Jacky's PoV
"Kuya Jacky.. Are you alright?"Jasmine.
"Bakit bunso? Okay lang ako. Sige na bumalik kana sa kwarto mo.."
"Eh.. Kuya.. Sorry kuya! Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit ka nasapak ni daddy.. Sorry.. Kasalanan ko.. Kung bakit kayo nag away ni daddy.. Dahil sa katangahan ko.. Dahil sa pagiging matigas ng ulo ko.. I'm sorry"
"Wala kang kasalanan. Responsibilidad kong protektahan ka. Ang sakin lang dapat bago ka sumama sa ibang tao sana inaalam mo muna kung makabubuti pa sila sayo. Di bale nang ako yung masaktan wag lang ikaw. Ikaw lang nag iisang prinsesa mamin sa bahay hindi ko alam magagawa ko kung mapano ka"
"S-sorry kuya.. Hindi na mauulit. Nag sisisi akong sumama pa ako sa kanila. Di ko alam na may balak pala silang gawin sakin na masama.. Im sorry.. Akala ko kasi kaibigan sila.. Masyado akong mahina.. Wala akong kaibigan. Akala ko kaibigan turing nila sakin pero hindi pala.."
"Okay na tapos na.. Nangyari na wag kanalang umulit jas.. Nag aalala sila Mom and Dad"
"Paano kayo ni dad? Galit sayo si dad.. K-kasi.. Iniisip niya na pinabayaan mo ko dahil tayo ang magkasama that time pero tinakasan kita.."
"Sapak lang toh tsaka ako ng bahala magkakabati din kami ni dad.. So kumalma kana.. Puntahan mo si mom at nag aalala yun. Mag sorry ka sa kanila. Don't worry about me. I can handle myself. I need some rest.."niyakap niya lang ako ng mahigpit. Kaming dalawa lang ang mag kapatid kaya hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko din masisisi kung nagalit sakin si dad. Coz I know what he felt.. Natakot din ako nung malaman kong tinakasan ako ni Jasmine sa pamamasyal namin. Akala ko may kumuha sa kanya o kung anuman..
She's our princess.. Kaya natakot ako para sa kanya. Namamasyal lang kami nalingat lang ako nawala na siya tsaka lang siya tumawag nung kasama niya na yung mga KAIBIGAN niya daw. Wala akong tiwala sa mga "kaibigan" niyang tinatawag.
I know na fame lang ang gusto sa kanya ng mga yun. Masyadong maawain at mabait si Jasmine pag dating sa amin maging sa ibang tao kaya madali siyang mapaniwala..
Simula bata kami kaming dalawa lang ang laging magkalaro. Never siyang nakipag close sa iba. Ako tsaka yung anak lang ni ninang Malou at ninong James ang naging kababata namin.
Hindi siya binubully sa pisikal pero binubully naman siya sa emotion. Sinasaktan siya emotionally. Kaya simula non wala na akong tiwala sa mga nakikipag kaibigan sa kanya. Kapatid ko siya. Ako kasama sa nag palaki sa kanya.
Nagalit si Dad dahil iniisip niya na ako may kasalanan kung bakit muntikan ng marape si Jasmine kanina.. Ako kasi ang kasama ni Jasmine nun kaya ako rin naman talaga may kasalanan kung di lang ako nag pabaya edi sana naprotektahan ko ang kapatid ko.
Jasmine's PoV
"D-Dad.. Im sorry. Wag kana pong magalit kay kuya.. Wala po siyang kasalanan.. Ako po yung tumakas.. Ako po yung naging matigas ang ulo. Alam ko naman pong pinoprotektahan niyo ako ni kuya tsaka ni mom..kasalanan ko dahil hindi ako nakunteto sa kung anong meron ako.. Sorry dad.. Wag kana pong magalit kay kuya Jacky"nakaluhod ako sa harap ni daddy. Nakaupo siya sa swivel chair niya. Nandito ako sa office niya sa bahay katabi niya si mom na umiiyak at mukhang nag aalala.
Kasalanan ko nanaman.. Pinag alala ko nanaman sila. Palagi nalang ba akong nakakagawa ng mali? Wala naba akong magagawang tama?
Kapag wala akong ginawa ang pangit nanaman ng sasabihin ng iba.. May kulang parin..
Kapag may ginawa ako mali parin..
Bakit ba ako naging mahina?! Bakit ba ganito ang personality ko?
BINABASA MO ANG
Prostitute [One Shot]
Short StoryThey Call me "Bawd,Slut,Call girl,Whore,Harlot,Street walker,hooker,moll" at kahit ano pang maitutulad sa salitang 'PROSTITUTE' na mahahanap sa diksiyonaryo.'Pok-Pok,GRO' sa tagalog,ano pa bang kulang?MARAMI.Oo bayaran ako,pero wala silang alam kung...