"Hindi lahat ng nakatira sa labas ng ating kaharian ay matuturing na purong tao; bagamat, isang mapanlinlang na kakayahan lamang ang nag papanatili sa kanilang manirahan rito. Ni hindi makakikitaan ng kakaiba at sanay sila sa atensyon na ibinibigay dahil itinakda sila, posibleng nagkalapit na, ngunit hindi pa nadarama ang kakayahang tinataglay nila dahil sa pagpapanggap; ang kaharian ay mapapasakamay ng hari ng Kadiliman kung hindi mag tatagpo ang itinakdang mag hahari sa nasasakupan. Ngunit, ang itinakdang imortal sa imortal ay nagkatagpo na, takda na malapit na ang paglalaban ng mga nag hahari sa lugar."
Basa ko sa huling pahina ng libro atsaka bumuntong hininga. Ako ang magiging reyna ngunit naguguluhan parin, nagkatagpo na kami sabi sa propesiyang nakasaad sa libro.
Ilang araw ngayon ang pagbabago ng araw kung kailan ito naidagdag sa libro.Iwinaksi ko nalang ang mga posibilidad na nasa isip ko at saka pumunta sa aking silid, hindi ko man lang nalaman kung ilang oras ako roon, marami akong natuklasan, pagpapakita ng interes ko ay ang syang takda na naghahanda ba ako.
Naisip kong muli, ang mga itinakda ay sanay sa atensyong nakukuha. Posible bang sikat o di kaya'y isa sa mga tinitingalang tao sila sa mundong ito?
Nang maalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ay bumaba ako, ni hindi ko manlang namalayang nakatulog ako dahil sa pag iisip.
"D'ya wanna go shopping?"
"Sure! What time?" Rinig kong usapan nang makapunta ako sa kusina.
"Oh, hey! Gusto mong sumama samin?" Tanong ni Chleone habang paikot-ikot sa inuupuang stool.
"San?" Tanong ko at saka sumandal sa may pintuan.
"LaCostalle Mall." Tipid na tugon ni Adrianna habang puno ang bungangang kinakausap si Farrah.
"Sige. Ayos lang ako." Uminom muna ako ng tubig atsaka dumeretso ulit sa aking silid upang mag ayos.
Inilagay ko ang mga susuotin ko sa kama at saka dumiretso sa banyo upang maligo ng mabilisan, nang matapos ay nag tapis ako at saka naman nag bihis.
Nag ripped black jeans ako at nag suot ng isang hapit na turtle neck black top, kinuha ko rin ang black na stiletto style na ankle boots, pouch at mirror sunglasses. Mag boblow dry nalang ako ng buhok and I'm ready.
Matapos kong gawin ang lahat ay tinali ko into bun. Ang buhok kong may kulay na pastel gray na may kaunting highlight na puti ay bumagay sa suot ko ngayon.
"Hoy! What took you so long?" I got my keys and didn't answer. Muntik ko pang makalimutan ang black leather jacket na kinawit ko lang naman sa aking balikat bago ilagay sa ulo ko ang mirrored sunglasses ko at saka lumakad na papuntang garahe.
"Let's go, I'm hungry." Sabi ni Red kaya sumunod nalang sila at saka pumunta sa kanilanilang sasakyan. Naka dress pareho si Chleone at Adrianna while Farrah is wearing a denim shorts and a simple white shirt na may tupi sa manghas at saka puting sapatos. Nakalugay lang ang medyo wavy nyang buhok na hanggang balikat atsaka may suot ring sunglasses. Si Aldrin, Red at Rage ay nag suot lamang ng long sleeve button up shirt na tinupi hanggang siko at simpleng khaki shorts then sapatos.
Sumakay na ako sa aking Lamborighini Huracan na kulay black atsaka pinagarurot papuntang Mall.
"What should we do now?" Tanong ni Farrah atsaka pinasadahan ang buhok nya.
"Kain muna tayo? Then pahinga tapos shopping na." Walang imik na sinundan ko sila papasok sa LaCostalle atsaka dumiretso sa isang Fine dining restaurant rito.
"Girls are drooling over us, dude! Sabi ko na nga ba at tama ang sinuot nating damit." Tuwang-tuwang sabi ni Aldrin kay Red at Rage na ngingisi-ngisi lamang sa tabi nya.
"Oo nga bro! Pamatay talaga mga mukha natin." Makapal na mukhang sabi ni Rage sabay fist bump kay Red at Aldrin.
