Meet the Badboy
—————1“Porket gwapo na at lahat, ginugusto nang sinasanto! Sino ba siya?! Ang kapal!”
▲
Hi! It's Tarilaye Dae Fintlay, sixteen yet turning seventeen soon. Current class secretary ng Fifth Year Class 1 and club officer ng Student Council Support ng Nean Academy.
Nag aaral ng mabuti para makapasok sa Galilei University for college.
For Valedictorian rin sana kaso di abot ng powers ko, bibilhan ko nalang sarili ko ng madaming medals tsaka magpapagawa ng certificate.
Display rin naman eh!
Sabi nga nila, pag di mo kaya, wag ipilit!
So moving on, ano pa ba? Edi mag rereklamo na naman ako ng kung anu-ano.
First, may problema ba ang History teacher namin sa buhay niya? Bakit ba sya nandadamay? Ang daming pinaparesearch at mga kyeme!
Akala mo rin naman kung madali! BAKIT PROF? BAKIIIIT?
Ikalawa, yung adviser na perfectionist. Ano pa nga ba? Edi kawawa kami ni Class Mayor. Nakakapagod kayang maging secretary! Every subject nag aattendance, tapos andaming requests ng mga teachers. KAYO NA KAYA TONG MAGING STUDYANTE PARA KAYO MAG HIRAP! TSK. TSK.
Ikatlo, may laging sumisira sa buhay ko. Sino pa nga ba? Edi si Jaecee Delve. Ang ipinaglihi sa masamang loob.
Ewan ba kung bakit ganyan yan.
Ever since, kala mo na kung hari. HARI NG MGA PANGIT!
Wala naman akong kasalanan sa kanya, honestly! Wala naman talaga akong pake dun eh.
Tshhh. Insecure siguro!
"Hoy, Fintlay, mukhang hindi ka na naman nakatulog no?"
Sinong nagtanong nun?
Si Mayor, hindi sa munisipyo ha! Class Mayor, si Kio Hansel Dy. Singkit by day, pikit by night. Hahahaha charot. Nanay Pilipina, tatay Intsik. Kaya chinito, crush ko yan. Hi hi hiiii. Ako na malandi, kita niyo? Ako tong maka-reklamo ng sobrang pagka-busy pero kung anu-ano namang ginagawa na hindi nakakarelate sa school!
"Hindi naman" faveve hihi, napapatameme ka nalang minsan, pero kailangang sagutin para wag magmukhang shunga. Lalo na sa harap ni crush!
"Hindi ka dyan, para kang zombie" Ay, bastos talaga to. Tch, kung hindi ko lang crush to, matagal ko nang itinakwil, charot.
"Nakulangan lang ng kape"
"Nakakamatay ang sobrang pagpupuyat" ayiiieee, napaka-thoughtful naman, concerned to. May pake siya.
Aminin mo na kasing gusto mo rin ako.
"Wag kang mag-alala, malapit nakong mamatay. Sagot mo na biscuit at kape"
"Sige, starbucks pa kung gusto mo" hindi lang thoughtful, may humour din.
Yes, maipapagmalaki ko ang crush ko. WALA KAYONG KIO HANSEL DY. AKIN LANG SYA.
"Aba sosyal, sige. Baka ipa extend ko pa lamay ko eh. Hahaha!"
Ganito kasi yun, may reporting kami tungkol sa Lamay lamay. May mga probinsya kasing one week na lamay tsaka may pa-biscuit, kape, mga pustahan. Noong pumunta pako ng Ilocos Sur, noong namatay yung tita ni Mommy ganon sila dun, one week na pagpupuyat.
"Tabi nga! Umagang umaga, lumalandi"
Sino pa nga bang satanas ang sisira ng araw — I mean umaga ko?
BINABASA MO ANG
Bullied by the Bad Boy
Dla nastolatkówSi Jaecee Delve ang number one sa list ni Tarilaye Dae ng mga "Most Hated Person" na katumbas ng isang criminal sa buhay niya, bakit nga ba? Well, si Jaecee lang naman ang nangbubully kay Tarilaye.