Chapter 4

0 0 0
                                    

Kinabukasan.
Room A304
Cavite State University

Pedro Dimabuyo's POV

May mga nakuha na kaming ebidensya na alam naming impormasyon na konektado kay Dexter, si Tabo. Atsaka bago nga pala yun ay gusto kong tanungin sa inyo na kilala nyo naman kung sino yung tinutukoy namin na "Miong" nung mga Unang tatlong Chapters nun at nung Season 1. Dahil kami kami lang naman yung mga characters dun atsaka kasi karaniwan na palayaw ng mga Emilio ay Miong talaga.

So yun nga balik tayo sa nangyare kahapon. Hinanap na namin kahit saang floor si Tabo wala pa rin hindi namin nakita.

(Dahil ang ginawa lang naman nila ay gumala sa buong building dahil sa mga magagandang style ng bawat floor nilang napupuntahan)

Nilibot rin namin pati yung parking lot ng Ospital. Lalo na yung astig na 2nd Underground floor ng Building. Ang Astig! para kaming napapunta bigla sa isang lugar na pang horror movie. Pagkababa namin dun agad naming tinawagan si Nesca at Sarah. Habang naghihintay... ay.. ... okay sorry balik na sa imbestigasyon. Wala na si Sarah nun kaya si Nesca lang yung nakasama namin. Nakakatuwa pa nung... tsk. sige na sige na... babalik na nga sa imbestigasyon eh.

ha? anong ibedensya ang nakita namin dun sa 2nd UndergroundFloor?

Wala.

Pumunta rin kami sa Likod ng Ospital which is puro basurahan na yung nandun. Umuwi na rin pala nung oras na yun si Nesca. May trabaho pa din kasi sya kinabukasan ng maaga. Hindi na rin sya nagaaral. Drinop nya muna yung sem nya para makapag ipon ipon para sa... sarili...

Okay sige na! Dito kami nakakuha ng ebidensya okay! kaso kunti lang to. Karaniwan pa sa mga ebidensyang ito ay hindi ko alam kung kasama ba talaga sa kaso.

So umpisahan ko sa una naming nakita: putol ang isang makapal na kable na nakatiwang wang sa may tabi ng basurahan. So iniisip namin its either tumalon sya mula sa rooftop hanggang sa mga basurahan.

Posible.

(Imposible)

O kaya, alam nyo yung nangyare nung Mission Impossible Ghost Protocol? Kung saan ginamit ni Tom Cruise yung sinturon nya para lang mag zipline sa mababang truck? Ganun nangyare.

Bakit naputol yung kable?

hehe, pinutol nya yun sadya para walang makasunod sa kanya.

Ang sumunod na ebidensya ay ang sirang cellphone na napulot nmin sa may gilid ng dalawang Basurahan. Iniisip namin na tumawag sya ng mga kasama nya para maialis sya agad sa Ospital. Yung mga kasama nya, mga drug dealer. Oo at walang kupas na sagot yun.

Ang talino mo talaga Sherlock Pedro.
Putang ina mo...

Putang ina mo...

Pagtapos namin makakuha ng mga ebidensya, duon sumulpot ang una naming saspek. si Mayka.

End of Pedro Dimabuyo's POV

Flashback.
Sa may likuran ng Ospital sa may mga Basurahan. Andun sila Pedro at John parang mangangalakal ng basurahan. Dumating si Mayka at nagtanong.

Mayka Israel
"Huy! Ano ginagawa nyo dyan!?"

Pedro Dimabuyo
"Naghahanap kami ng ebidensya!"

Mayka Israel
"Ebidensya ng ano!?"

Pedro Dimabuyo
"Mamaya ka na muna at nasa ilalim kami ng imbestigasyon"

John Xage Payumo
"Naghahanap kami ng ebidensya kung saan napadaan si Dexter, at kung sya pupunta."

Napatigil si Pedro sa paghahanap.

Pedro Dimabuyo
"Par! Confidential tong kasong ito! bakit mo sinabi!?"

"hayy... Okay Irene, makinig ka"

Napalingon si Mayka sa likod.

Mayka Israel
"Sino?"

John Xage Payumo
"Kasi naglalaro kami ng Sherlock. Irene yung pangalan ng crush ni Sherlock"

Mayka Israel
"Nasan si Irene?"

Pedro Dimabuyo
"... hindi na mahalaga! ang mahalaga ngayon ay tumakas ang aming kaibigan na si Dexter at ngayon ay hinahanap na sya ng kostodiya"

Mayka Israel
"kosto... ano? Magtagalog ka nga!"

Pedro Dimabuyo
"Hinahanap na sya ng tatay nya"

Mayka Israel
"ahhh nakita ko kanina si Dexter nagtatago sa may ilalalim ng kotse ni John. kaso nung nakita nya ako --"

Nabigla sila John at Sherlo--- Pedro sa sinabi ni Mayka kaya humarurot agad silang dalawa sa kotse ni John. Alinsunod naman ni Mayka sa kanilang dalawa.

Pagdating nila sa open parking lot ay andun na ang tatay ni Dexter hawak hawak ang isang kapirasong papel. Huminto sa gulat ang dalawa, habang binabasa ng tatay nya ang isang kapirasong papel. Sabay sa pag ihip ng hangin ang eksena na para bang nanunuod ka ng isang INTENSE na korean drama. Sinabayan pa nento ng matinding pag lingon ng tatay ni Dexter sa kanilang dalawa sabay sabi

Don Lucky Timba
"Alam ko na kung asan sya"

*Insert dramatic music background*
*P.S. na mala Korean Drama*

Kinabukasan
Room A304
Cavite State University

Nakaupo sina Nesca, Sarah, Mayka at Pedro sa may gilid, Nagkwekwentuhan. Habang nagkwekwentuhan sila ay dumating si John.

John Xage Payumo
"Oh akala ko ba may trabaho ka?"

Pedro Dimabuyo
"alam mo parehas tayong nagulat na nandito sya eh pero... seryoso ka yan ang una mong tanong?"

John Xage Payumo
"... ahhh paano ka nakapasok?"

Nesca Villaruel
"hehe... edi nagsuot ako ng uniform ko. tas pag tinanong ako kung asan I.D. ko sinabi ko naiwan ko."

Mayka Israel
"haha Burnnnn Cavsu!"

Sarah Frank
"Hindi ba tayo makakasuhan ng mga school nento dahil baka gumaya ang mga bata? na makakabasa nento?"

John Xage Payumo
"May nagbabasa pala nento?"

Sarah Frank
"Oo magkakaroon. hindi man sa araw na maipupublish tong chapter na ito pero magkakaroon"

Pedro Dimabuyo
"Meron pa ring Good Side tong ginagawa natin... dahil pag mas naunang basahin ng mga admin ng school ito. Mas magkakaidea sila na mas patibayin pa ang kanilang seguridad ng school at mga tao sa loob ng school. Mas magiging advance pa ang industriya"

Nesca Villaruel
"Tangina pwede ng pang presidente"

Sarah Frank
"Hindi ba tayo makakasuhan dahil sa sinabi ni Mayka?"

Mayka Israel
"Ano sinabi ko?"

Sarah Frank
"Burn Cavsu"

Mayka Israel
"sus, parang kunting bash lang... atsaka yun yung karakter ko sa istoryang ito. ayoko ng protokol"

Pedro Dimabuyo
"Ayaw ng protocol? kailangan din natin yun"

Mayka Israel
"kailangan natin pero mas kailangan nilang luwagan yung protocol na meron sila"

Tumahimik yung mag totropa. Sumingit si Lauin. Si Lauin bago nilang kaklase medyo may pagkamaingay at Fame whore tong taong to.

Lauin Linawmata
"ano pinag uusapan nyo guys?"

Sarah Frank
"ahhh wala naman"

Lauin Linawmata
"Pedro hinahanap ka nga pala kanina ni Elli"

Pedro Dimabuyo
"ahh sabihin mo na--"

Lauin Linawmata
"Ay naalala ko nga pala guys, nagaaral nako magdrive ngayon sobrang relaxing talaga sobra guys"

Nesca Villaruel
"Ano pangalan mo?"

Lauin Linawmata
"ha?"

Nesca Villaruel
"full name mo?"

Lauin Linawmata
"Lauin. Lauin Linawmata"

Nesca Villaruel
"nice to meet you, Labo"
"... ngayon pwede ka ng umalis, thank you"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WORST LOVE: season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon