Chapter 2

74 7 0
                                    


Dumiretso na ako sa coffee shop pagkalabas ko ng c.r. Binilisan ko yung paglalakad ko dahil baka nag hihintay na si Kyle dun ayaw ko naman syang pag hintayin ng matagal no.

Pero habang naglalakad ako eh sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung anong gagawin ko at baka mamaya eh mahimatay nalang ako bigla dito o baka hindi ko na kayanin ang kilig ko mamaya kung sabay pa kaming kakain ng lunch.

Nasa tapat na ko ng pinto ng coffee shop huminga muna ako ng malalim dahil sa  sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko baka mamaya sumabog nalang to bigla. Binuksan na ng guard yung pinto ng coffee shop. "Good afternoon ma,am" nakangiting sambit nya. "Good afternoon din po" nakangiting sagot ko naman.

Hinanap ko naman kung nasaan si Kyle. Nakita ko sya dun sa dulong part ng coffee shop kausap nya yung isa sa mga waitress at mukhang umoorder na.

'Ang gwapo nya talaga sobra' bulong ko sa sarili ko. Nakatitig parin ako sa kanya hanggang sa umalis yung waitress na kausap nya.  Nagulat nalang ako nung sumulpot sya bigla sa harap ko "Kanina ka pa ba jan?" Tanong nya sa akin.

"Ah. Hindi kakarating ko lang" sagot ko naman. "Oh okay so let's go?" yaya naman nya sa akin at naglakad patungo dun sa pwesto nya kanina "Have a sit" hinila naman nya ang upuan na para sa akin at inalalayan nya naman akong umupo. Nakangiting tumango na lamang ako.

Diko talaga maintindihan lahat ng nangyayari ngayon. Oh my god i can't breath! Sobrang hindi talaga ako makapaniwala. Si Kyle? Kaharap ko ngayon? Si Kyle? Kasabay ko mag lunch? Si Kyle Paradillo? Yung first ko simula nung highschool? Pano ito nangyayari ngayon?!

Bigla naman akong natauhan ng magsalita sya "ah Kaylee?" Gulat naman akong napatingin sa kanya "Hmm?" Tanong ko.

"kanina kapa kasi tahimik" natatawa nyang sambit.

"Ah. Eh. Ano kasi, nahihiya ako"

"No wag ka nang mahiya. Isipin mo nalang na matagal na tayong magkakilala and araw araw natin tong ginagawa. Para naman hindi ka na mahiya" nakangiting sambit nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Hindi nya ba ako naalala? Sabagay eh sa sobrang daming babae na patay na patay sa kanya e maaalala na pa ba ako?

Maya-maya pa eh dumating na yung mga inorder nya. Tahimik lang kaming kumakain paminsan minsan ay naiilang akong kumain kasi naman tinititigan nya ko tapos ngingiti sya ang gwapo pa naman ng mga ngiti nya. "May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko.

"Ha? Wala naman. Bakit?" Natatawa nyang sagot.

"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin eh. Nakakailang ka"

"Oh sorry ang ganda mo kasi talaga eh" sagot nya.

Napangiti naman ako shet feeling ko mas mapula pa ko sa kamatis ngayon.

"Tapos kapag sinasabihan kita nang maganda namumula yung cheeks mo" natatawang sambit nya.

What the hell? Yung pisnge ko talaga napansin nya? Gosh! Tawa naman sya ng tawa sa sinabi nya.

"Tumigil ka nga" kinikilig na sambit ko at tinakpan ko yung mukha ko dahil feeling ko talaga pulang pula nako.

"Wag mong takpan yung mukha mo" natatawang hinawakan nya naman yung kamay ko. Pagkatapos eh tinanggal nya yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko, hinawi nya naman yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "Wag mong takpan" nakangiting dagdag nya.

Lunok nalang ako ng lunok dahil walang lumalabas na kahit anong salita ngayon sa bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko "Mas maganda ka pala kapag malapit" nakangiting sambit nya habang malapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa. Shit talaga sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon mas mabilis pa compare sa kanina.

Deceiving Inadequate SmilesWhere stories live. Discover now