Buong week wala kaming ginawa ni papa kundi mamili ng damit ko for school, materials for school, saka shoes for school. mas excited pa si papa kesa sa akin magcollege. pero ayos lang atleast alam kong may support siya sakin. Dahil yun ang ginawa namin buong week. Naisipan naming magbonding sa mall para naman marelax kami.
"anu gagawin natin?" tanung ni papa.
"Spa! Gusto ko magspa!" sagot ako agad.
umakyat kami ng 3rd floor dahil dun yung mga salon. nagpafootspa saka body massage kami. halos abutin kami ng 2hrs. nakatulog kami sa sobrang relaxing. Parang mama ko nadin si papa. lagi akong sinasamahan sa lahaaaaaaaaaaaat ng bagay! Nang matapos yung spa, naghanap kami ng makakainan.
bumaba kami gamit yung escalator. pero nahinto akong humakbang nang makita ko siya sa mall. Siya yun sigurado ako! pero bakit siya andito?! hinahanap niya ko! nawala na ko sa katinuan at tumakbo papunta sa direksyon niya. kaso narinig ko si papa.
"JENG!" sabi ni papa. huminto ako malapit sa escalator at sumigaw.
"magkita nalang po tayo sa kainan mauna na kayo! text ko nalang kayo ok! wait lang pa ha!"
nakita ko si papa napa hyy nalang siya. pero nginitian ko siya. after nun dali dali akong tumakbo. papunta siya sa garden ng mall kaya binilisan ko talaga ang pagtakbo! kasi baka mawala yung paningin ko sa kanya. Nang bumagal paglakad niya binilisan ko pa lalo yung takbo ko at nang marating ko yung likod niya, tinapik ko yun agad sabay sigaw.
"SIR! SIR!"
siya yun alam ko. pero paglingon niya,
"HUH?" akala ko siya. yung ngiting nakapinta sa mukha ko nawala,
"ay sorry po. haa.... haaaa..." sabi ko.
"miss ok ka lang? mukhang napagod ka. sorry di ako yung tinutukoy mo." sabi niya.
"opo ok lang..... so-sorry po sa abala."
"ok lang sige." sabay alis niya.
napakatanga ko naman para mag illusion na pupunta siya dito. hindi naman siya ganun para magpakapagod na sundan ako eh.
umalis nalang din ako at nagtext kay papa tapos pinuntahan ko narin siya. nag makita niya ko nag alok siya ng tubig.
"oh anak bat ganyan mukha mo. baka may lavang lumabas diyan." sabi ni papa.
"kasi naman pa! sayang yung body massage kung tinakbo ko lang para sa maling tao!" sigaw ko pero hindi naman ganun kalakas.
"easy ka lang diyan! sino ba itong tao nato?"
nagising ako bigla ng di oras. nawala yung galit ko kundi alala nalang eh.
"ummmm.... ano pa, sa anu...... s-school. Oo! dun! sa may anu, archery club pa. kala ko nag anu dito dumalaw dito......." hay naku pahalata.
"hmmmm. ahhhh...... ok?" patakang tanung ni papa.
"kain na lang pa kasi!!!!" sigaw ko.
"opo Ma'am!"
after namin kumain nagrocery nadin kami para isahan nalang ang pag mamall namin. pag uwi naman ng bahay, inayos lang namin yung pinamili tapos saka ako umakyat sa kwarto ko. at humiga dun sa kama.
"hyyy... bat ba kasi kung anu-ano iniisip ko." sabi ko. hindi naman siya ganun kasi. pero nung makita ko na parang siya yun, nawala yung control ko. parang sabik ako na makita siay kahit hindi naman dapat. saka hindi naman yun nagbalak na pumunta dito kahit noon pa.
TOK! TOK!
"nak? pwede pumasok?" sabi ni papa after kumatok.
"ok pa. sige po." sagot ko.
lumapit si papa sakin at tumabi. "nak, may problema ka ba?"
"wala pa. wala naman."
"meron eh anu bayun." tanung ulit ni papa. medyo nakakapikon na.
"wala nga paaaa...!" sabi ko naman.
"sus! anu nga!" sabay kiliti sakin.
"PA! WALA NGA DIBA! DI NIYO BA NARINIG?!" Natahimik si papa. pati ako natahimik tapos nilayo ang tingin sa kanya,
"ayyy.... so-sorry nak. hehe, sige dun muna ko sa baba. ha? panunuorin ko yung adventure time na favorite mo." sabi niya. halata sa boses niya, nagulat siya saka nalungkot.
pag alis niya, di ko alam gagawin. nasaktan ko siya eh. antanga ko talaga! dahil sa nakaraan nasaktan ko si papa. kaya bumaba nalang ako. tinabihan ko si papa. nanunuod nga talaga siya. pagtabi ko nag indian sit ako.
"ay alam ko yan pa. si jake yung conductor diyan eh." sabi ko.
"nak! kelan ka natututong maging spoiler ha?!" sigaw niya.
nagtitigan kaming dalawa ng sobrang shock. then,
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!" priceless ang reaction naming dalawa. sabay akbay si papa.
"pa. sorry nasigawan kita ha? di na po mauulit." sabi ko.
"ok lang yun nak. kulit kasi ni papa eh." sagot naman niya.
"papa talaga!" after nun niyakap namin ang isat isa at nagbonding ulit. dahil bukas, magsastart na ang college life ko. magsisimula na ang bagong ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
anu kaya ang mangyayari sa 1st day of school ni janice? abangan!
thank you for reading this chapter. i really really appreciate your patience in my story thank you so so much! :) <3
BINABASA MO ANG
Hope When I Come Back
RomanceSi Janice Tolentino ay umuwi ng Pilipinas para magcollege. Kasama niya rito ang papa niya pero di nila alam na may ibang dahilan si Janice kaya umuwi ng Manila. Naging bunga rin nito ang kakaibang pangingitungo niya sa mga makikilala niya sa college...