Goodbye Summer

55 0 0
                                    

Raine's P.O.V

Nakaupo ako sa loob ng isang kubo kasama ng mga kaibigan ko. Vacant period namin ngayon kaya ayun, kwentuhan at pahinga muna ang utak namin sa mga coursework na dapat ay iniintindi namin. Wala eh, pagod na eh. Umaga pa lang pero grabe ang stress. Palibhasa kasi, laging 7 a.m. start ng klase kami tapos whole day pa. Grabe, kaiyak schedule namin. Hirap maging estudyante.


Whoops! Daldal ako ng daldal dito, hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Lorraine Cassiopeia Fresco a.k.a Raine. Does my name sounds foreign? Yep! Half-filipino, half-British kasi ako. I'm a proud Digital Arts student of Windenburg College of Arts at nasa huling taon na ako. Sabi ng iba, maganda daw ako pero tingin ko, average lang (kasi humble tayo sa pamilyang 'to, chour!). Hindi ako mabait pero 'di rin naman ako maldita. Prangka ako at sarcasm ang way of communication ko. Intimidating daw ako sabi nung iba, pero kung mga kaibigan ko tatanungin nyo, sasabihin nilang high lang ako lagi at sadyang may resting bitch-face ako.


"Nag-iinner monologue na naman si Raine. Pakisampal nga yan." rinig kong sabi ng isa sa mga close friends ko na si Vanessa Ibarreta.


"Ba't ba, paki mo? Gaya ka din. Inggit ka lang eh." banat ko pabalik. Tinawanan lang kami nung iba naming kasama. "Tsaka, alam ko naman na kasi yang kinukwento mo. Si TOTGA mo na naman yan eh. Si Aeron Leonardo na nakasabay mo kamong kumain sa Jollibee tapos 'di mo rin naman pinansin. Si Aeron Leonardo na hinila mo pa ako para sundan tapos nung nandoon na, wala. Umiwas ka din. All that effort of making me sweat for nothing!" pagpapalala ko. Napailing na lang sya.


"Naman eh! Wag mo na ngang ipaalala. Tsaka 'di na si Aeron yung topic. Si Christian Soreta na ni Mich." sagot ni Vanessa. Pinandilatan sya ni Irene Michelle Alonzo. Natawa na lang kami sa reaksyon nya.


"Ingay talaga nito ni Essa! Shut up ka nga. Baka mamaya may makarinig na kakilala nya, malapit pa man din tayo sa building nila." feeling ko, gusto nang manghampas nito ni Michelle.


"Eh, so what? 'Di ka pa ba nakakamove on?" tanong ko. Natahimik bigla si Michelle.


"Yun lang. Sabi nga ni sir Friend: 'Okay lang yan, friend'." sabi ni Addison Fajardo. Mula sa tabi nya, nagkaroon na rin ng ibang reaksyon si Ethan Jules Celeridad bukod sa pagiging bored.


"Kaya naman pala. Ano ba yan, move on na. May girlfriend na yung tao, 'di ba? Ilang taon na rin nakalipas." natatawa nyang sabi. Inirapan tuloy sya ni Michelle.


"Che! Change topic na nga! 'Wag na yun. Naalala ko lang na wala kaming closure." pagsusungit ni Michelle. Napa-'oooh' kaming apat sa sinabi nya. Aray naman that, kaya naman pala 'di makamove-on, walang proper closure.


"Wala eh, ikaw na lang 'di namin nagigisa sa usapang lovelife na hindi nag-eexist. Nevermind Ethan. 'Wag na din yang si Addey, may boyfie 'yan eh. Yung boyfriend nyang tinatakbuhan tayo lagi. Paalala nyo nga na palibutan natin yun mamayang uwian para 'di na makatakbo." pagbibiro ni Vanessa. Napailing na lang si Addison pero natatawa din sya sa reaksyon ng boyfriend nya sa'min. Ewan ba dun sa lalaking yun, 'di naman kami nangangain.


"Ayaw lang sa tao nun." sabat ni Ethan. Nilingon ko sya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tea Time in WindenburgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon