Kwerte- Your In Love

42 3 0
                                    

Kwetre- Your In Love

(Dedicated this chap to my sister. Salamat sa advice na hindi ko minsan... I mean madalas na hindi ko naman din nasusunod, hahaa)

Nagising ako dahil sa lakas ng kalabog ng pintuan ko. Papungay-punagay na tumayo ako at pumunta doon sa pintuan.

"Ano yun?" tanong ko habng humihikab,

"Eleven na girl! Di ba mamasyal tayo sa mall? Bruha ka kinalimutan mo na!" nawala yung antok ko. Nakalimutan ko pupunta nga pala kami ni Kenneth aka Kenny. Well, yes. He's a queen of the night.

"Sensya naman. Kalimutan ko lang. Sige na hintayin mo na langb ako sa baba." Pagkasabi ko noon ay tumuloy na ako sa banyo at nagsimulang maligo.

Di kasi ako maiging nakatulog kakaisip kung in love ba ako doon kay payatot?! Alas-tres ng madaling araw na nga akong nakatulog na dahil sa kakaisip. Grabe! Kakasira siya ng bangs! Buti kakapa-salon ko lang.

Ng matapos na ako sa pagligo ay bumaba na ako. Kumain muna kami ni Kenneth saka umalis gamit yung kotse ko.

---

"Kelan ka ba girl magpapalit ng kotse mo? Laus na tong kotse mo eh." maarteng sabi ni Kenneth at bumaba ng kotse. Sinimangutan ko lang siya at bumaba na ng kotse.

"At least ang kotse ko ay cute eh ikaw? Cute ka ba?" Sacarsm na sabi ko at inilock yung kotse ko.

Ngumiti siya with pa beautiful eyes pa. "Hindi naman talaga ako cute no! Maganda to te! Ma-gan-da!" Napatawa ako ng wala sa oras.

"I-ikaw maganda? Hahaha." Nakita kong sumama yung tingin niya sa akin. "De, seryoso. Saan ang maganda sayo?" seryoso ang mukha ng sinabi ko yun na may halong sacarsm.

"Tse. Lets go na nga!" ang taray! Tinalbog ako ng katarayan. Loko loko rin tong baklang to eh!

Sinundan ko siya kung saan saan. Punta doon punta diyan. Pasok dito pasok diyan. Bili dito bili doon bili diyan. At ng mapagod ako at kumakalam na ang tiyan ko pinigilan ko siyang muna pumasok sa isang store at pumasok kami sa isang fastfood chain.

"Patay gutom ka talaga eh no?" sabi ni Kenneth habang kinakain yung palabok na inorder niya.

"Okay na yung pg kesa naman sa adik sa mga ganyan at mukhang clown!" sabi ko din dito.

"Pssst." Nagkatinginan kami nung biglang may sumitsit. Pero nagkibit balikat siya. Sino yun? Di na namin pinansin at nagtuloy tuloy na kami sa pagkain ulit. "Psst." Nagkatinginan ulit kami at biglang tumingin sa kaliwa at kanan... Daniel?!

Nasa medyo malapit siya sa amin. Nakangiti siya sa akin habang kumakaway-kaway. Tumayo siya at lumapit sa amin.

"Hello girl.... Girls?"

"Oo, girls! Hindi ako boy no!" Nakataas kilay na sabi ni Kenneth pero nakangiti, buang lang. Bagong style!

"So, pwede ba akong maki-upo?"

"N---"

"Yes!" Letche! Naunahan ako ng baklang to! Nakakainis! Buweset!

Inilagay ni Daniel yung bag niya sa upuan at pumunta sa counter para umorder.

"Uy, girl. Ang pogiiii." parang kinikiliting sabi ni Kenneth.

"Gusto mo sayo na siya." walang kagana ganang sabi ko kay Kenneth. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong problema mo?? Bf mo ba yun?"

"Nope. Na-in love ako sa kanya." oooops! shit! What the fucking shit! ang ingay ng bibig ko!

"O my golly gosh! Your in love?! When, how? Tangna! Parang ang sarap kumanta ng 'for the fisrt time'!" inerapan ko siya. grabe! ang OA niya! Sana pala hindi ko na lang sinabi sa baklang to! "Tapos, ikaw pa pala ang kaa--- hihihi, joke lang naman!' Naka-peace sign na sabi niya ng inambaan ko siya ng kamaao ko. Subukan niya lang makiepal. Sisiguruhin kong hihiram siya ng mukha--- wag na mukha! Sa pwet ng aso.

Haist! Ang lakas ng tama ko kay Daniel. Ako na ang obssess!

Dumating na si Daniel dala yung mga order namin na... actually na siya lang ang um-order tapos sobrang dami pa! Di naman kaya niya kami papatayin niyan?

Kung saan saan pa kami pumunta at ang gaga, iniwan kami ni Kenneth dahil may biglang papa na natipuhan! Kainis lang ah! Naiwan ako kasama tong si tangkad sagad na payatot! Tae, nininyerbos ako! Buti biglang bumilis yung oras at gumabi agad! Hindi na niya kami hinatid dahil may sasakyan akong dala at siya naka motor. In fairness ang cool niya habang naka-sakay sa motor tapos ang... kyot? Teka? San ko ba narinig yung salitang yun?!

"Ba-bye! Gora na me sa loob mapagalitan pa ako ni pudrey!" Nakangiting sabi ni Kenneth at pumasok na sa loob ng kanyang ma-ala mansion na bahay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive ng biglang may tumawag. Sinagot ko to at muntik pa akong mabunggo dahil...

---

Pa-suspence kuno daw. Short UD lang. Vote and comment naman diyan. Pampagana tanku!

ABNORMAL STORY: ANG BOYFRIEND KONG PAYATOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon