Chapter 3- RIVALS

125 4 6
                                    

Dedicated to my Watty Bestfriend :)  Hello *wave wave* <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

** Chapter 3

Lara's POV

Nagulat ako ng biglang may humila sa buhok ko.

"ANO BAA?!! BITAWAN NYO ANG BUHOK KO!!!" Lintek na mga babae to, patalikod kong lumaban. PSH!!

"Kapal din ng mukhang mong talikuran kami noh? Pagkinakausap ka namin WAG NA WAG mo kaming TATALIKURAN!! Naiintindihan mo?" Hila hila nya ang buhok ko habang sinsabi ni Hannan yun. LECHUGAAAS! 

"BITAWAN NYO SABI AKO EH !!! ANO BAAAA!!!!" Lalo nyang hinigpitan ang pag hila sa buhok ko. Bwisit! naiiyak na ako sa sakit. Pesteng mga babae to oh!!

Hinarap nya ako sa kanya habang ang dalawang alalay nya na si Trisha at Jane ay hinahawakan ako mula sa likod.

"Ikaw na malandi ka! Subukan mong bastusin ulit kami at makukuha mo ang hinahanap mo!"  habang binibitawan nya ang mga salitang yun ay dinuro duro nya pa ako.

"Excuse me lang ha. Pero hindi ako maladi! At kung malandi man ako sa paningin nyo. Mas malandi naman kayo sa paningin ko!!" 

Nakita kong iniangat nya ang kamay nya at sasampalin nya ako kaya naman pumikit na ako. Wala din naman akong magagawa. Hawak ng mga alalay nya ang mga kamay ko.

"Tigil!" May narinig akong sumigaw mula sa malayo at tumakbo papalapit samin..

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko sya. Anung ginagawa nya dito?

Vince's POV

 Kanina pa ako naghihintay dito sa may pinto, ang tagal naman kasi ni Lara. Mamaya dadating na din ang teacher namin. Sabi nya mabilis lang sya eh.

" Tss ang tagal naman ni Lara. puntahan ko na kaya?" di talaga ako mapakali, parang may umuudyok sakin na puntahan sya.

Naglakad na ako papuntang Ladies room, pero napatigil ako dahil may narinig akong sigaw.

"Excuse me lang ha. Pero hindi ako maladi! At kung malandi man ako sa paningin nyo. Mas malandi naman kayo sa paningin ko!!"  O_O Boses yun ni Lara ah.

Sinundan ko ang direksyon ng boses at nakita kong sasampalin na nung nakatalikod na babae si Lara. At sa tingin ko si Hannan yun!

"Tigil!" tumakbo ako papunta sa kanila at nakita ko naman na gulat na gulat yung tatlong babae pati si Lara.

"Bitiwan nyo si Lara! Isa!!.. " Patungkol ko dun sa mga nakahawak kay Lara.

Hinawakan ko si Lara at tiningnan ko ang mga braso nito. Tsk! sabi ko na nga ba eh!

"Okay lang ako" - Lara

Tumingin ako sa kanya, mukha syang matapang.. Parang di man lang sya nasaktan.

Sinamaan ko ng tingin yung tatlo. "Sa susunod na ulitin nyo to kay Lara. Pati ako makakalaban nyo!" 

Nakasimangot naman yung tatlo.. Parang galit na naiinis na ewan mga itsura nila.

"Sorry Vince" Sabay sabay nilang sabi at nag bow pa.

Niel's POV

Hi! Siguro naman kilala nyo na ako. Kung bakit palagi kong inaasar si Lara? Wala lang, natutuwa kasi ako pag naiinis sya. Ang sarap nyang pagtripan at ipahiya. HAHAHA!

 Naglalakad lakad ako ngayon sa corridor 

"Ikaw na malandi ka! Subukan mong bastusin ulit kami at makukuha mo ang hinahanap mo!"  

