Chapter 3:

2 0 0
                                    

Jane Andrea's POV

"Bes" tawag sa akin ni Jess

Hindi ko siya pinapansin, Kunwari wala akong naririnig.

Sorry Bes pero kailangan munang iwasan kita. Baka kase iwan ako ni Paul at hindi ko yun kakayanin. Kaya isasantabi ko muna ang pagkakaibigan natin

"Jane Andrea Morales, Ano ba. Bakit ayaw mong tumingin?" mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

"Ano ba ha? Bi---" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil sumigaw na ako

"Bingi ka ba? Ayaw kitang pansinin dahil ayokong makipag-usap sayo" Ang tanga mo talaga Jane. Nag-iisang bestfriend mo sinigawan mo.

Tumulo ang luha ko. Pero agad ko itong pinunasan. Tumakbo na ako palayo sa kanya. Ayokong makita siyang umiiyak ng dahil sa akin.

Sorry Bes kung sinira ko ang pagkakaibigan natin.

.

Jessica Lorraine's POV

"Bingi ka ba? Ayaw kitang pansinin dahil ayokong makipag-usap sayo" Tumulo ng tumulo ang luha ko. Anong ng nangyari sa Bestfriend ko? Hindi na sya yung Jane na kilala ko noon. Sobrang nag-iba na siya ngayon.

"Jessica?"

"Blake" Nakatingin lang siya sa akin. Tapos pinahiran niya ang pisngi ko gamit ang panyo niya.

"O? Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" siya

"Si Jane" ako

"Ha?" siya

"Si Jane, Nag-iba na sya. Hindi na siya yung bestfriend ko" ako

"Tahan na, Pumapanget ka o. Pag nalaman niya  na umiiyak ka magagalit yun" siya

"Sino?" ako

"Edi si Ejay" siya

"Asa pa, Sino sya para magalit? Ano ko ba siya? Boyfriend? Feeling huh! Baka nakakalimutan niya ang ginawa niya sa akin?" ako

"Hindi mo naman alam ang totoong nangyari noon e, Dapat pinag-ex---" hindi ko na siya pinatapos

"Eto na naman. Babalik na naman ba tayo sa nakaraan?" ako

"Okay lang naman balikan ang nakaraan eh. Parte ng buhay mo ang nakaraan mo. Wala kang dapat ikahiya sa mga nangyari noon kase dahil don mas natuto ka sa mga bagay bagay sa paligid mo" siya

"Pero kung babalikan ko ito, sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin nasasaktan ako" ako

"Kase mahal mo pa siya, Kahit tinatanggi yan ng isip mo kung nasasaktan naman ang puso mo mahuhuli at mahuhuli ka ng taong magtatanong sayo" siya

"Hindi ko na sya mahal, Galit tong nararamdaman ko." ako

"Sigurado ka? Nung sinabi mo na hindi mo na siya mahal anong naramdaman mo?" Masakit na may kahalong lungkot yun ang naramdaman ko pero hindi ko sasabihin sa kanya.

"Masaya, Sobrang saya" ako

"Wag mo ng itanggi Jessica, Ikaw din ang mahihirapan. Wala namang mawawala kung papakinggan mo yung side niya diba?" siya

"Kung masaktan ka man sa sasabihin niya. A----"

"Ano? Atleast nasabi niya? Ganon? Ayoko na Blake. Oo aaminin ko mahal ko pa siya pero hindi na katulad noon. Hindi na ako magpapakatanga sa kanya. Masasaktan lang ako sa huli kung pipiliin ko siya" Kaya nga iniiwas ko na si Jane kay Paul dahil lolokohin lang siya nito pero ayaw maniwala ng Bestfriend ko.

Rebound?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon