<8>

56 2 0
                                    

Ysa's POV

Sa wakas, i'm in sa music club. Oo, nagaudition ako after nung walkout part nung lalaking yun. Sinundan ko siya and to my surprise i saw him scolding a girl at the corridor. How rude right? kaya ayun, imbes na kilalanin ko pa siya, binato ko na lang siya ng tshirt na kinuha ko doon sa locker ko. Malapit lang kasi yun dun sa pinangyarihan kaya nakakuha ako agad. Bumalik na agad ako sa music room. At nakapagdecide ako magaudition. And i'm happy na i'm in. bawas problema na, focus na ko ngayon sa presentation for finals. Yey!

And about that weird guy, tsss.. Di ko na dapat siya isipin. Eh ano naman kung familiar siya. I don't care. Ayoko na siyang isipin pa. No no no. Period.

''Bes narinig mo yun?''

oo nga pala, andito kami ngayon ni Elise sa corridor. Nakaupo. Nagaantay ng klase. Natapos yung mahabang araw kahapon na ordinaryo lang. Sabay-sabay pa rin kaming umuwi and this time, apat na kami dahil kay Wesley. Hindi niya na ko kinulit pagdating sa bahay. Ewan ko din dun kung bakit.

''ang alin?''

''nabugbog daw si Aaron kahapon. Ha! Buti nga sa kanya. Bwahahaha!''

*poink*

''aray! bakit mo ko binatukan?''

''eh kasi naman, nabugbog na nga tinawanan mo pa!''

''well he deserves it! Its called KARMA!''

''CHE! Tumigil ka na nga diyan. Isa pa babatukan ulit kita.'' hawak niya pa rin yung ulo niya at inirapan na lang ako.

Waaaaiiitttt! Ano?! Nabugbog si Aaron?! Bakit!!? Ang SG (slow gets) ko naman. Ngayon lang nag loading complete sa utak ko yung sinabi ni Elise!

''BES!''

''Ay! Pusangkinalbo! Ano ba Ysa! Bakit ka ba nanggugulat!?'' napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang gulat.

Humarap ako sa kanya. ''Tama ba narinig ko sayo?! NabugbogsiAaron?bakit?paano?kelan?kamustanasiya?asansiyangayon?pumasokba--'' sunod sunod yung tanong ko pero..

*pak*

''ARAAAY! BAKIT MO KO SINAMPAL?!'' hinawakan ko yung kaliwa kong pisngi at hinimas himas yun para mawala ang sakit.

''hoy! Ysa! Andami mong tanong! eh ano naman kung nabugbog siya? Do you care huh?! DO YOU REALLY CARE?!'' nagkibit balikat siya at nakabusangot. Hinarap ko siya sa akin.

''Bes! Nabugbog yung tao. Siyempre nagaalala ako!''

''at bakit ka magaalala? Girlfriend ka ba niya HA!?''

sa sinabi niya parang nagising ako. Oo nga pala, hindi niya na ako girlfriend. Pero siyempre, may pinagsamahan din naman kami di ba. Di naman basta basta yun eh.

''Hindi! Pero Bes, may pinagsamahan din nama--''

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.

''Bes, tama na. kung nabugbog man siya, he deserves it. Sa lahat ng kasinungalingang sinabi niya sa'yo, sabihin mo ng ang sama sama ko pero somehow natuwa akong nabugbog siya. Wag kang masyadong mabait.''

''Pero ka--''

''No! Tama na!'' Tumayo siya. ''Look Ysa. Hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat maging mabait ka. Aaron is not the guy whom you should be giving your attention to. He's not worth it. And you know that! Nakalimutan mo na ba yung--'' pinutol ko siya.

''Stop! Ok i get your point.'' parang nawala ako sa mood ko nung ipaalala niya yung nangyari. Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Alam kong sumusunod siya.

''Oy! San ka pupunta?!'' narinig kong sigaw niya.

''Sa pupuntahan!'' 15 minutes pa naman bago magresume. Mabuti ng maglakad muna ako. Afternoon class na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPARE MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon