Arjay's POV
"oh Arjay ikaw ba yan?"
Tanong sakin nung babae sa registrar pagka abot ko ng papel ko
Lumingon ako sa likod ko dahil baka hindi naman talaga nya sakin sinasabi un dahil ang saya ng muka nung babae habang sinasabi yon pero pag talikod ko babae ung kasunod ko.
Imposible naming arjay ang pangalan non
"ah malamang po. Un po ung nakasulat jan sa papel ko"
Saka sya patawa tawa
Lukaret na matanda to kala mo ako nakikipag lokohan
Hindi ba nya alam na napakainit dito at napaka haba ng pila para maglumandi na ganon
Tanda tanda na eh lakas pa ng loob maglandi tsk.
" oh eto na punta ka sa accounting bayaran mo yan saka ka bumalik dito"
Saka nya inabot ung slip para sa mga babayaran
Minsan napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba to o hindi na. Pero para sa tuluyang pagbabago wala ng atrasan to
Pagkabayad ko ng 1000 sa accounting bumalik nako sa registrar kaso mahaba pa din ang pila.
Dapat dito ini schedule nalang para hindi ganitong parang basing sisiw mga tao.
Habang nakapila ako lumabas ung maharot na matandang babae.
Actually hindi naman talaga sya matanda, muka lang matanda.
Kinakawayan ako para lumapit sa kanya,
nagdadalawang isip pa ako kasi baka mamaya mawala ako sa linya at akalain pa nilang sumisingit ako pag bumalik ako.
"tol tawag ka ata nung staff, reserve ko nalang tong pwesto mo"
Sabi nung nasa likod kong naka pila din
After non lumapit ako don kay harot.
"yes po?"
tanong ko habang naka kunot ung noo
Malay ko ba. Hindi ko naman type mga ganitong babae.
" hoy arjay hindi mo ba talaga ako natatandaan?"
Sabi ni harot na feeling close
Hindi ko naman talaga sya makilala at di ko naman talaga ata sya kilala
"classmate mo ako sa isang subject noon. Sa financial accounting, grabe ka naman seatmates pa man din tayo tapos di mo na ako matandaan"
Sabay hampas sakin
At ayown bigla nag flashback kasi may kakalase ako dati sa isang subject na mahilig mang hampas kahit di naman inaano
"Tina? Ikaw ba yan?"
Tanong ko sa kanya
"hay kala ko talagang nakalimutan mo nako. Oo ako to. Teka bakit ka andito?"
Tanong nya sakin.
YOU ARE READING
Si Mr. Babaero at Ms. Bitter
Teen FictionPaano nalang kung ung lalaking kilala bilang babaero ay mainlove sa babaeng bitter na ayaw na magmahal ulit dahil ang tingin nya sa lahat ng lalaki ay kaparehas lang din ng 1st at last ex nya. Magkakaron kaya ng pag asa si Arjay kay Kathy? Si Ar...