- 1 -

21 0 0
                                    

"Anna! Bumaba ka na dito at wag kang aarte arte dyan!" Ilang beses ko na naririnig ang katok ni Mommy sa kwarto ko. Galit na galit na sya.

Muli kong tinignan sarili ko sa salamin.

Suot suot ko ang isang red na cocktail dress, naka-stiletto, ayos na ayos buhok ko at naka-make up.

I looked at the clock... 10pm na.

"Madam, wala na akong magagawa pa. Ilang beses ko na sinubukang itakas ka, pero alam mo naman, bigo parin" sabi ni Pearl, ang personal assistant ko. Sya rin kase bestfriend ko simula Elementary.

Tinitigan ko parin sarili ko sa salamin. Nasan an glow ng mukha ko tuwing nasa school ako? Bakit hindi ako masaya? Bakit nga ba?

"ANNA! GINAGALIT MO TALAGA AKO! ILANG ULIT KO BA SINABI SAYO NA WAG MO PAGHIHINTAYIN FIANCE MO!" at di ko na napigilan luha ko. Di ko tanggap ang mga ginagawa ni Mommy sakin.

Oo may fiance ako... pero hindi ko sya mahal. Never ko syang mamahalin. Si Mommy lang pumili sa lalaking yan bilang mapapangasawa ko... bakit? Syempre, for the sake of the business.

"Madam! Sinisira mo make up mo!" Rinig kong sabi ni Pearl. She tried to wipe my tears and redo my make up pero tinabig ko kamay nya.

Agad kong tinanggal ang falsies, make up, mga accessories ko, ginulo ko buhok ko, pinunit ko ang dress ko at binato ang stiletto sa pinto.

Rinig kong nagwawala na mommy ko sa labas ng pinto. Rinig ko narin tinatawag nya ang mga maid at gwardya para tulungan syang buksan ang pinto.

Pero bago pa mangyare yun, nagbihis na ako n simpleng puting tshirt, jeans, sneakers at nag-cap.  Sinenyasan ko si Pearl na wag maingay. Mula sa 2nd floor ng kwarto ko, tumalon ako... wala na akong pake kung mamatay o mabali buto ko. Basta AYOKONG MATALI SA HINDI KO MAHAL.

Nang makatalon ako pababa, agad akong umakyat sa bakuran palabas ng bahay. I do parkour kase halos araw araw ba naman ako tumakas dito sa bahay.

Tumakbo ako palayo ng bahay, tumakbo, ng tumakbo, ng tumakbo... hanggang sa di ko na alam kung sang lugar ako napadpad.

Napagod ako. Naghanap ako ng mauupuan and luckily, I found a bench near an old treehouse.

"Nasan naman kaya ako napadpad" tinignan ko relo ko. 1 am na pala. Ganun ako katagal tumakbo? Tsaka ko nalang naramdaman sakit ng  paa at katawan ko pagkaupo ko sa bench.

Napasandal ako sa upuan, deeply sighed and cried my heary out.

Ang hirap talaga maging unica hija, only child, heiress ng company namin. I have to abide my Mom's rules, lahat ng decisions sa buhay ko kelangan, Mom ko ang magdedecide. Kung saan ako magaaral, kung sino mga kaibigan ko, kung sino ang mapapangasawa ko. I feel like more of her company than being her daughter.

For the 15 years of my life... never ko naramdaman na naging nanay sya sakin at never ko naramdaman na anak nya ako.

"A beautiful girl like you shouldn't cry." Napatingin ako  sa nagsalita... konti lang liwanag na nakikita ko, pero sapat na yun para makita kung sino nasa harap ko ngayon.

"Miss, sinaktan ka ba ng boyfriend mo?" Takot ang nararamdaman ko ngayon. Sino ba tong mga to.

"Miss, paliligayahin ka namin, kaya wag ka na umiyak" unti unting lumapit ang tatlong lalaki sakin.  I stood up pero naitulak ako paupo ng isang lalaki. Grabe na ang iyak ko, mixed emotions na ang nararamdaman ko.

"Miss, ang ganda mo, hmm..." biglang nilapit ng lalaki ang mukha nya sa buhok ko at inamoy iyon.

"Ang bango. Siguro virgin ka pa Miss."  Sabi ng lalaki. Bigla niyang hinawakan braso ko pero tinabig ko agad yun pero di effective, lalo nyang hinigpitan hawak nya sa braso ko.

Saving YouWhere stories live. Discover now