Chapter 4 *pag-palo ni God*
John's Pov:
Linggo nanaman argh tinatamad ako mag simba di na muna uli ako aattend.
Makatulog na nga ulit.
*beepbeep*
"punta ako jan sainyo mamaya"
-dearloves
Arghhh ano kaya gusto netong babae nato.
Badtrip.
Makaligo na nga.
-
Kathy's Pov:
Ngayon,papunta na ko sa kanila
Medyo kinakabahan ako.
Pero para naman sakanya lahat ng sasabihin ko eh.
*toktok*
"kaw pala kathy"
"goodevening po tita, anjan po ba si John?."
" may pinabili lang ako may sasabihin ka ba sakanya?"
"opo eh, tita gusto ko rin po kayong kausapin"
" tara dito sa sala"
" tita kasi po si John po e npapalayo na po ang Loob niya kay God pati na rin po sakin, simula po nung bumalik yung mga basagulero nyang mga kaibigan. Nag aalala na po ako sa kanya, 2 linggo na po siyang hindi nagpaparamdam sakin at hindi na rin po siya umaattend sa church"
Nanggigilid na luha ko. ;(
"oo nga maski ako nagtataka sa kanya eh. Hindi naman siya ganyan dati. Sige anak, hintayin mo na siya para makausap mo siya"
" salamat po tita "
*toktok*
" ma paki bukas po pinto."- John
Pag pasok niya, pinuntahan na niya ko sa may sofa at parang wala lang.
" bat ka andito?"
"John, bakit lagi kang wala sa church? Parang wala ka na ding time sakin tska kay God ano bang nangyayare sayo? Hindi ka naman ganyan ah, sinira mo na buhay mo"
" alam mo, wala kang pakealam sakin kung ano gusto kong gawin"
" may pakealam at nararamdaman ako dahil GIRLFRIEND MO KO DIBA?! Ano kaba!!! *cries* ang laki ng pagbabago mo!"
"anak bat ka ganyan?! Naninibago din ako sayo, bakit ganyan ka
Makitungo sa gf mo? Ano bang problema mo?!!"- tita
" ano bang masama kung magpakasaya ako kasama ang mga kaibigan ko?! Ano bang problema niyong dalawa?!"- John
"ikaw ang mau problema John! Ako na lang ang awayin mo wag ang mama mo! Ako na Lang sigawan mo wag ang mama mo!!!"
Napaupo si tita at nakahawak sa dibdib niya. Naiiyak din siya
" titaaa! Ano pong nangyayari sainyo?"
"MAAA! Kathy! Tulungan mo ko dalin natin siya sa ospital!!!"
Dali dali kaming pumunta dun para isugod si tita, nag aalala na ko.
Isa na to sa mga signs.
Isa na talaga to.
Ngayon, iniintay na Lang namin ung result nung nangyare sa mama ni John.
Lumabas na yung doctor.
"doc, ano pong nangyare sa mama ko? Maayos na po ba siya?"
" nag hyperventilate ang mama mo, sa sobrang pagod at stress yun, okay naman na siya ngayon"