Mate 1

11 1 2
                                    


"Ano bang gagawin natin? Lagpas na sa bilang ang ating nakuhang logo." Seryoso ngunit naiinis na wika ni Rage.

"Di tayo pwedeng magpadalos dalos ng desisyon." Nagmamasid sa paligid na saad ko.

"Kinakailangan nating tumakas!" Mahina pero mababakas ang kagalakan sa tono ni Chleone kaya sinamaan ko sya ng tingin hudyat ng pagtahimik nya.


"Hindi tayo pupwedeng mahalata ng mga tao, hindi nila pwedeng malaman na tayo ay nag tutungo sa ibang lugar." Pagpapaliwanag ko naman. Kasalukuyan kaming nag babalak na magtungo sa bansang tinutuluyan ng mga tao. Ang Earth.

Maraming hindi nakakaalam sa bansang iyon dahil mga imortal silang buo ngunit ang itinakda, kayang pumunta ng walang hirap sa kahit anong lugar.

"Mga itinakda tayo, hindi natin pupwedeng ipaalam sa iba ang kakayahan nating ito." Sagot naman ni Red at huminto sa isang parte ng gubat na pinuntahan namin.

Tumingin kami sa mga mata ng isa't isa at isang iglap nasa lugar na kami na modernong moderno, nagkikintaban ang sahig at mga palamuting nagkikislapan, naglalakihang mga Paintings ang nasa ding ding at mataas na kisame ang sumalubong saamin na nangangahulugang nasa aming tahanan na kami.


"Yes! Almost two months with no flings, I thought I'm gonna die!" Histeryang sabi naman ni Farrah na ikinatirik ng mata ni Chloene.

"Duh, as if naman na you don't have flings there! You almost make everyone your boyfriend! So ewwie." Irap naman ni Chleone habang iwinawagayway pa ang kanyang kamay sabay pilantik ng daliri nya.

"As if you don't have a boyfriend there too! You are all flirts." Pag didiin ko pa sa sinabi ko, mga malalandi sila at hindi sila nakukuntento sa lugar namin at gusto pang pumunta rito.

"I'm a good man." Maang ni Red atsaka naglaho. Probably pumunta na sa kuwarto nya.

"Thanks! I'll go to my room, just going to rest." Kumindat pa si Rage saka naglaho sa harapan namin.

"You already know what we need to communicate here on Earth, didn't you?" Sabi ko habang humihinto sa lag akyat sa hagdan.

"Yeah, Dapat hindi tayo mag salita ng Malalalim ang kahulugan. Kailangang mamuhay ng katulad nila, at mag aaral?" Napatango ako saka iwinagagway ang aking kamay tutal ay alam naman nila ang palagi kong bilin.

"Nga pala, Pupunta si Aldrin at Adrianna. Mag handa kayo."

Sabi ko sa aking isip na sinagot lang nila ng 'okay'.

Pagod na pagod akong nag hubad ng damit atsaka dumiretso sa banyo upang maligo. Nang natapos ay nagtungo naman ako sa kama upang magpahinga. Halos tatlong buwan bago kami ulit nakapunta rito sa aming tinutuluyan, bahay ng Pinsan kong sina Aldrin at Adrianna.

Hindi naman sa hindi kami pinapayagan ngunit mas gugustuhin kong umalis ng hindi nalalaman ng nga tigabantay, nakakainis kayang sundan ka ng sundan pero gusto mong napag isa. Walang Privacy, tsk.

Kailangan ko nang hanapin ang aking Kapareha, pero paano kung mananatili lamang ako sa isang lugar? Namuhay kami ng normal rito, magpapakasaya at mag aaral aasikasuhin namin pag dating noong kambal.

Nag tatrabaho rin kami sa Dela Merced Group of Companies na pag mamay ari naman ng aking Tito. Half humans can do that and that's the only way we could act this way.


Matapos kong nag pahinga ng kaunti ay lumabas ako dahil sa ingay na naririnig ko, Nagkakantahan at nag tatawanan sila nang marating ko ang Entertainment Room rito.

"Narito na pala kayo, hindi nyo manlang ako hinintay." Tuloy tuloy na sabi ko atsaka umupi sa isahang sofa.

"Para ka kayang dragon kapag ginising ka, kaya hindi na namin sinubok na puntahan ka. At saka buti nagising ka ng mag isa." Inangilan ko si Farrah at saka tinitigan sya.

