DIAYD(10)

114 11 2
                                    

Lady POV

Nakakainis!

Naiiyak ako sa sobrang galit,

Bakit? Kasi naman kinain ni Yesha yung Cookies ko.

Oo alam kong cookies lang yun pero hindi ehh, Gawa yun ni Mr.Gluta ehh!
Kaya di ko siya pinansin kanina sa Van kasi naiinis ako sa kanya!

Kaya heto ako ngayon, Nag lalakad, nag mumukmuk, Nag mumuni muni nang may nakita akong nakahiga sa bench na malapit sa Garden, Wait lang, Class Hour na ah, bat nandidito pa to??

Lumapit ako sa kanya at namewang, Nakatakip kasi nang Panyo yung muka nya kaya di ko alam kung sino sya.

"Hoy! Mr.! Class Hour na bat nandidito ka pa??!" Sigaw ko sa kanya, Napansin kung gumalaw sya, at tinangal yung panyong nakadikit sa muka nya.

Teka lang...

"Mr.Gluta??!"

"Letche naman yang Bibig mo, Napaka ingay" inis na sabi nya habang bumabangon sa pag kakahiga nya.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi nya, Maingay ba talaga ako? Di naman ah.

"Sorna, Bakit kasi nandito ka pa eh class hour na?"

"Di kasi ako makatulog"

"Bakit naman?"

"Kasi iniisip kit-Ay Iniisip ko yung sagot sa Quiz, Oo sa Quiz" nauutal na sabi nya.

Napatungo naman ako, AHA!!

"Mr.Gluta may Favor ako!"

"Ano yun Ms.Beautiful Cookie monster? " Nakatingin na tanong nya.

Bigla naman ako napangiti sa sinabi nya, Ehem, Beautiful daw ako mga besss!!

"Ah, ano, Pwede mo ba akong gawan nang Cookies???" Tanong ko sa kanya habang naka Prayer na sign.

"Ano? Nasaan yung cookies na binigay ko sayo kagabi? Madami yun ah?"

Napakamot naman ako sa Ulo ko.

"Kinain kasi nang buwaya sa bahay, Sigi na pleaseee"Pag mamakaawa ko sa kanya habang nag pu-puppy eyes, Bigla naman syang umiwas.

"O-oo na, S-sige na" Nauutal na sabi nya, Bigla naman akong napatalon sa tuwa. "Tara na" Yaya ko sa kanya, Bigla naman syang tumingin sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Gagawa tayo nang Cookies kaya tara na" Sabi ko sabay hila sa kanya.

"Teka Class hour pa eh"

Huminto ako at tumingin sa kanya

"Excuse me? Princess is here" Sabi ko sabay turo sa sarili ko

"Tsk, ang yabang"

Di ko nalang sya pinansin at hinila na sya ulit.

Pero napahinto ako nang may naalala ako,

"Kaninong Sasakyan yung gagamitin natin?"

"Yung akin"

"May Sasakyan ka?"

Di nya ako sinagot sabay hila sa akin papuntang parking lot.

Tsk napaka misteryoso naman tong lalaking to, Pero may sakit ba sya? Ang putla nya kasi ehh.

Maya maya huminto kami sa tapat nang isang..

Motor

Seriously???

"D-dyan tayo sasakay?" Takang tanong ko, tumingin naman sya sa akin at tumungo

"Oo, wag nang mag inarte" Sagot nya sabay Sakay sa motor.

"P-pero... Di ako marunong sumakay sa motor at naka mini skirt ako" nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Tsk, Prinsesa ka nga pala" Tinanggal nya yung blazer nya at hinagis sa akin, "Yan Ipulupot mo yan sa bewang mo nang di makita yang legs mo at sumakay ka na"

Napanguso naman ako sa sinabi nya, Pinulupot ko yung blazer nya sa bewang ko at Dahan dahan sumakay sa motor. May inabot sya helmet sa akin kaya kinuha ko yun at sinuot.

"Humawak ka sa akin" sabi nya habang inaayos yung Helmet nya, Bigla naman akong napalunok.

Maliban sa Papa ko, di pa ako nakakahawak nang ibang lalaki.

Dahan dahan akong humawak sa balikat nya at napalunok.

"Bakit dyan ka nakahawak?"

"Huh?"

"Dapat dito, mahuhulog ka dyan eh tsk" Nagulat ako nang bigla nyang kunin yung kamay ko at nilagay nya sa bewang nya.

Dug dug dug..

"Humawak ka nang maige, para di ka mahulog" sabi nya.

Ano ba tong nangyayari sa akin.

May sakit na ata ako sa puso eh.

YESHA POV

Nakakainis naman si Ylo,

Padabog akong umupo sa sofa habang iniisip kong ano yung Sogo.

"Aishh!! Di naman big deal yun pero bakit ko iniisip? Aissh" Tumayo na ako at pumunta sa Kuwarto ko.

I forgot to say na may sarili kaming bahay, kaming anim yung nakatira, pero minsan umuuwi kami sa bahay bahay namin at minsan makikitulog rin kami sa bahay bahay nila, Funny right? Or not? Anyway Nag palit na ako nang Damit kasi for sure papagalitan nanaman ako ni Ylo pag hindi pa ako nag palit nang pangbahay.

Kinuha ko yung laptop ko at Dumapa sa kama.

"Hindi nyo sa akin sasabihin kung anong meaning nang sogo, puwes may paraan ako para malaman yun hmmp" bulong ko sa sarili ko habang nag tatype.

"So....go... Then click, OHA! Hahahahaha" Nababaliw na tawa ko, Hah! Kala nyo ahh,

Binalik ko ulit yung tingin ko sa screen at...

"Hotel sogo!???!"

Bakit hotel sogo???

Bakit wala yung meaning nang sogo??!

Teka...

Flashback
"San sila Pupunta? " tanong ko sa lalaking to,

"Baka sa Sogo" sabi nya habang sinusundan nang tingin sila Lady.

Napatingin ako sa kanya.

"Sogo?  Ano yun? "

Tumingin naman sya sa akin.

"Sogo?  Di mo alam? "

"Kung alam ko edi sana di ko na tinanong sayo" inis na sabi ko,  Bwisit din to eh no? 

"Malay ko ba na inosente ka pala"

"Ano nga kasi yun?  Pag kain ba yun?"

"Hindi yun pag kain,  lugar yun"

"Lugar nang pag kain? "

"Lugar nang mga nag kakainan"

"Fast food parang ganon?  Restaurant?"

"Hindi rin,  basta once na nandodoon ka,  Iiyak ka sa sobrang sarap"

End Flashback

Hotel Sogo....

"Ohhh noo!!!!! My Innocent mind!!!! Kyahhh!"


End Chapter.

Eyoo!!
Sorry kung ngayon lang ako nag paramdam ahh T.T I'm very very sorry, Sorry kung pinahintay ko kayo T.T

Ps: Vote BTS and Gfriend in MAMA Okie??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do It And Your DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon