*Aliyah’s POV*
Hindi talaga nya ako nakikilala.
Bat ba umaasa pa akong makikilala nya ako. 10 years na kaming hindi nagkikita.
Ang laki na ng pinagbago nya.
Hindi na sya yung dati…
“Aliyah?”
“Oh, papa. Bakit po?”
“nagkita naba kayo?”
Kahit walang sinabing pangalan si papa, alam ko kung sino ang tinutukoy nya..
“Opo.”
“Nagbago na sya hindi ba? Ibang iba na sya dun sa batang Ethan.”
“Papa---“
“Nakita ko na sya kanina iha, inaayos ko yung garden sa dating bahay ng lolo nya na titirhan nya na ngayon.”
“Hindi na nya tayo na aalala. Hindi na nya ako kilala”
Nangingilid na ang luha ko habang sinasabi ko yon.
“Maaalala nya din tayo iha. Maaalala ka din nya”
Sana nga. Sana nga papa…
@ Sebastian’s High (A/N: School, na University. Basta yun nay un. Hahaha)
Ngayong araw na to papasok si Nathan sa school na pinapasukan ko. Alam ko lahat, lahat-lahat.
“Waaaaaaaaaaaaaah! Aliyahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”
Napahinto ako ng marinig kong may sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si stephy na tumatakbo palapit kung nasaan ako.
“Stephy, bakit?”
“Meron daw … *hu* tayong *hu* bagong… *hu* kaklase”
Hinihingal nyang sabi.
“Alam ko (^_^)V”
“Ha! Alam mo na?!.... Ay ang engot ko. Hahahaha. Malamang naman sa malamang alam mo na dba? Eh kayo pala may ari ng school naten. Hay nko. Stephy ang tanga tanga mo tlga. Hahahahaha”
Nabaliw nanaman ang kaibigan ko. Hahaha
“Pero Aliyah nakita mo na ba sya? Gwapo ba ha? Bat sya lumipat dto? Yiiiiiiiiieeeee!”
Kinikilig pa tlga sya habang sinasabi nya yan.
Hay stephy. Kung alam mo lang…
“Ahh. Oo ^^”
“Talaga?! Gusto ko na syang Makita!!! (♥o♥)”
Hahahaha. To talagang si stephy oo.
Naglakad na kami papaunta sa room at naupo sa sarili naming upuan.
Sakto nman na pag dating namin, dumating na din ang professor…
Busy na nagdidiscuss si Mr. Chubaekek ng biglang…
*Blag*
Bumukas ng pabalang ang pinto
“Sya na siguro yan” Naibulong ko nlang sabay buntong hininga.
(O_O) à itchura ng professor namin
(♥o♥) (*o*) (^o^) à itchura ng mga kaklase kong babae
(,>>) (.>>) (,>>)/ à itchura namn ng mga kaklase kong lalake
(-_-) à yan naman ang itchura nya. Oo sya. Si Ethan Lawrence Ong, o mas kilala bilang “EL”
Napabuntong hininga nalang uli ako
Hayyyy ethan, ano bang nangyare?
(*Nasa right side yung picture ni El habang nakatayo sa pinto ng classroom nila J just imagine nalang guys)
----------------------------------------------------------------à
(A/N: Enjoy reading. Kahit wag nyo ng iVote, mag comment lang kayo Masaya nako. Tell me kung anong masasabi nyo sa story na to, kung panget ba or whatever, di ako magagalit promise. Salamat!)
Love, Rosette :*