MAHAL NYA BA TALAGA AKO ?

4 0 0
                                    

May nakilala ako,
Lalaking iniwan,
Niloko,
At sinaktan.

Nung nakita ko sya,
Alam kong tunay nya itong mahal,
Isa ba akong hangal ?
Kung hahangarin kong magkaroon ng tulad nyang mapagmahal ?

Nilapitan ko sya,
At dinamayan,
Lumipas ang ilang araw naging magkaibigan,
Hindi lang kaibigan, kundi MATALIK NA KAIBIGAN.

Pero bakit ganon ?
Iba ang sinasabi ng puso ko ?
Parang sinasabi nito na hindi lang sya basta kaibigan ko,
Mahal ko na ba ang kaibigan ko ?

Dumating ang araw,
Nagtapat sya ng kanyang lihim na pagtingin sa akin,
At sa puntong yon,
Sigurado na ako sa aking damdamin.

Naging KAMI,
Sobrang saya ko nun,
Pero may bumabagabag sa akin.
Totoo ba ang kanyang damdamin sa akin ?

Hindi ko alam kung bakit ?
Pero tingin ko hindi totoo ang kanyang damdamin,
Tingin ko dala lang ito ng sakit,
Sakit na kanyang nadarama.

Gusto kong malaman ang totoo,
Rebound lang ba ako ?
May isa pang tanong sa isip ko,
MAHAL NYA BA TALAGA AKO ?

POEMSWhere stories live. Discover now