Chapter 2:

10 0 0
                                    

Jessica Lorraine's POV

Bakit kase ayaw niya akong paniwalaan? Bakit? Ginagag* lang siya ni Paul. Matagal ko ng alam pero sa tuwing sinasabi ko sa kanya hindi siya naniniwala.

"Aray!!! Ano ba?!! Hindi mo ba ako nakita? ha?" Pano ba naman kase naglalakad ako e ang lawak lawak ng daan. Binangga niya pa ako. Kita mong may problema ako oh.

"Sorry, Miss" siya

"Kairita naman o, Sa dinami dami ng makakabangga ko ikaw pa. Arggh. Kahit kailan ka talaga Edison!" sigaw ko

"OA mo naman Lorraine, Bakit ka ba kase ganyan ha?" siya

"Ayokong makipag usap sayo" ako

"Okay Fine. Pero sagutin mo muna ako. Bakit iniwan mo nalang agad ako? bakit hindi mo ako pinatapos magsalita noon? Sana masaya pa tayo hanggang ngayon." Eto na naman. Paulit ulit nalang ba?

"Dahil hindi kita mahal. O ano? Masaya ka na?" ako

"Hindi. Alam ko minahal mo ako. Ramdam ko pa nga yon hanggang ngayon e" tapos nag smirk ang loko. Walang ya ka talaga Ejay Edison Navarro.

"What? Ikaw mahal ko? Hahahaha Nahihibang ka na yata Edison?" ako

"Oo mahal mo ko at mahal kita" tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako?

"Ma---"

"Mula noon hanggang ngayon ikaw parin. Ikaw parin ang nag-iisang babaeng minahal ko at mamahalin ko" siya

"No. Hindi totoo yan, Wag mo na akong guluhin Edison. Masaya na ako" Tumakbo na ako palayo.

.

Blake Andrew's POV

Lahat alam ko tungkol sa kanya. Alam ko na Mahirap siya at meron siyang boyfriend na tatanga tanga.

Maswerte si Paul dahil mahal siya ni Andrea. Pinapangarap ko na sana ako nalang si Paul.

Sana ako nalang siya. Kase matagal na akong may gusto kay Andrea hindi lang basta gusto dahil mahal na mahal ko siya.

Eto ako ngayon tinitingnan ko si Andrea sa malayo. Makita ko lang siya buo na ang araw ko.

"Pare, namboboso ka nanaman diyan noh?"

"G*go ka talaga Ejay. O teka bakit ganyan ang mukha mo?" ako

"Ang tanga ko kase e" siya

"Aba! Ngayon mo lang nalaman?" ako

"Di seryoso ko tol. Ang tanga ko" siya

"Bakit naman?" ako

"Pano pinakawalan ko pa siya" kilala ko na kung sinong tinutukoy niya.

"Bakit kase ayaw mong aminin sa kanya ang lahat?" ako

"Buti ka pa walang problema sa lovelife. Tol manligaw ka naman.  bakla ka yata e" siya

"G*go hindi ako bakla, Akala mo lang wala akong problema. Meron akong mahal pero may mahal na siyang iba e" ako

"Kalamayin mo ang loob mo Blake, huhuhu" Loko to ah. Kaya ayun binatukan ko. Kung ano ano mga ginagawa e.

"Aray" siya

"Tara na nga, mag lalaro pa tayo ng basketball nila Carlito." siya

"Oo nga pala nakalimutan ko" kumamot ako sa ulo ko.

"Paanong hindi mo makakalimutan puro pamboboso inaatupag mo hahaha" alam niya ng babatukan ko siya kaya ayun tumakbo.

Tumingin ulit ako kay Andrea kasama na niya ang taong mahal niya.

Andrea iiwan ka rin niya, Alam ko lahat ng tungkol kay Paul. Sasaktan ka lang niya.

Rebound?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon