Siguro nga tanga ako,
Dahil nahulog ang puso ko sayo,
Nahulog ang isang kagaya ko sayo,
Sayo na sinasabi nilang manloloko.Bakit pa kase sayo ?
Sayo na sabi nila manloloko,
Sayo na hindi raw deserve ang kagaya ko,
Sayo na HINDI kayang mahalin ang kagaya ko.Wala na akong magawa pa,
Dahil mahal na kita,
Kahit sabihin ng iba na manloloko ka,
Mahal na mahal pa rin kita.Dumating ang araw na natamaan ka,
Oo, natamaan ka,
Natamaan ka sa iba,
Ang malala sa BESTFRIEND ko pa.Nagpatulong ka pa sa akin,
Para lang ika'y mapansin,
Mapansin ng aking kaibigan,
Kaibigan kong may alam na ako sayo'y may nararamdaman.Sinabi ko okay lang sakin,
Kahit ang totoo para nyo na akong papatayin,
Dahil sa araw-araw kayo ang laging magkasama,
Magkasama at tumatawa ng masaya.Pero bakit ganito ?
Umaasa pa din ako,
Umaasang darating yung araw na mamahalin mo ako,
Kahit alam kong SYA ang MAHAL mo at HINDI AKO.