Kabanata 2

3 0 0
                                    

Kabanata 2

Idiot Acosta

"Oy, tama na yan! Grabe, hanggang sa skating rink naglalandian pa rin kayo?" sabi ng paparating na si Crystal. Magkahawak sila ni Aya para siguro hindi sila matumba.

"Ikaw magaaya sa'min dito 'tas di mo kami papansinin?" Taas kilay niyang tanong. "'Lika dito at turuan mo kami mag ice skating."

Bahagyang tumawa si Josiah bago ako binitawan. Umiling lang ako at binagyan siya ng tipid na ngiti tsaka siya iniwan upang puntahan sila Crystal na nagpapakahirap na lumapit sa'min.

"Para ka lang nag roroller skates," payo ko.

Inirapan ako ni Crystal. "Buti sana kung nag ro-roller skates kami, edi sana nagets namin paliwanag mo."

Natawa ako. "Ba't ba ang high blood mo?"

"Si Gabbi kasi! Ang arte ayaw sumama, kainis."

"Nandito nga kasi si Michelle," mahinang sabi ni Aya.

"Oo nga. Alam mo namang patay na patay yun kay Joan."

"Miski na," pagmamatigas ni Crystal.

Magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Gabbi nang may mahinang bumangga sa likod ko. Agad akong humarap para makita kung ano yun.

"Sorry," nahihiyang sabi ng binatang lalaki. Siguro ay kaedad ko lang.

Nginitian ko siya. "Okay lang."

May kasama siyang isa pang lalaki na panay ang ngisi sakin.

"Uh, sorry di ako masyadong marunong mag skate, eh. Pero ikaw talaga sinadya ko." Pumula ang pisngi ng lalaki at mas lalong lumawak ang ngisi ng kasama niya.

"Talaga?" Gulat kong tinignan sila Crystal na nasa tabi ko na ngayon. Siniko niya ako at patagong tinuro si Josiah na malapit lang sa'min. Close enough to be in his line of vision.

"Oo, eh. Uhm, pwede ba mahingi number mo?" Parang kamatis na ang mukha ng lalaki at hindi makatingin sakin. Yung kasama naman niya ay halatang nagpipigil ng tawa. Di ko alam kung katuwaan lang ba nila 'to o sincere talaga yung lalaki.

"You don't even know me," ilang kong sabi.

"Magkakilala tayo," mabilis niyang sabi. Nang makita ang gulat kong mukha, tumiklop ulit siya at kinain ng hiya. "Err, I mean, kilala pala kita pero di mo ako kilala. Schoolmates tayo. You're Eliza Rain Manaog, Eli for short right?"

"Kung kilala mo pala siya, edi alam mo rin na may boyfriend na siya at limang taon nang sila?" Singit ni Aya. She didn't said it to be cruel or to shame the guy. Curious lang siyang tao. She wants to know the reasons behind the actions of every person. Madalas namin siyang asarin nina Crystal bilang psychologist-wannabe dahil dito.

Muling tumungo ang lalaki sa hiya. Yung kasama niya ay hindi na nakangiti ngayon at sa halip ay pinagmamasdan ako ng mabuti.

"What's your name?" Tanong ko.

"D-Drake Guzman."

I nodded. "I'm sorry, Drake. Pero tulad ng sabi ng kaibigan ko, I'm taken. I can give you my number if it's for an academical purpose pero pag hindi..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon