Alerto ang bawat galaw, naka buwelo kung sakali mang may magtangka sa likod ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon gamit ang mata ko, tinitigan ko lang ang nasa harap ko.
"Kung ibigay mo na samin iyang Logo ninyo? Hindi na kayo mahihirapan pa." Nakakalokong ngiti ang isinukli ko sa kanya at saka nagpakawala ng nakaka kilabot na tawa.
"Mag isa lang ako pero bakit parang hindi mo ako magawang lapitan?" Itinukod ko sa lupa ang Katanang hawak ko habang buryong na nakatingin sa kanya.
May narinig akong ingay, nabahala naman ang kaharap ko at pinakiramdaman iyon.
"Nandyan na sila." Hindi makikita ang nakaka kilabot na ngisi sa aking labi ngunit mararamdaman mo kung gano ito kadelikado.
Napailing na lamang ako nang mapagtantong umaatras ang kalaban ko hanggang sa tuluyan na syang tumakbo. Ika-apat na pinaka malakas na pinuno ng isang Gang.
Napalingon ako sa pinto kung saan nakita ang mga lalaking lumalakad ngayon patungo sa harapan ko.
"Hey, Yakuza Princess? Assassin? Mafia Heiress?" Tanong noong maliit na natabunan naman noong magulo ang buhok pero matangkad.
Tinitigan ko sila isa isa, pamilyar sila saakin pero hindi ko mawari kung saan ko ba nakita ang mukha nila.
"Kumuha ka rin ba ng Logo rito? Mukhang baguhan ka at wala pang alam." Pinukulan ko sya ng matalim na titig, baka gusto nyang pag pirapirasuhin ko sya nang malaman nya kung sino ang baguhan.
"Marami, marami akong alam." Makahulugang sabi ko sa kanila, nasa isang abandunadong lugar kami at isa isang nag sisipag datingan para kumuha ng Logo na kailangan iprisinta bawat organisasyon o gang na iniingatan.
"Huh?" Payatot sya at mukhang babae, mukha syang naguguluhan.
"Kung para sayo isa akong walang alam at babae lang, may punto ka. Pero huwag lamang mag landas muli ang ating dinaraanan, tiyak na hindi ko kayo titigilan at aking malalaman ang inyong sikretong iniingatan." Makahulugang sabi ko saka nawala ng parang bula, nakuha ko na ang Logong ipipriainta ko kaya nararapat lamang na umalis na ako.
Sa kagustuhang mapag isa ay dumiretso ako sa tambayan ko at nanatili roon ng matagal tagal bago magsimulang mangolekta ng kakawin kong pampana.
Ako ang kasalukuyang namamahala ng organisasyong iniingatan ko ngayon. Ang aking Ama ay unalis kaya naman ako ang nakatoka na makipaglaban para sa nalalapit na eclipse. Ilang buwan nalang iyon ngunit kailangan ko nang maghanda ngayon.
Ako ay isang imortal, kailangan ko nang mahanap ang aking kapareha bago sumapit ang araw na syang aming inaasam dahil kung hindi, mapapasakanay ako nang mga kalaban at gagawing reyna ng kadiliman.
Hindi kami tumatanda, hindi kami namamatay dahil nasa kamay ng aming kapareha ang aming kalusugan. Ako lamang ang hinihintay nang aming lahi upang mas lumakas at mapigilan ang pagsakop ng kadiliman sa aming mga nasasakupan.
"Bakit napakatagal mo naman binibini? Hindi mo man lang kami hinintay bago ka maglakbay!" Sya si Red ang isa sa aking matalik na kaibigan.
"Pasensa ngunit nalalapit na ang mga araw, kailangan na nating magmadali dahil baka mahuli ang lahat." Kasalukuyan kaming nag lilibot sa kakahuyan nang biglang lumitaw ang dalawang babae at isa pang lalaking kanina pa namin hinihintay.
"Rage, Farrah, Chleone! Why are you so late?!" Pagmamaktol ni Red na sinamaan ko kang ng tingin.
"Ano ba? Walang pupwedeng makaalam na ginagamit natin ang wika ng mga ibang tao." Inis kong sinabi sa kanya na syang sinimangutan nya.
BINABASA MO ANG
When Exo Become A Monster
Fanfic9 pretty boys who wrote history with their visual, voice and everything, they are perfect but what if you found out their other secret? that can put your life in danger. Ano ang mangyayari kung malaman mo ang sikreto ng exo? is it live or love? sta...