una

19 0 0
                                    


Naramdaman mo na ba ung kahit sobrang busy ka feeling mo napaka boring pa din ng buhay mo?

Ung ang dami dami mong ginagawa sa buhay pero pakiramdam mo wala ng bago?

Ung ang dami mo nakikilala pero mag isa ka?

Napaka ironic diba?



"iho ilang taon ka na nga pala ulit?" tanong sakin ng client ko na nag iinquire para sa debut ng anak nya

" naku mam 29 na po ako malapit ng mawala sa kalendaryo" sagot kong parang nahihiya. Pero hiyang hiya pala talaga ako kasi twing naiisip ko ung edad ko mas nararamdaman kong parang nasayang ung mahabang panahon ko ng wala akong nagagawang matino sa buhay ko.

" ahh grabe ka naman, ok lang yan. Nga pala anong kurso ung natapos mo? nag masteral kaba o ano kasi ang taas na ng posisyon mo sa kumpanya nyo kahit ganyan palang edad mo" sabi ng client kong may pagka usisera.

wala naman akong ibang magawa kundi sakyan at sagutin mga tanong nya kesa mawala ung deal.

" ahm sa katunayan mam hindi po ako graduate, kulang pa po ako ng ilang units para maka graduate"

sagot ko sa kanya. Hanggang 4th year 1st sem lang kasi inabot ko pero madami akong mga back subjects dahil ng sa napaka gandang routine ko kahit nag aaral palang ako.



aba hindi ko naman kasalanan un.

marupok ako

saka buti nga naka abot ako ng 4th year 1st sem e

buti nalang hindi na nakasagot ung babaeng matanong dahil nagdatingan na ung catalogue ng mga services namin.



mimay's note:

(sa mga hindi nakabasa ng IKAW AT AKO. Papahapyawan ko lang ng konti para masaya)

I took business management noong college ako. Matalino naman ako sadyang madaming extra curricular lang na nagaganap para hikayatin akong umiba ng landas hanggang sa mawalan na ng gana ung mga magulang ko at pahintuin nalang ako sa pag aaral.

ang tagal ko din naging tambay. Palamunin na ganon kahit may kaya kami sa buhay bigla akong tinamaan ng konting hiya kaya naghanap ako ng trabaho at naka hanap naman at yon ay isang event organizer.

Ang saya kaya noon halos lahat ng katrabaho ko naka fling ko. make out make out ganyan. Magaling lang talaga ako mag tago kaya hindi nabubuking at hindi nasisisante.

Nung nagka work ako namuhay nako mag isa. Sakto din naman na nagpunta na sa ibang bansa ulit ung magulang ko kung saan nandun ung business nilang maliit.

kaya ayun mag isa nalang talaga ako sa buhay kaya siguro lalo akong nahilig sa papalit palit na babae dahil para di ko maramdamang mag isa ako. Mejo kakaibang gawi lang pero pwede na. Hindi na ako lugi.


habang nag aahit ako ng bigote ko napatingin ako bigla sa bintana. 



May babae akong nakita mahaba ang buhok kamukang kamuka ni mikaela.

napangisi akong bigla at napa iling

" tangina mo ka arjay. Kala ko ba ok ka na e bakit kung anu ano pa naiisip mo! wala na sya kaya hindi mo na dapat isipin pa yon. Masaya na sya. Masaya na sya sa iba dahil pinakawalan mong gago ka!"

Si Mr. Babaero at Ms. BitterWhere stories live. Discover now