Prologue

106 7 0
                                    

Isang nakatatamad na araw ng Lunes na naman ngayon, walang bago dahil araw-araw naman akong walang ganang pumasok. Idagdag pa na wala namang klase ngayong linggong ito.

Mayroon kasing sports fest. week ang bawat schools, pero gaya noong mga nakaraang taon ay gaganapin 'yon dito sa school na pinapasukan ko dahil dito ang may pinakamalawak na covered court sa barangay namin.

Wala rin naman akong sinalihan na kahit anong sports dahil wala akong kahit na anong alam na laruing sports, bukod do'n ay kahit nga anong talent ay wala rin akong kayang gawin,  pagbabasa lang ng mga libro ang pinagkaka-abalahan ko.

Wala rin akong balak manood ng mga laro ngayon. May mga ilan rin namang nag-aya sa aking manood ng laro pero sadyang tinanggihan ko lahat dahil wala ako sa mood at wala rin naman akong kaibigan sa school.

Pakiramdam ko kasi ay mas gusto ko na lang na magbasa ng mga libro kaysa makipag-plastikan sa mga taong wala namang ibang ginawa kundi manira patalikod at makinig sa mga non-sense nilang rants sa akin.

Mayroon naman akong mga nakakausap na tinuturing nila akong kaibigan pero para sa 'kin, they're just my schoolmates or just acquaintances and hanggang do'n lang 'yon.

Dumiretso na lang ako sa garden na puno ng iba't-ibang klaseng mga bulaklak at mga halaman.

Talagang pansin na pansin dito na inaalagaan. Dito ako palaging pumupunta lalo na kapag wala namang klase at hindi pa kami pinapayagang umuwi kapag may mga ganitong klaseng event sa school.

Madalas rin ako dito gumagawa ng mga assignments at kahit tuwing breaktime ay dito rin ako kumakain, tahimik lang kasi at walang masyadong taong pumupunta dito, naririnig ko minsan sa mga usapan nila na mahigpit daw ang nagbabantay kaya kaunti lamang ang pinapapasok sa takot na baka raw makasira ng mga halaman.

Simula elementarya ay dito na ako palaging pumupunta para makapag-isa, simula pre-school hanggang college kasi ang ino-offer ng school.

Binibigyan ko na lamang ng pang meryenda o kaya pang almusal ang bantay para payagan akong makapasok dito.

Kung minsan naman ay nasa library ako at nagbabasa lang ng kung anu-anong mga libro lalo na ang mga kwentong tungkol sa mga alamat, talagang hilig ko na ang pagbabasa.

Nang malapit na ako sa garden ay napansin kong wala ang bantay sa labas ng gate, sigurado akong nagdi-dilig na ngayon ng mga halaman ang bantay.

Dire-diretso na akong pumasok sa loob at tama nga ako, nakita ko si Mang Ben na siyang bantay na nagdidilig ng mga halaman at tila kinakausap pa ang mga ito. Naalala ko no'ng unang beses na naabutan ko siyang kinakausap ang mga halaman habang dinidiligan, tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa 'yon at sinabi niyang mas gaganda daw ang tubo at hindi agad malalanta kapag kinakausap ang mga ito.

"Magandang Umaga po Mang Ben" nakangiting bati ko sa kanya nang makalapit ako.

"oh Iha ikaw pala, Magandang umaga rin" nakangiting sagot nya, at saka ibinalik ang tingin sa mga halaman.

Paalis na sana ako nang maalala kong may ibibigay nga pala ako sa kanya "ay Mang Ben, nag almusal na po ba kayo?" tanong ko habang tinatanggal ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko at kinuha ang isang supot ng pandesal na natira namin kaninang breakfast at saka iniabot sa kaniya.

"Heto po, para sa'yo," nakangiting sambit ko. "hindi na naman po kasi makakain at masasayang lang po ulit sa amin" dagdag ko pa.

"Nako! iha maraming salamat, ikaw talaga sige na at tumuloy ka na basta lang eh 'wag mong sisirain ang magagandang halaman na nariyan dahil baka magalit si Ma'am Principal" natatawang bilin niya, nakatutuwang hindi siya nagsasawang ihabilin sa akin 'yon sa araw-araw na napunta ako dito.

Deceiving Inadequate SmilesWhere stories live. Discover now