"Excuse me lang ha. Pero hindi ako maladi! At kung malandi man ako sa paningin nyo. Mas malandi naman kayo sa paningin ko!!"

Parang familiar yung mga boses nila.

Naglakad ako papunta dun sa nagsisigawan at nakita ko si Lara na hawak hawak nung dalawang babae. At tangkang sasampalin na sya ni Hannan.

Lalapit na sana ako kaya lang nakita ko si Vince na pumunta sa kanila at tinulungan si Lara. Tch! Yeah! The Night in shining armor is here. =__=  Ayoko kay Vince. Kahit pa sabihin nating kababata ko sya, ayoko sa ugali nya. Palagi nalang nya akong kinokontra. Palagi nya akong kinakalaban sa iba't ibang bagay. He's my #1 Rival here in the campus. Minsan nanalo sya minsan naman hindi. Basta ayoko talaga sa pagmumukha nya!

Umalis na yung tatlo kaya naman, aalis na din ako dito. Wala namn akong pakialam sa Microphone na yan eh. Nanjan naman na ang kanyang Night in Shining armor. -___-

Vince's POV

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko kay Lara habang chinecheckang mga braso nya.

"Oo okay lang ako. Hindi naman masyadong masakit eh." - Lara

"Sigurado ka ba?"

Tumango sya.. "Oo, okay lang talaga ako. Salamat ha"

"O sige, tara?"Hinila ko sya..

"Teka teka san mo ko dadalhin.?"

"Basta sumama ka sakin." 

Nandito kami ngayon sa hide out ko, sa tuwing gusto kong mapag isa dito ako pumupunta. May tiwala naman ako kay Lara na hindi nya ipagsasabi ang hide out ko eh.

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Lara

"Welcome to my hide out :) "

"Hide out? Tss. Ano naman gagawin natin dito? dba may 2 last subject pa din tayo?"

"Enough enough. ang dami mo naman tanong. Dito muna tayo, hindi pa naman maayos ang lecture eh. Alam ko kailangan mong magpahinga." pag iexplain ko sa kanya..

"Eh? Ano ka ba. okay nga lang ako."

"Kahit na, samahan mo muna ako. Gusto kong mapag isa."

"Mapag isa? Edi aalis na ako. Hindi ka naman mag isa pag kasama mo ko." Tumalikod na sya at nag simulang maglakad.

"Hey! Gusto kong mapag isa tayong dalawa." Napatigil sya pero di sya lumingon..

"Samahan mo na ako, gusto ko lang na may makausap." Tumingin sya sakin na may halong pagtataka.

"Tss! Sige na nga.." Umupo sya dun sa may corner ng rooftop. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Ano ba kasing pag uusapan natin?" - Lara

"Uhm? Bakit ka inaway nina Hannan?" Yun na nga lang.. wala akong maisip na pag usapan eh -.-

"Sabi ko na nga ba itatanong mo yan eh. basta. Girl's talk lang yun." *smirk* - Lara

"Tch! adik ka. Sige na nga.. Uhm. Ano ba yan! Wala akong maisip" Wala talaga akong maisip..

"HAHAHAHAHA! Nagyaya kang mag usap tayo wala naman palang pag uusapan. Mas adik ka pala eh ^__^" 

Napakamot nalang ako ng ulo. Tama naman sya eh. TT____TT

"Magkakilala ba kayo ni Niel?" Tanong nya sakin..

"Ah. oo, best rival ko yun eh"

"Rival? ~_^"

"Yeah. We always compete. In sports, in schools and in many things. Hindi ko naman talaga sya tinuturing na rival eh. Sya lang naman nag iisip na rival kami."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:   Ayan, pareho na silang may POV ni Niel :) 

Picture nga pala ni Niel ^^ Gwapo ng crush ko noh? HAHAHAHA.

 Yung gustong magpadedicate, comment nalang kayo here :>

Lovelots <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fell Inlove with a STUPiDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon