Chapter 1

1 0 0
                                    

Pagkalipas ng dalawang buwan.

Dumalaw sa ospital sina Pedro, Nesca at John sa kanilang tropang si Dexter na nacomatose ng dalawang buwan.

Nesca Villaruel
"haha nasan na si tanga!?"

Pumasok ng biglaan yung tatlo na may yabang na ngiti at tawa sa kanilang mukha ng makita nila yung pamilya at isang pastor na nananalangin para kay Dexter. Dahil sa hiya ay dahan dahan silang umatras at umalis na muna sa kwarto ni Dexter. Patapos na pala sa kanilang panalangin yung pamilya at ang pastor at agad na tinawag ni Dexter silang tatlo.

Dexter Timba
"pasok kayo"

Nesca Villaruel
"hindi dito na lang kami sa labas, okay lang kami"

John Xage Payumo
"tama tama"

Dexter Timba
"halinakayo!"

Pedro Dimabuyo
"nakakahiya naman mamaya na"

Azesus Timba - Nanay ni Dexter
"sige na kuya aalis na lang kami"

Tsaka umalis ng medyo awkward ang pamilya ni Dexter at ang Pastor. Habang umaalis yung pamilya nya ay yung tatlo naman ay parang mga tuod na nanigas habang nakatungo sa kahihiyan.

Hanggang sinarado na nila ang pinto.

Pedro Dimabuyo
"Tanga kasi eh"

Nesca Villaruel
"Sorry na ah"

John Xage Payumo
"Ano nangyare sayo? tigil tigilan na kase"

Dexter Timba
"Sira matagal na akong tumigil mga dalawang buwan na"

Nesca Villaruel
"Oo yung mga dalawang buwan na tulog ka pa"

Dexter Timba
"Raulo, teka... alam mo ba?"

Nesca Villaruel
"... sa totoo lang hinde ano ba yun?"

Dexter Timba
"Lapit ka dito, kwekwento ko"

John Xage Payumo
"siya lang?"

Dexter Timba
"oo sya lang. Joke halangan... dali na"

Lumapit yung dalawa atsaka umupo sa gilid ni Timba.

John Xage Payumo
"Nag mamariwana kasi sya"

Nesca Villaruel
"Tsk! yung seryoso kase!"

John Xage Payumo
"seryoso nga!"

Nesca Villaruel
"luh???"

Pedro Dimabuyo
"Seryoso nga kala mo nagbibiro eh"

Dexter Timba
"Oo"

Napatigil saglit si Nesca at nagulat sya sa narinig nyang pagsangayon ni Dexter.

Nesca Villaruel
"Tabo? yung totoo?"

Dexter Timba
"Oo"

Nesca Villaruel
"Taboo!"

Dexter Timba
"Oo nga"

Umiling si Nesca at napa facepalm na lang bigla. Naiirita sya sa kanyang narinig na bawat salita at bukang bibig ni Dexter ay ang kanyang pag amin sa katotohanan. Napalingon si Nesca kay Dexter at tinitiggan niya ito ng masama.

Nesca Villaruel
"Tangina mo tabo sasapukin kita, sumagot ka ng totoo kundi madadagdagan pa ng dalawang buwan yang pagtulog mo"

Dexter Timba
"Oo nga ang kulit"

Nesca Villaruel
"Bakit???"

Dexter Timba
"May cancer ako"

Nesca Villaruel
"Sa tingin mo ba talaga makakatulong yun?"

WORST LOVE: season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon