Ikwento ko muna :)

109 3 0
                                    

 

Munting paalala: Pwede nyo itong lagpasan at magsimula na sa susunod na subchapter. Hindi naman ito ganun kaimportante :)

Simulan naten sa isang araw... Mali! Mali! Mali!

Simulan naten sa kwento ko. Kung baket naisipan kong mag piling rayter.

Eh kasi, eto ang istatus ko:

In A Relationship

Syempre joke lang yun :D

Eto talaga ang tunay na estado ko:

TAMBAY...

Edi alam mo na kung baket ganito ang titulo ng kwentong ito??

Ang totoo nyan, naka dalawang taong na ako sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Bigatin diba? Pero 'wag kayo, ganun din kabigat ang mga subject matters na kahit ako mismo minsan nahihirapan.

Nakakalito ang parang magkakambal na debit at credit; ang hirap din minsan intindihin ng mga journal entries; pakiramdam ko ano mang oras magno-nose bleed ako kapag Financial Accounting ang topic; minsan gusto kong isali ang mga daliri ko sa paa sa pagbibilang kapag statistic ang pinaguusapan; bukod sa nose bleed tila magkakaroon rin ako ng internal hemmorage dahil sa Basic Accounting na 'yan, basic pa lang pa'no na kaya kung higher accounting na; tapos tila nagrarambulan pa sa utak mo yung mga asset, liability at equity.

Hindi sa nananakot ako, sinasabi ko lang kung anong opinyon ko. Maganda ang future mo kung tapos ka sa kursong BSA. Maraming opportunidad.

Pwede naman itong maging chicks-- ibig kong sabihin sisiw lang. Sisiw lang kung may tiyaga at sipag ka, madali lang kung aaraling mabuti, walang problema kung iintindihing mabuti. Para ka lang sumasagot ng one plus one kung naipasok mo sa utak mo ang lahat ng pinagaralan. Magiging madali lang, kung meron sa bokabularyo mo ang salitang focus at concentration.

Pero bakit nga ba ako pansamantalang tambay? Ah! Ayun naalala ko na mga tropa! Dahil lang sa kagustuhan kong magtransfer ng school ayun napahinto ako ng di oras. Kelangan ko talagang magtransfer, pero hindi ko na sasabihin ang pinaka dahilan, masyadong kasing personal.

Ganito kasi yun, una nahuli ako ng pag i-inquire kaya di ako nakapasok, better luck next try. At pangalawa, hindi ako tinanggap sa isa pang unibersidad na in-apply-an ko dahil incoming 3rd year na nga ako. Hindi na daw sila tumatanggap ng higher years. Ayos lang sana kung incoming 2nd year college lang ako. Pangatlo, yung  isa pang school na pwede ko pa sanang pasukan ay hindi naman kaya, nakakalula kasi yung tuition fee, pang MAYAMAN. Kaya ayun, tambay-tambay muna.

WAKAS.

Biro lang ulet. Hindi pa dito nagtatapos. Marami pa akong kwento noh.

Sabi ko naman kasi sayo eh, lagpasan mo na ito. Dismayado ka tuloy. Haha.

Pero dahil nasimulan mo na rin naman ang pagbabasa..... Ipagpatuloy mo na :)

Kwentong BUTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon