3 days had passed at medyo gumaling mga pasa ko sa braso dahil nga sa tatlong lalaki na tangkang gumahasa sakin.
Sa loob ng tatlong araw, naging prinsesa ako sa bahay ni Chris. Ayaw nyang ako maghugas ng mga plato, gusto nya sya ang magluluto at gusto nya pampered ako. He respected me a lot. Gave me my own room dito sa bahay nya. He also bought me clothes, shoes and accessories and even my phone.
Take note, parehas kami ng phone. Magkaiba lang ang kulay.
Todo tanggi ako sa mga ginagawa nya sakin. Imagine, we just met like 3 days ago, then he's giving me too much already. Pero, he really insists. He may kill people but he has this soft spot somewhere in his heart.
"So, do you plan on going home?" Nagulat ako nang bigla nalang sya nagsalita.
"Oh, dumating ka na pala. Welcome home, Chris" I looked at him and smiled, agad naman syang ngumiti pabalik sakin. Damn, his smile melts me.
"Ang sarap talaga pakinggan galing sayo ang mga salitan yan. Yung may magwe-welcome sakin tuwing uuwi ako. Alam mo, para na tayong mag-asawa." Tapos ngumiti sya ng pagkapilyo. Inirapan ko nalang sya at tumalikod pero ako naman tong ngumiti din ng di nya namamalayan. Naramdaman ko namang lumapit sya sa akin at tumabi sa upuan.
"Eto naman, nagbibiro lang ako. Hahaha. Ikaw talaga Anna, napakaseryoso mo. Pero, seryosong tanong. Kelan ka uuwi? Di ka ba hinahanap sa inyo?" Agad naman akong napatigil sa pagkalikot sa phone na binigay nya at agad na nag iba facial expression ko. Binaba ko iyon at tumingin sa kanya.
"Ayokong umuwi. Ayoko sa impyernong bahay na iyon! Gusto ko maging malaya!" Di ko namalayan na unti unting tumutulo mga luha ko. Pinunasan naman nya agad iyon at niyakap ako.
"I knew behind that beautiful smile of yours, you kept deep problems. I'm here, princess. I'm all ears. Let it all out. Cry it all out. Kung gusto mo ko saktan, sige saktan mo ko. Wanna shoot me? I'll lend you my gun." Nang marinig ko ang mga sinabi nya sakin, umiyak na talaga ako ng sobra at niyakap sya ng mahigpit, kumapit ako sa mga damit nya ng sobrang higpit.
I never imagined I'll cry like this to someone I only knew 3 days ago. But I have this confident feeling na I can really really trust him.
"Tahan na. Ang isang prinsesang tulad mo ay dapat hindi umiiyak." Sabi nya. I looked at him and I saw him smile... the smile that melts my heart.
"I'm... I'm sorry if I cried like this. Haha" sabi ko ng pilit pang tumatawa at pinunasan ang mga luha ko.
"It's okay, Anna. Tao ka at natural lang na umiyak pag nahihirapan na o nasasaktan ng sobra." Sabi nya. He wiped my tears again and smiled.
Bakit ba tuwing ngingiti sya sakin, ang gaan sa pakiramdam?
"Ang pangit ko umiyak. Sorry ah. Hahaha." Sabi ko. Para akong tanga sa totoo lang. Umiiyam tapos tatawa. Kelangan ko na ata magpa-mental hospital.
"Kahit umiyak ka ng umiyak dyan... kahit mamugto mata mo kakaiyak... maganda ka parin. Tandaan mo yan." He smiled at me again and hugged me tight.
"Thank you so much" I whispered.
Kumawala ako sa yakap nya at ininom ang tubig na nasa table sa harap ko. I deeply sighed at humarap ulit sa kanya.
"Christian Jayce Peralta, can you keep a secret?" I asked him.
"Of course." He said at sumandal sa upuan at muling tumingin sakin.
"Okay, I'll tell you why I don't wanna go home ever!" I said. He nodded yes and held my hand.
"My Princess, I'm all ears."
So I started to tell him everything.
"I am from a very rich and powerful family. Tho, My mom is a single parent and I never seen my dad even once, mom managed to run the family business smoothly and regained more money and power. Since she was a rebel before, sumuway sya sa lolo ko, sa arranged marriage ng mom ko at ng anak ng ka-sosyo ng lolo ko noon. Naglayas mom ko, went to America and there nakilala nya ang Daddy ko. They dated for 2 and a half years, then married couple things happend at nabuo ako. The moment my dad knew na nabuntis nya Mom ko, naglaho nalang sya bigla ng parang bula." Sabi ko.
YOU ARE READING
Saving You
Teen FictionLife's tough and complicated, each has someone who can save them.