole at patakbong nilapitan si Gilbert.
"Goodluck sa quiz bee mo mamaya" dinig kong sabi ni Gilbert kay Nicole. Kinilig naman halos lahat ng tao sa loob ng room namin dahil sa ginawa ni Gilbert.
"Tss" sabi ko pagkatapos ay ibinaling ko ang atensyon ko sa iba, baka kasi bigla nalang akong maiyak rito sa loob ng classroom.
"Gusto mo?" may iniabot sa akin si Caleb na inumin. Kinuha ko ito kaagad ng hindi man lang tinitignan kung anong inumin ito.
"Salamat" sabi ko. Mukhang naulat si Caleb nang bigla ko siyang pansinin.
"Sa lahat ng mga inalok ko sa'yo, yan lang ang kinuha mo" sabi niya ng may ngiti sa mga labi.
Hinigop ko ang ibinigay niya sa aking inumin pero agad din naman akng tumigil sa pag-inom at ibinalik ito sa kanya.
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang lasa?" tanong niya.
"Tae! Sa lahat ng pwede mong ipainom at ibigay sa akin, bakit chocolate pa?" tanong ko
"Eh di ba kasi-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Tumayo kasi ako agad nang makita kong paalis na Gilbert.
Tumakbo ako para habulin siya.
"Gilbert!" ilang beses ko siyang tinawag pero hindi siya lumilingon kaya mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa maabutan ko siya.
"Gilbert" sabi ko habang hinahabol ko ang aking hininga.
"Bakit?" plain niyang sagot na para bang hindi niya ako kilala.
Hindi muna ako nagsalita at hinabo ko muna hininga ko.
"Ano? May importante ka bang sasabihin?" muli siyang nagtanong.
"Bakit parang galit ka?" tanong ko.
Imbis na sagutin niya ako, tinalikuran niya lamang ako at nagsimulang maglakad. Hinawakan ko siya sa kanyang braso para pigilan.
Inalis niya ang kamay ko pagkatapos ay humarap sa akin.
"Baka may makakita sa atin" sabi niya
"Nakita kita noong nakaraang araw na may kasamang lalaki sa canteen" sabi niya
"Hindi ko siy-" magsasalita sana ako pero hindi niya ako pinatapos.
"Alam mo Eliah, pwede ka namang maghanap ng boyfriend. Pwede mo siyang magamit para mas maitago natin ang relasyon natin" mungkahi niya na hindi ko talaga nagustuhan.
"Ano? Pero alam mong hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko magagwa 'yon" sagot ko pero binalewala niya lang ito at tinalikuran akong muli.
"Bakit ba kailangan kong maghanap ng iba? Bakit ba kailangan nating magtago? Di ba mahal mo naman ako? Bat hindi mo nalang hiwalayan si Nicole?" tanong ko na nagpatigil kay Gilbert sa paglalakad.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Nahihibang ka na ba? Paano kung may nakarinig sa'yo?" bulong niya na parang may kasamang galit.
"Ano naman?! Ano naman kung may makarinig?" tanong ko habang pinipigilan sa pagtulo ang aking luha.
"Tss. Kausapin mo nalang ako ulit kapag ayos na yang pag-iisip mo" sabi niya bago niya ako bitawan at iwang mag- isa.
Gusto ko pa sana siyang habulin at tawagin pero nagsimula nang sumikip ang dibdib ko at dumilim ang aking paningin.