"Hindi ko sinabing gisingin nyo ako, ang sabi ko hintayin. Paglabas ko palang ng Kwarto ko ay rinig ko na ang mga ingay nyo." Dumakot ako ng Popcorn atsaka sumubo.

"Hey! Long time no see!?" Masayang bati naman ng Kambal habang masayang pumapasok na may bitbit namang nga pagkain.


"Yeah, good to see you." Walang pakielam na saad ko atsaka kumuha ng isang sliced pizza na kakalapag nya lang.

"Wow, that's it?" Manghang tugon ni Aldrin.

"Dude, don't expext her to jump and shout her ass off." Natatawang saad naman ni Rage kaya sinamaan ko sya ng tingin, umiwas sya at saka inagaw ang microphone kay Chelone na feel na feel naman ang kinakanta. Nakikisali rin si Red habang nag aagawan silang tatlo sa mic.

"We should talk about our plans right now, Aldrin. We need to go to class, the most prestigious and private. And also i will handle my business as the CEO of your Monline." Sabi ko sa kanya habang nilalantakan ang pagkain na nasa mesa. Nagkakagulo sila ngunit seryoso kami ni Aldrin rito kahit na maingay and pagkanta ni Adrianna ng boses lasing, kahit hindi sya lasing.

"Oh, yung nag lalabas ng mga utensils for Cooking and baking?why?" Tanong naman nga sakin.

"You know i like peaceful places. May Cafe sa second floor na pupwede kong pagbuntungan ng boring days, may mga libro pa at tahimik." Sabi ko, lumalagok ng coke.

"Bakit kasi hindi nalang sa mismong Restaurant mo? Ako na ang nagmamanage ng Galaxilica Elyxion sa loob ng halos isang taon." Pag mamaktol nya, pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Napakaarte mo ah, isang taon lang naman iyon. Eto nga oh, ako na ang nag piprisinta na maging CEO ng isang kumpanya ninyo. Tapos simpleng Restaurant ko lang ay di mo maalagaan at nag iinarte ka pa." Tumirik ang mata ko ng tatlong pabalik balik habang sya ay laglag ang panga.

"Wow! I am so, so proud of my self right now! Kasi nakaya kong pagsabayin lahat kasama ang simpleng Restaurant mong ilang branches na dagsaan ang tao." Naiiling na wika nya atsaka manghang nalatingin sakin kaya sinuklian ko ng nagbabagang tingin.

"Ang arte mo. Alam kong may kaylangan ka kaya ka nanunumbat dyan, walang hiya ka talaga. Ano ba iyon?" Kumislap ang mata nya saka ako tiningnan ng napakaamo, tipong pati tuta ay maawa sa kanya.

"Bili moko ng bagong labas na Sports Car! Di kasi kaya ng bulsa ko at baka mabatuk-batukan pako ni Mommy at lalo na si Daddy. Saka ayokong makurog sa singit ni Lala, marami ka namang pera kaya kaya mo yun." Sabi nya kaya nginiwian ko sya. Baka gusto nyang idanay ang buong angkan? Nananahimik si Lala ay dinamay pa nya. Pero kung sabagay, nangungurot ng singit si Lala kaya nakakatakot. Masakit pa naman iyon mangurot, makati at mahapdi.

"Fine. Basta i schedule mo kami ng Entrance Exam agaran ha? Yung pinaka pribado." Tumango tango sya at saka ako muling tinignan.

"Yung pinapasukan namin maganda, malawak, malinis at sobrang pribado. Aayusin ko mamaya o kaya bukas para makapasok na kaagad kayo. Kaibigan ko naman kasi ang may ari kaya madali lang." nakisali na kami sa mga Kaibigan naming nag kakatuwan pero hindi maalis sa aking mukha ang walang emosyong tingin.

"You should've seen her face! Totoo naman kasing boses palaka ka eh hindi mo pa matanggap." Umirap si Rage na sinundan rin ni Red at saka paulit ulit na tumbago habang nagbabagang tingin ni Adrianna ang bumungad sa kanya. Sanay na sanay na ako sa kanila, mag babatuhan yan mamaya ng Vase, pati nga ang TV o ang lamesa ay binabato ng mga yan.

"Library muna ako, magpatayan kayo ha? Hindi naman kayo malalagutan ng hininga kaya saksakan lang kayo." Sabi ko saka dumiretso patungong Library.

When Exo Become A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon