Napamulat agad ako ng mata nang marinig ang alarm ng cellphone ko. Tamad akong bumangon dahil sa sobrang sakit ng ulo. Shit hang over.
Pumasok na agad ako ng bathroom at nagsimulang maligo. I let the cold water from the shower drip down to my body.
Nang matapos ay nagbihis na. I just wear my plain navy blue loose croptop polo and white high-waisted pants. I applied some face powder and tint for my cheeks and lips na rin. Sinuklay at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok kong hanggang balikat. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na 'ko ng kwarto para kumain.
I went straight to the fridge para kumuha ng breakfast, pero napatigil ako nang makita ang sticky note na nakadikit doon.
Nasa Palawan ako, we have business trip. See you next week! Love u.
Super busy ni Mama halos hindi ko na nga siya nakikita dahil lagi siyang out of town.
Ilang weeks na rin ang na-missed ko dahil isinama ako ni mama sa Bicol for her business proposal. Ayaw niya raw kasi akong iwan mag-isa dito kaya isinama niya ako. Pinaki-usapan na lang niya ang University na papasukan ko ngayon para payagan akong pumasok na lang pagkabalik namin ni Mama galing Bicol.
Tinext ko na lang si mama at sinabing mag ingat siya. Sinabi pa niyang kung gusto ko daw ay doon na muna ako sa tita ko at ihahabilin niya daw ako but I refused, I told her na kaya ko namang mag-isa.
Nag fried lang ako ng bacon and eggs habang hinihintay ang bread na inilagay ko sa toaster for my breakfast.
////////////
Nag fb lang naman ako buong magdamag dahil pilit ko pa ring hinahanap yung crush ko na hindi ko alam ang pangalan sa lahat lahat ng social media apps na pwedeng magkaron sya ng account pero wala pa rin akong nakikita after 5 years nang paghahanap ko. Ewan ko ba ayaw ata talagang magpahanap sakin, tinataguan nya ba ko? Surname nya lang kasi ang alam ko and hindi ko naman kasalanan na napaka dami pala nilang Paradillo dito sa mundo.
Hanggang sa iniimagine ko na yung future naming dalawa na kapag nagkakilala na kami eh after naming maka-graduate ay liligawan nya na ako then sasagutin ko sya syempre wala na ring ligaw ligaw antagal ko kaya syang hinanap. Tapos di pa din yun dun matatapos dahil ikakasal pa kami pagkatapos eh magkakaanak na kami at magkakaron na ng apo si mama. What a beautiful lifeee. Nakangiti kong pag iimagine habang nakatingin sa kawalan.
Mabilis na tinapos ko na ang pagkain ko at dahil nga late na ko dali dali kong kinuha ang mga gamit ko na ilalagay ko sa locker ko mamaya pagdating ko sa school, nagmamadali naman akong nag paalam kay mama at mabilis na lumabas ng bahay para makapag-abang ng taxi, commute ako ngayon dahil mamaya pa ang alis ni mama kaya hindi ako makakasabay sa kanya.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring dumadaang taxi kaya hindi parin ako nakakasakay.
"Hay nako kung maaga lang sana ako natulog kagabi at kung maaga lang talaga ako gumising kanina edi sana hindi ako nagmamadali ng ganto" nag mamaktol na bulong ko sa sarili ko. At tama nga nasa huli ang pag sisisi.
Andami ko pa namang bitbit ngayon, ang sakit na ng kamay ko kailangan ko na tong mailagay sa locker. Actually puro extrang damit at sapatos lang naman to. Just incase diba.
Maya-maya pa ay pinara ko na ang taxi na dumaan kaya nakasakay na ako. Tahimik lang ako sa biyahe at maya maya pa ay nakarating na rin ako sa University.
Hay salamat nakarating din.
Pumasok na ako at dire diretsong pumasok sa gate pero nagulat ako nang hinarang ako ng guard "ma'am ichecheck ko po muna ang bag nyo" magalang na sambit nito. Nakangiting inabot ko naman ang hand bag na dala ko at iba pang gamit ko na nasa paper bag dahil ngayon ko palang ilalagay sa locker ang ibang gamit ko.
YOU ARE READING
Deceiving Inadequate Smiles
Teen FictionWARNING!! STILL EDITING!! 𝓚𝔂𝓵𝓮 𝓙𝓸𝓱𝓷 𝓟𝓪𝓻𝓪𝓭𝓲𝓵𝓵𝓸 𝓪𝓷𝓭 𝓚𝓪𝔂𝓵𝓮𝓮 𝓙𝓸𝓼𝓮𝓹𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓟𝓮𝓻𝓮𝔃 Start: 05/2018