<4.1>

48 4 0
                                    

HB16's note:

heyah there !

sorry kung late update hehe..

bumabawi naman ako ,, =)

thanks sa mga nagread.. =)

_____________________________________________________________________________

Pagkatapos namin kumain, umalis kami agad. Dinala ako ni Wesley sa seaside. Mga hapon na noon kaya di na masyadong mainit. Natuwa ako dahil ang daming tao. Lahat sila masayang tignan. Pero napansin ko na paunti unti na yung tao habang naglalakad kami. Napunta kami sa isang part doon na tahimik talaga. Halos di ko na marinig yung tawanan ng mga tao.

naunang umakyat si Wes sa parang walls doon. Ako naman tinitignan ko pa din yung mga pamilyang masayang nagbobonding sa di kalayuan.

''akyat na!'' napatingin ako sa kanya. Nakaupo na siya doon at nakatanaw sa dagat.

Wala yata itong balak tulungan ako. Tsssss. Akala ko pa naman totoo na pagkagentleman niya. AHY NAKU! Asa ka pa Ysa! Madalang na ang lalaking ganoon no!

''hindi mo ba kaya?!'' this time nilingon niya na ko. Yung expression ng mukha niya, parang iba. Hindi pala parang, IBA talaga. Di ko maexplain.

Bumalik na siya sa pagmasid niya sa dagat. Ako naman naghahanap ng way para makaakyat. Hellow! Nakadress ho ako! Psh! Galing talaga!

may nakita akong tuntungan sa gilid. Pinuntahan ko yun, nilapag yung dala kong paper bag na hanggang ngayon ay di ko alam kung para saan at aambang aakyat na ko pero...

''haii kahit kailan ka talaga Ysa.'' hinawakan niya kamay ko at nilagay niya sa shoulders niya then binuhat niya ko hawak ang waist ko. Gets niyo ba? Kaya parang nakaupo aq doon pero nakatalikod sa dagat.

''uh.. Thanks''

umakyat na siya ulit at moment of silence ang bumalot sa amin.

''Ysa, magsalita ka na.. Makikinig lang ako.''

(O.O) Hindi ako agad nakapagsalita. Nilingon ko siya pero nakatanaw pa rin siya sa dagat. Yumuko na lang ulit ako.

''kahit di mo sabihin alam ko, mabigat yang nararamdaman mo pero tinatago mo..''

Napakaseryoso niya nung sinabi niya yun. Halata sa boses niya. Sa expression niya habang nakatingin sa dagat. Nakakatakot tuloy dahil hindi ako sanay na ganyan siya. Sanay akong inaasar niya ako most of the time. Pero ngayon handa siyang makinig sa mga sasabihin ko?

Magsasalita na sana ako. Pero hindi ko alam kung paano. this time, tumabi siya sa akin. Tinalikuran niya na din ang dagat. Nakayuko lang ako habang siya ramdam kong nakatingin sa akin. Gusto kong magsalita pero di ko alam kung paano sasabihin.

''nasaktan ka na ba Wes? Naranasan mu na bang magmahal at masaktan?'' ito ang mga salitang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam pero parang damang dama ko to. Naluluha ako pero pinipigilan ko dahil pagod na ko kakaiyak. Sa tuwing naiisip ko yung nangyari, umiiyak ako. Dehydrated na nga yata ako eh!

''Ysa, alam ko kung anong nangyari sa'yo. Alam kong nagtiwala ka at nagmahal ng maling tao. Pero hindi mo kailangan ikulong ang sarili mo sa kanya.'' Hindi niya sinagot ang tanong ko.

nagtama ang mga tingin namin. Ngumiti siya ng konti. Habang ako nangingilid pa rin ang luha. Nagpilit akong ngumiti rin at bumalik sa pagyuko. Nakatingin ako sa paa ko.

''a--a--ano bang alam mo? Hindi mo naman alam. kung anong nangyari eh. Hindi mo alam kung bakit naging ganoon.'' ito lang yung nasabi ko. Slowly naramdaman kong tumulo na ang luha ko. hindi ko napigilan.

SPARE MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon