Simula

16 0 0
                                    

Simula

Tinitigan ko ang laptop sa harap. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng maidagdag sa thesis namin. Na-mental block ako.

"Aya," tawag ko sa leader ng grupo namin at matalik ko rin na kaibigan

"Ano pa ba ang pwedeng madagdag dito?" sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

Dumungaw si Aya sa screen. "Nalagay mo na ba na benign ang effects niya?"

Tumango ako. "Oo."

Saglit na nagisip si Aya. "Eh yung walang kinalaman ang pagpapatunog ng buto sa paglaki ng mga daliri?"

"Oo nga pala!" Agad kong tinype ang mga sinabi niya pero ginawa kong english.

Tinapik ni Aya ang likod ko bago umalis.

"Salamat!"

"Agh! Ayoko na!" Sigaw ni Crystal na nasa tabi ko. "Aya, tama na muna ngayong araw. 'Di ko na kayang titigan pa ang thesis natin. I just can't."

Tumawa ako. "Bakit mo kasi tinititigan? Dapat ginagawa mo yung task na binigay sayo."

Humalukipkip siya. "Kanina rin naman nakatitig ka lang ah."

Tumawa lang ako at di na nagsalita pa.

"Tapusin mo na 'yan ngayon, 'Tal. Para wala ka na gagawin sa weekends," rinig kong sabi ni Aya.

"Ang higpit naman kasi ni leader," maktol ni Harry, isa pa naming ka grupo.

"May bukas pa naman, bes," ani Gabbi.

Tumingin sa kanyang wristwatch si Aya. "Tsk. Sige na nga pero 5:30 tayo aalis."

Nagkanya kanyang 'yehey' kaming lahat. Nasa school pa rin kami, sa Pasilyo kung saan tambayan ng mga estudyanteng nagawa ng homeworks, projects, thesis at kung ano ano pa. Open ang area ng Pasilyo. Kita ang mga halaman na tanim ng school at madalas ay abot din dito ang hangin kaya hindi mainit.

Siniko ako ni Crystal. "Papunta dito si Josiah, oh," aniya habang ninguso ang direction.

Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at nakita ang boyfriend ko na naglalakad nga papunta rito kasama ang tropa niya. Nang magtama ang tingin namin, agad niya akong ningitian. Sinauli ko iyon.

"Uy, sila Josiah oh," sabi ni Aya na nakita rin silang paparating.

"Oo nga," sagot ko.

"Saan?" Agad na tanong ni Gabbi. "Kasama ba si Joan?"

Nang makita niya si Joan na tropa rin ni Josiah, tila naging hugis puso ang mga mata nito.

Kinawayan ni Harry sila Josiah na kabilang rin sa magto-tropa. "Bilisan niyo, amp! Rumarampa?" sigaw niya sa mga ito.

Tinaas ni Elliot ang dalawang middle fingers niya at may binulong kayla Joan. Mas lalong bumagal ang lakad ng grupo.

Humalakhak si Harry. "'Namo, Ell!"

Pansin ko ang paglingon sa kanila ng kababaihan. Para nga silang rumarampa. Parang mga model na galing sa isang magazine ang mga itsura nila. Kaya 'di na bago ang mga babaeng tumitigil para panoorin sila.

"Dami nakatingin kay Josiah, bes. Kabahan ka na," ani Crystal. "Lapitan mo na para maalala nila na ikaw ang girlfriend."

Halos alam ng lahat ang relasyon namin ni Jos. High school pa lang kasi ay kami na. Lalo na at flashy ang ginawang panliligaw sakin ni Josiah noon. Tapos medyo PDA rin kami nung mga panahon na kakasagot ko palang sa kanya.

Can't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon