Chapter 6

115 3 1
                                    

Nikki Pelaez's POV

Breaktime namin ngayon at papunta kami ni Tracee sa library. Dami namin assignments. Tae nakakatamad! Etong si Tracee mukhang kaya magla-library dahil gustong makita si Jupiter. Pagbibigyan ko na lang sya dahil chance nya na 'to. Malakas pakiramdam ko na si Jupiter na ang 'The One' na hinahanap-hanap ni Tracee eh.

"Arayy! Bakit ka ba huminto?" nabangga kasi ako sa likod ni Tracee.

Natameme sya. Nakahinto lang sya dun habang nakatingin sa loob ng library.

Tinignan ko kung ano yung tinitignan nya at nakita ko si Jupiter ...

na kasama yung babae na nakita namin sa gym nung may laro.

"Baka naman friends lang sila. Pwede naman yun Tracee ah." pagpapaliwanag ko sakanya.

"Walang friends na nag-aakbayan at naghahawakan ng kamay. Besides, Gf nya naman talaga yan eh. Diba nga may LQ pa sila sa gym nung may basketball match?! Good, buti naman bati na sila." naiiyak na sabi nya.

Napatingin si Jupiter sa direksyon namin, " T-tracee .." , pero bago pa man sya makatayo sa upuan nya, umalis na kami ni Tracee.

Sobrang lungkot ni Tracee. Umuwi na lang sya at nagdahilan na masama daw ang pakiramdam nya. Mag-isa na lang ako ngayon.

Tumambay muna ako sa hallway. Nagpapahangin lang habang hinihintay na bumalik ang teacher namin na kasalukuyang biglaang meeting nito.

Ang tahimik sa labas.

Peaceful.

No distractions.

Walang istorbo.

"Hoyyy~!"

Ayy, meron pala -____-

Paglingon ko biglang may cellphone na lumilipad papunta sakin. Buti na lang nasalo ko.

Tinitigan ko yung cellphone. Di naman sakin yun eh. Bakit nya binibigay sakin?

"Kahit titigan mo maghapon yan, di yan magsasalita."

Si Higante pala -___-

Kanya kayang cellphone na 'to?

Kung oo, sana pala di ko na lang sinalo.

"Eh bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang nagpapalipad ng cellphone?" sagot ko.

"Wala kang pake sa gusto kong gawin sa cellphone ko. Bakit cellphone mo ba yan ha, para sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin jan?" sagot nya.

Oo nga naman -_-

"Eh bakit mo kasi binibigay sakin?" pagtataray ko.

"Oy, di ko binibigay sayo yan. Kahit na kaya kitang ibili ng isang tabong ganyan, di ko gagawin yun kung para sayo lang."

Tabo?

Yun na ba ang sukatan ng cellphone ngayon?

Manang, Pabili po ng isang tabong cellphone. Tss! Shunga XD

Nilapag ko na lang yung cellphone sa sahig. Bahala na sya magpulot nun.

"Hoy babae. Pulutin mo nga yan!" utos nya.

"ayoko nga." binehlatan ko sya.

"Hayyyy!" nabwibwisit na sya.

May sandaling katahimikan ang namagitan samin.

~So what we get drunk

So what we dont sleep

Were just having fun

My First Love,FOR REAL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon