Chapter 9 - DATES

161 6 3
                                    

LIANA'S POV

Sa sobrang kapagudan ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako pagka higa ko palang sa aking kama.

Dingdong Dingdong Dingdong

"Tsk sino ba naman po busing-busy pa naman ako sa panunuod ng tv eh" inis kong sabi

Dingdong

"SAGLIT LANGG!" Sigaw ko at padabig kong binuksan ang pintuan.

Bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Lolo

"Kamusta ka na Mae ang aking paboritong apo?" Wika ni Lolo

"LOLO!" masaya kong sabi

Niyakap ko agad si Lolo dahil sobrang miss ko na talaga sya.

"Okay lang naman po ako Lo, napabisita po kayo? Kamusta si La?" Ani ko

"Namiss kasi kita apo, ayun nasa bahay Lola mo" sagot nya

"Pasok po kayo Lo, saglit lang po at ikukuha ko kayo ng meryenda"

Aalis na sana ako pero hinawakan ako ni Lolo sa kamay.

"Apo, patawarin mo si Lolo ha. Hindi sana ngyayare to sayo ngayon. Pero masaya ako at unti unti ka ng nag babalik. Hayaan mo hindi ka naman papabayaan ni Lolo. Babantayan kita lagi, kayo ng mga Mama at Papa mo lalo na ang Lola mo. Pasensya na apo ha.. Gusto kong ingatan mo pa lalo ang iyong sarili at wag kang makakalimot sa Panginoon. Tanggalin mo na din ang galit dyan (sabay turo nya sa may puso ko) at marami pang magagandang bagay ang dadating sayo. Ikamusta mo na lang ako sa Magulang mo at lalo na sa aking pinaka mamahal na asawa. Aalis na ako Mae, dalawang lalaki ang magmamahal sayo huwag ka sanang masasaktan." Wika ni Lolo

"Kayo talaga Lo, para namang aalis na kayo eh uuwi lang naman kayo sa bahay nyo ni La eh" natatawang sagot ko.

Ngunit hindi na sumagot si Lolo at tanging matamis na ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Nag simula na rin syang mag lakad papalayo sakin hangang sa maging kulay puti na ang lahat!

"LOLO!" Sigaw ko sabay hawak sa aking dibdib.. hirap na hirap akong huminga at pinag papawisan ako ng sobra.

"Panaginip! Panaginip na tila ba ay totoo" malungkot kong sabi sa aking sarili

Mag aalas dos na pala ng madaling araw at sa kamalasmalasan pa eh masama ang aking pakiramdam.. Nilalagnat ako matagal na simula nung huli akong lagnatin..

"Paulan pa kasi yan tuloy nilalagnat ka" sabi ko sa aking sarili.

Humiga na lang ulit ako ng maayos at pinilit na makatulog ulit.

--------

Tok tok tok

"Baby? Kakain na bangon na dyan" wika ng Papa ni Ana

Ngunit hindi namalayan ni Liana na may tumatawag sa kanya. Kaga phmasok na lang ang kayang Papa sa kwarto nito.

"Baby.. tara na?" Malumanay na saad nito

"Mukhang tulog na tulog pa ang aking prinsesa"

Lumapit ito at tiningnan ang kanyang anak na pawis na pawis kaya nataranta ito at hinawakan upang malaman kung anong ngyayare sa kanyang anak.

"NAK! nilalagnat ka.. ang init mo sobra." Aligaga nitong sabi

"Hmm. Pa ang ingay mo" sabay sad face ni Ana

"Hala. Sandali lang at tatawagin ko ang Mama mo para maasikaso ka namin." Sabay labas ng kwarto ni Ana

-----

Suddenly Inlove with a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon