Ang tunay na nangyari

77 0 2
                                    

Arjay's POV

Nawala nalang ako bigla. 


Hindi nalang ako nagparamdam ulit


Pinili ko nalang manahimik


Para san pa?


Bakit pa ako magpapaliwanag kung alam ko sa una palang ako na ang mali.?


Bakit pa ako magpapaliwanag kung alam ko lang din na wala nang saysay at patutunguhan kung anung kagaguhan man ung sabihin ko sa kanya.


Nagkamali ako.


Hindi ko naman masabi na pasensya na tao lang nagkakamali dahil kung alam mong may masasaktan ka bakit mo pa gagawin ung bagay na yun.


Hindi na ako nag sorry.


bakit pa ako mag sosorry kung alam ko na ginawa lang yung sorry sa mga bagay na hindi sinasadya. 


Kung sa akin man gawin ung ginawa ko kay Mikaela, kalokohan nalang kung maniwala pa ako na hindi ko sinasadya na hindi sya siputin sa lugar na yon at mas malaking kalokohan kung sasabihin kong hindi ko sinasadya kung makipag s*x ako sa ibang babae sa araw o oras mismo ng usapan namin.


Wala akong ibang masisisi kundi sarili ko lang.


Hanggang sa lumipas nalang ung panahon na pinaikot ko ulit ung buhay ko sa dating routine ko

gising- trabaho- make out-tulog

gising- trabaho- make out- tulog


Para na akong nawalan ng gana lalo maneryoso ng babae mula nung nawala sakin si Mikaela


hindi ko alam kung talagang hindi ko kaya magdala ng seryosong relasyon kaya nawala sya sa akin at ang kaya ko lang panghawakan ay yung mga panandalian na relasyon tulad ng mga babaeng lumalapit sakin o mga nakikilala ko lang sa bar.




kahit na hindi ako nakikipag usap ng literal kay mikaela palagi akong updated sa nangyayari sa buhay nya. Na naka graduate na sya hanggang nakapag abroad at umuwi ng Pinas para kay cristoph.


oo kahit ganun ung nangyari mine make sure ko na updated ako kay mikaela


sadyang hindi ko lang pinahahalata sa kanya.


kahit may mga panahon na gustong gusto ko syang tawagan, i chat, mag videocall para kamustahin sya o damayan sya sa mga problema nya na kadalasan kong ginagawa noon. namin. namin dalawa nung ok pa ang lahat.


well


hmm


sila nga siguro talaga ang naka tadhana. Parang naging sign na din yon sakin para huminto na sa kung anu mang ugnayan meron kay mikaela. Ugnayan na ako lang ang nakaka alam.



Mimay's Note:

Pahapyaw lang para sa story ni arjay na nakilala sa story ng IKAW AT AKO.

sa mga susunod na updates malalaman ang sumunod na nangyari kay arjay pagkatapos nyang malaman ang tungkol kay mikaela at cristoph.

Si Mr. Babaero at Ms. BitterWhere stories live. Discover now