Chapter 3

0 0 0
                                    

Nakatambay silang dalawa ni Pedro at John sa may gilid ng hallway habang sina Sarah at Emilio ay naguusap sa tabi ng elevator. Nasa third floor silang lahat ng Ospital. Maingay ang Katahimikan na rumirinde sa kanilang dalawa ni John at Pedro. Agad ng Lumabas si Nesca sa kwarto ni Dexter medyo namumula at naglalakad ng mabilis, habang nakapakyu sa kanilang dalawa: Sina Pedro at John.

Lumapit si Nesca sa kanila Pedro at John.

Nesca Villaruel
"Tangina nyo ah ako trip nyo noh! Wag nyo na nga akong tawagan ulit"

John Xage Payumo
"Tanga tunay yun!"

Nesca Villaruel
"Pakyu napahiya tuloy sya kasi biglang pumasok yung tatay nya sa kwarto"

Pedro Dimabuyo
"Oh? haha ano sabi mo? ano sabi nya?"

Nesca Villaruel
"Pakyu anong ano sabi nya? edi hinindian ko"

John Xage Payumo
"Anong hinindian mo?"

Nakangiting nagtatanong si John kay Nesca.

Nesca Villaruel
"Prinank nyo ko tapos di nyo alam?"

John Xage Payumo
"Tanga tunay nga yun!"

Napatigil sa pagkwekwentuhan silang tatlo ng sinampal ni Sarah si Emilio. Napa usi tuloy sila sa nangyayare. Nakita nilang lumuluha si Sarah habang iniwan na ni Emilio si Sarah at umalis na lamang galit na galit.

Napapunta tuloy agad si Nesca kay Sarah at inakbayan.

Nesca Villaruel
"shhh anong nangyare?"

Sarah Frank
"hgub hgub.... iehhhh"

napapaungol na sa iyak si Sarah hindi na makapagsalita kung susubukin man ay hindi na maintindihan ang kanyang sinasabi. Napayakap na tuloy si Sarah kay Nesca.

Pinaupo na muna ni Nesca si Sarah sa may malapit na bench at nakiupo na rin sina John at Pedro.

Nesca Villaruel
"Anong tunay!?"

Pedro Dimabuyo
"Ha anong tunay?"

John Xage Payumo
"Ano nangyare?"

Nesca Villaruel
"edi napahiya si Tabo"

John Xage Payumo
"Tanga hindi ikaw. Si Sarah"

Pinalo ni Sarah si Nesca.

Nesca Villaruel
"ay sorry"

Napatameme tuloy si Nesca habang kayakap si Sarah

Sarah Frank
"Anmnnye... hugb hugb... si...huhuahhhh"

Pedro Dimabuyo
"ahhh amnye uljak jakubar?"

natawa tuloy silang apat.

Nesca Villaruel
"Gago to wag ka nga!"

Pedro Dimabuyo
"hamine huk hugb hugb syamne"

Hinampas ni Sarah si Pedro habang natatawa at nakayakap kay Nesca.

Pedro Dimabuyo
"haha hindi na hindi na"

Nesca Villaruel
"Ano ba kasi nangyare bes?"

Sarah Frank
"Sabi nya hindi nya daw matiis na kasama ko kayo ng wala si Nesca. Sabi ko naman tropa nya naman kayo ehh. Ayaw ko naman na masira yung pagkakaibigan nyo. Kasalanan ko to eh... hindi ko na sana sinagot muna si Miong."

John Xage Payumo
"Hindi mo kasalanan. Normal lang talaga na magselos ang lalake siguro pag nasanay na sya magiging okay ang lahat. First time nya mag ka syota eh halangan magiging overprotective yan lalo nat ganda ganda ni sarah ehhh"

WORST LOVE: season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon