Ang sarap sa pakiramdam na yung taong mahal mo, paulit-ulit niyang sinasabi na mahal kita. Yung parang bang, hindi ka niya kayang bitawan, na hanggang sa huli, kayo pa rin magkakatuluyan.
Hayy nako, nag-iisip nanaman ako ng kung ano-ano. Makauwi na nga.
Pag labas ko ng classroom, andun si Paul. May inaantay siguro. Pero nung paalis na ako, bigla niyang sinigaw pangalan ko.
ZOE!!
Bigla siyang lumapit sakin.
Hatid na kita sainyo.
Huwag na. Kaya ko naman umywi noh haha.
Delikado na ngayon lalo na gabi na. Tyaka baka may mangyari sayong masama. Papakasalan pa kita. Hihi.
Nakalimutan ko nga pala sabihin na matagal na akong nililigawan ni Paul. Halos mag i-isang taon na ang pangliligaw niya sa akin. Bago pa man siya magsimulang manligaw, nagpaalam muna siya sa mga magulang ko na kung pwede bang ligawan ako. Syempre, botong-boto mga magulang ko kay Paul.
Oo na.
Habang nasa byahe kami ni Paul, hindi kami nauubusan ng kwento. Parehas kaming madaldal kumbaga.
Nang malapit na kami sa bahay ko, naglabas siya ng panyo at tinakpan sa mga mata ko.
Hoy Paul! Anong gagawin mo??
Basta. Hawakan mo lang kamay ko at magtiwala ka lang sakin.
Ayun, hawak ko ang kamay niya at sinundan ko siya.
Paul, saan mo ba ako dadalhin?? Ano nanaman ba 'to?
Hindi siya kumibo at patuloy lang ang paglalakad niya hanggang sa tumigil siya at binitawan niya ang kamay ko.
Biglang nagpatugtog ng "". Sa sobrang taka ko kung ano meron, tinanggal ko yung panyo sa mga mata ko at napaluha ako sa nakita ko.
WILL YOU BE MY GIRLFRIEND ZOE?
Yan lang ang nakita kong mga cartolina sa kwarto ko at may isang jar na nakalagay, "365 days when I'm with you." na may kasama pang boquet of roses. Bigla siyang lumapit sa harap ko at lumuhod at sinabing,
Zoe, alam kong isang taon na akong nanliligaw sayo. Ang hirap pala noh? Akala ko masasagot mo na ako pero hindi. Akala ko nung una, pinapaasa mo lang ako. Pero sabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako susuko dahil ikaw ang babaeng binigay sa akin ng Diyos. Seryoso ako sayo, Zoe. Hinding hindi ko kayang mangako sayo pero Zoe, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Gagawin ko ang lahat na hinding hindi kita sasaktan at iiwan. Gagawin ko ang lahat para sa ating future. Will you be my girlfriend, Zoe??
Napaluha ako nung sinabi niya sa akin. Matagal ko na siyang gusto. Matagal ko nang gustong sabihin ang salitang "oo" sakanya. Pero pinatagalan ko pa ang panliligaw niya kung kaya niyang maghintay pa.
Oo Paul. Oo.
Tumayo siya at niyakap niya ako ng mahigpit.
Salamat Zoe! Alam mo naman na ikaw lang ang babaeng iibigin ko.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA ZOE.
Napaiyak na ako nung sinabi niya yan sa akin. Sobrang sarap sa feeling na mahal ka rin ng taong mahal mo.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL RIN KITA PAUL.
Noon, mahal kita, ngayon, paalam.
Paalam sa mga sinabi mong mahal kita. Paalam sa mga sinabi mong hindi mo ako iiwan. Paalam sa mga sinabi mong hindi mo ako sasaktan. Paalam.
Alam kong nakapagpahinga ka na at malaya ka na. Sobrang sakit tanggapin na biglang kang naglaho, pero ganun talaga ang buhay. Ang mahalaga, hindi ako nagkulang at nagsisi.
Pinahalagahan. Iningatan. Minahal.
BINABASA MO ANG
Say It Again
Cerita PendekLahat lang alaala. Pero sa mga alaalang yon, nagkaroon ng saya ang buhay ko.