"Hah! Hindi porket nag lilitawan ang nga muscles nyo at lumilitaw ang magagandang dibdib nyo dahil sa suot ninyo, eh kailangan nyo na mag mayabang! Bulag siguro ang mga tao rito kaya ganyan. Ang papangit naman!" Iritang sabi naman ni Adrianna at inismiran pa si Range. Unti-unti namang nawala ang ngisi nya dahil sa sinabi ni Adrianna.
"Hah, ka din! Porket ang sexy mo sa suit mo ay lalaitin mo na kami! Hindi sila bulag dahil ikaw ang tunay na bulag! Hindi mo manlang makita ang kakisigan at kaguwapuhan namin! Oh heto at damahin mo ang matigas kong dibdib na ikinalalaway naman ng nga sinasabi mong bulag." Napahiyaw si Adrianna nang hilahin sya ni Rage para sa isang yakap. Namumula namang pinag hahampas ni Adrianna si Rage kaya pinag tutukso naman siya nila Chelone at Farrah na sinabayan ng kanyang kakambal.
"Tse! Ang baho ng pabango mo!" Irap nya kay Rage at saka nag martsa papasok ng Restaurant. Napailing nalang ako sa kanila, hanggang dito ba naman ay mag-aaway pa, Tsk.
"Lasagna, Filet mignon with balsamic glaze." I said as i close the menu, tumango ang waiter at saka naman nag sisalita ang mga kasama ko. Lasagna is my favorite pasta dish.
After namin kumain ay pumunta muna kami sa isang kilalang coffee shop, bumili ako ng iced coffee while frappe naman ang kanila.
"Bili tayo ng bagong swimwear at saka dresses, i don't have any new clothes kasi eh." Sabi naman ni Chleone kaya wala rin kaming nagawa kundi maglibot ng maglibot.
Bumili ako ng mga bagong jeans at kaunting dress na black. Bumili rin ako ng mga pambahay at mga pantulog. Mga sapatos at heels, comfy slippers, ilang anklets at saka mga shirts.
Puro white and black ang lahat ng binili ko maliban sa iilang dress na Royal blue."Let's go home then samahan nyo ako patungo sa school na papasukan ninyo rin." Aya naman ni Aldrin.
Gaya ng napagkasunduan ay pumunta kami sa bahay para maiuwi ang nga pinamili namin at saka nag tungo sa paaralang papasukan namin. Medyo malayo pero kaya namang ilang minuti lalo na at kaskasero naman ako. Liblib ang lugar at medyo malayo sa syudad, pero hindi naman sya nakakatakot daanan, mapayapa lang pero may mga tao rin naman.
Nakarating kami sa isang napakalaking gate at saka lang nakapasok nang makausao si Aldrin. Masasabi kong napakalaki nito at napakalinis.
Malawak talaga dahil kapapasok palang namin ay nakita na namin nag malaking fountain at sa gilid naman ay ang berdeng berdeng Bermuda grass. Sa likod nito ay isang napakalaking gusali na sa tingin ko'y para sa mga opisyal ng paaralan.
Lumiko si Aldrin kaya iniliko rin namin ang aming sasakyan para sundan sya. Ipinarada sa gilid na may mga nakaparada ring mga nag gagandahang sasakyan at saka lumabas kaya lumabas na rin ako.
"Private talaga ito, naraming guards na nakapalibot. Maganda ang kwalidad ng pag tuturo, at saka maraming clubs na pag pipilian, kumpleto ang lahat rito. May pool at iba ibang fields para sa sports. Saka malaki at malinis ang Canteen, hindi mainit at crowded. Hindi rin paulit ulit ang dishes pero kung gusto mo naman ay may nga restaurants din dito mismo sa loob ng paaralan. Naayon lahat sa gusto mo Clauzay, lahat kumpleto. Perfect!" Pagpapaliwanag naman ni Aldrin saakin, maganda nga. Okay na ito para saakin.
"Fine, okay na sakin to. Mukhang maganda naman talaga atsaka pasok na sa standards ko. Meron bang cafe rito?" Tanong ko naman sa kanya habang patuloy kaming nag lalakad upang libutin ito. Tingin ko nga'y hindi naman namin ito matatapos ngayon.
"Yeah. Wala ka nang poproblemahin." Napatango nalang ako, nag iingay nanaman sila kaya't tumahimik nalang ako. Hanggang sa mag aya silang umuwi na.
So.. this will be my new school? Slightly cool.
BINABASA MO ANG
When Exo Become A Monster
Fanfiction9 pretty boys who wrote history with their visual, voice and everything, they are perfect but what if you found out their other secret? that can put your life in danger. Ano ang mangyayari kung malaman mo ang sikreto ng exo? is it live or love? sta...