Hope When I Come Back:2

2 0 0
                                    

"Umalis ka dito kung gusto mo pang grumaduate at kung ayaw mo siyang mapahamak." kalmado nung sinabi niya.

"Ano bang ginawa ko sayo? Saka sino ka ba para paalisin ako?!" sigaw ko naman.

bigla siyang lumapit sakin at hinablot ang blouse na uniform ko.

"Mas madumi ka pa sa ipis! TANGA KA BA?! KUNG AYAW MO.........." "JENG!"

huh? anu nangyayari?

"Jeng! Nak!" si papang boses yun ah?

"PLAK!!!!" hinampas ako sa balikat.

"AWWW!" sigaw ko.

"gising na nak. nu bayan sa kwarto mo nalang ituloy yang drama serye sa utak mo!" sabi ni papa.

nakarating na pala kami sa bahay di ko talaga namalayan. tapos di na nagbago panaginip ko puro nalang ganun.

"HYYY"

"kakauwi mo lang buntung hininga na agad?" sabi ni papa. napalakas pala yung pag hininga ko.

"sorry pa. tara pasok na tayo sa loob saka magbihis kana ng pang alis." sabi ko. gusto ko ako magdrive para masurprise si papa.

"nanaman?!" sigaw naman siya.

"opo kasi aalis tayo. Maligo kana rin kasi ambaho mo na." ansarap asarin ni papa. pikunin kasi!

"hay naku! oo na!" sabi ni papa.

kumuha siya ng tuwalya niya saka damit na susuotin habang ako nakaupo lang nag aantay makapasok siya ng CR. Then after 3 minutes nilock na ni papa yung pinto.

BOOM! dali dali ako sa kwarto ni papa! hanap ng bag para sa damit niya. nang makita ko nasa ibabaw ng kabinet! panu ko kaya yun makukuha? lumingon ako sa kaliwa! sa kanan!.....

"AYUN!" napasigaw ako sabay takip ng bibig.

"NAAAAK! May nangyari ba?" sigaw ni papa.

"HAAA? ay... ummmmm... WALA PA! LIGO LANG!" sigaw ko. grabe muntik na.

so yun nakita ko yung upuan. hinila ko agad. tapos pilit ko inaabot yung bag. Nang naabot ko na dali dali kong hinatak pero bigla akong na out of balance!!!

"WAAAAAAA!" napasigaw ako. "KABAAAAM!" paglaglag nung bag.

"JENG!!! anu bayan?!" sigaw ni papa. parang pagalit na nag aalala.

"wala pa!" sigaw ko.

nang di ko na narinig sumagot si papa, binilisan ko na lahat ng damit niya nilagay ko sa bag. pati brief niya nandun na. yung mga collection ni papa na plaka kinuha ko na din. nang mapack ko na lahat, nilagay ko agad sa likod ng sasakyan. grabe nakakapagod! tapos pasok ako agad dun sa bahay at pagpasok ko, sakto lang dahil nakalabas na si papa sa CR.

"Oh. bat hingal na hingal ka?" tanong ni papa.

"ummmmm. ano kasi.... may anu.. dun sa sasakyan." grabeng sagot ko. pahalata.

"may anu?" ang tanong naman ni papa eh!

"tara na kasi..,, huuuuu! grabe nakakahingal!" sigaw ko.

"oo na. saglit lang magpapagwapo lang ako dun sa kwarto."

patay..... malalaman niya wala na siyang damit dun!

"WAG NA!" napalingon si papa. nagtataka.

"ummmmmm. sa sasakyan na ha? tapos ako magdadrive." sabi ko nalang.

"bat ikaw magdadrive?" eto ang ayaw ko kay papa napaka tanung.

"it's a secret! kaya wag na matanung."  sagot ko nalang.

Hope When I Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon