Bakit ?
Bakit magmamahal nalang ako yung hindi pa totoo ?
Bakit kailangan kong umasa ng ganito ?
Bakit kailangan mahalin ko pa yung taong nasa libro ?Oo nasa libro lang kayo,
Kaya imposible yung pangarap ko,
Pangarap ko ang mapangasawa kayo,
At makasama sa buong buhay ko.Pero uulitin ko,
Nasa libro lang kayo,
Kaya hindi matutupad pangarap ko,
Dahil sa inyo umaasa ako.Oo umaasa ako,
Umaasang magkikita tayo,
Umaasang makakasama ko kayo,
At umaasang magiging totoo kayo.Sana kase totoo nalang kayo,
Para hindi na ko nasasaktan ng ganito,
Kahit nasasaktan ako,
Mahal na mahal ko kayo.Mahal ko kayo,
Pero ang tanong mahal nyo ba ako ?
Hahaha ! Nagpapakatanga na naman ako,
Umaasang sasagot kayo.Umaasa akong totoo kayo,
Umaasa akong may tayo,
Umaasa akong sana isang araw mabuhay kayo,
At sasabihing mahal nyo din ako.