Kabanata 1

6 0 0
                                    

Kabanata 1

No Harm Done

Pinindot ko ang pisngi ng aking nakababatang kapatid na si Yvon. Hinawi niya ang kamay ko at sumimangot sakin.

"Ate, wag kang makulit."

Tumawa ako. "Eh nakakagigil eh." Pinindot ko ulit ang pisngi niya kaya naman hinawi niya ulit ang kamay ko.

"Para kang bata," inis niyang sabi.

Tuluyan ko nang kinurot ang magkabila niyang pisngi. "Hoy, ikaw ang bata dito. Thirteen years old ka palang."

Kumawala siya sa hawak ko. "Pero mas matanda na mag isip kaysa sayo," masungit niyang sabi.

"Ang sabihin mo, mas masungit at mataray pa kaysa sakin."

"Syempre, mana sa tatay niya eh," sigaw ni mama mula sa kusina.

"Pati ba naman ikaw, Ma?"

Ngunit halakhak lang ni mama ang narinig namin. Nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito. Bumalik si Yvon sa pag lalaro sa PS4 niya.

Nakita ko ang pangalan ni Josiah sa screen at agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Are you free today?" tanong niya.

"Yea, why?"

"Gusto mo sumama? Gusto ni Michelle mag ice skating eh."

"Malamang kasama sila Joan?"

Tumawa siya. "Alam mo naman na patay na patay yun sa kapatid ko."

Saglit akong natawa. "Okay lang ba kung ayain ko sila Crystal? Para hindi ako masyadong OP."

"Sure. I'll pick you up at 12?"

"Okay."

Binaba ko na ang tawag at tinext sila Crystal kung gusto ba nila sumama. Pumayag naman ang mga ito. Nagpaalam ako kay mama na aalis ako.

"Isama mo 'yang si Yvon oh. Para hindi mabulok dito sa bahay kakalaro niya ng PS4."

"Ma!" inis na saad ni Yvon.

"Wag na, Ma," reklamo ko rin.

"Hindi ba't nandun si Josiah? Diba idol mo yun Yvon?" Sumilip sa amin si mama mula sa kusina. Umirap ako sa kawalan.

Tila napaisip naman si Yvon.

"Aish. Maliligo na ako," inis kong sabi.

"Ako rin pala!" excited na saad ni Yvon bago kumaripas ng takbo papunta sa kanyang kwarto.

Ang totoo, si Elliot talaga ang idol ng batang 'yan. Idol sa panchichicks. Kaya akala ni mama na si Josiah ang idol niya ay dahil pag nababanggit si Josiah, laging nagiging excited ang kapatid ko. Pero ang hindi niya alam, kaya lang naman excited ang kapatid ko ay dahil kapag mayroong Josiah, paniguradong bitbit nito ang tropa niya a.k.a. Elliot.

Sa akin lang talaga masungit 'yang bata na 'yan. Sa iba napakabait. Lalo na sa babae. Diosko.

Nagsuot ako ng dark blue jeans at puting off shoulder na blouse. Nag lipstick lang ako at mascara bago lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ko, nakita ko si Yvon na bihis na at nagaantay nalang sa sala. Sinimangutan ko siya pero ningisian lang niya ako.

Tumunog ang doobell at alam kong si Josiah na yun.

"Alis na kami, Ma." Hinalikan ko sa pisngi si mama at ganun din ang ginawa ni Yvon.

Pagkakita ni Josiah sa malawak na ngiti ni Yvon, agad siyang natawa.

"Miss mo na master mo?" asar nito.

Can't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon