CHAPTER 10: SCHOOL FESTIVAL PART 1
MIRA’S POV
ACHOOOO! Hindi parin nawawala yung sipon ko T___T Kainis naman oh! Pero hindi naman ako pwede mag absent kasi Class Representative ako at first time ko kaya sa school na ito hindi ko pa na iiexperience ang School festival dito.
“Hey Mira. Sorry pala about the other day at hindi kita sinipot” – Denisse
“Okay lang yun” – Ako
“Balita ko daw nabasa ka sa ulan” – Denisse
“Oo nga eh. Mabuti nga nakita ako ni Natsu at hinatid niya ako sa bahay” – Ako
“Aah. Gotta go” – Denisse
DENISSE POV
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAARG!” – Ako
“What happened?” – Girl 1
“Kainis talaga si Miranna Lucy Heartfilia nay an. Remember the other day? Yun plinanon kong mabasa siya sa ulan? Nakita daw siya ni Natsu at hinatid sa kanilang bahay!” – Ako
“Wow naman. Destiny talaga sila” – Girl 2
“SHUT UP! Hindi sila destiny okay? Coincidence lang yun. Naiinis na talaga akooooo!” – Denisse
MIRA’S POV
Haaaaiy. Excited na excited sina Juvia dahil dadating daw yung favorite band nila dito sa school kaya kumuha na kami nang ticket para mamaya sa Gym. Limited lang kasi kaya bumili na kami.
“Sino ba ang bandang ito?” – Ako
“THE PRINCE” – Juvia
“Hahhaa. Ang pangit naman nang name nayan. Bakit naman the Prince?” – Ako
“Eeh lahat sila Prince. Yung vocalist nga nila si Natsu at yung drummer naman si Shiki tapos yung si Gray, Mark at Gajeel ay Prince din kaya lang hindi sila dito nag-aaral” – Juvia
“Aiiist. Sikat ba sila?” – Ako
“Nanunood ka ba nang TV? Sikat na sikat kaya sila” – Rein
“Ganun ba? Hindi ako masyadong nanunuod nang Tv eh. Busy akong nagbabasa sa Wattpad” – Ako
“WAAAAAAAAAA. Ayiee si Rein kinikilig” – Mayleen
“May crush ka ba jan Rein?” – Ako
“Hahaha. Hindi lang crush. Member nang band yung Boyfriend niya eh. Si Gray! Yung guitarist” – Mayleen
“Waaaa. Ang babata niyo pa! May lovelife na kayo!” – Ako
“Ikaw nga may Prince Natsu” – Juvia
“The hell? Hindi yun sa akin at never akong papatol sa Natsung yun” – Ako
“Asuuuus. Aminin mo na kasi sinabi sa akin ni Jericho my loves ko na pinahiram ka ni Natsu nang jacket” – Juvia
“Yun ba? Syempre nabasa ako nun nang ulan eh” – Ako
“Alam mo ba girl hindi yun nagpapahiram nang gamit? Tapos alam mo din ba na kapag nahiram nang ibang tao ang gamit niya hindi niya na pinababalik o ginagamit pa?” – Juvia
“Hmm? Baka hindi niya na nga gamitin yung jacket” – Ako
“Baka nga hindi niya na gamitin pero tignan na lang natin kung gamitin niya pa talaga. Kung gamitin niya it means may gusto siya sayo” – Juvia
“Impossible yun” – Ako
NATSU’S POV
Haist. Nandito nanaman ang tropa sa school namin. Ang iingay bakit kaya gustong gusto nang mga mokong na ito mag perform dito sa school. Last School festival nga ayaw nilang mag perform dito kahit pinilit ko na sila.
