Chapter 1

57 2 5
                                    

"Ariaanaaaaaa!! kailan mo balak mag bayad ng upa mo aba ginoo kang bata ka,hindi lang ikaw ang may pangangailangan!! jusmiy----" pambubulabog ng land lady namen dito.

Tss.

Nagtakip na lang ako ng unan para hindi na marinig ang ingay ni  ate jululieta.
Ilang buwan na ren kase akong hihdi nakakapagbayad ng upa  sa apartment na tinutuluyan ko.

'Haaaaays mukhang kailangan ko na talaga maghanap ng trabaho kahit part time lang.'

Ng  mukhang umalis na si ate julyeng eh tumayo na ako.

'Tss. Ang kulit kase sabeng wala pang pera yung dyosa eh! Babayaran naman sya pag afford ko na*sighs*" napapalatak na untag ko sa aking sarili.

Tumayo na ako dahil nakakaramdam na ren ako ng gutom.

Ng marating ko ang kusina ng maliit kong apartment na ito eh agad agad akong nagtungo sa mumunti kong refrigerator na ipinamana sa akin ng beshy ko sa kabilang kwarto na nag migrate na sa canada.

Ng buksan ko ito ang nakita ko lamang eh bukas na tasty at wala ng lamang lady's choice.

"Hqys! Wala na pala akong supply kailangan ko na palang pumunta ng palengke." Panenermon ko sa aking sarili sa paglimot kong wala na nga pala akong supply.

Nagtungo naman na ako sa banyo para maligo dahil mula pa nung isang araw eh hindi pa ako naliligo.

Ng magtungo ako sa banyo napatapat naman ako sa maliit na salamin ko na kita   lamang ang mukha dun ko lamang nakita ang itsura ko, magulong buhok, gusit gusot na damit at.
Namumugtong mata.

Hay! Ano ba tong ginagawa ko sa sarile ko? Arianna hindi ikaw toh!? You need to keep going , keep moving forward! Hays! ' pangangaral ko sa sarile.

'From now on. Hindi na ako iiyak for the Same Reason.'

Ng matapos ako sa pangangaral sa aking sarili ay agad na akong naligo.

--

Ng matapos akong maligo ay nagtapis na lang ako ng twalya. At binalot ang buhok ng twalya.
At nagtungo sa luma kong aparador na,nagmula pa raw sa mga taong tabon.

'Psh!'

Napangiti naman ako sa naisip.

Nagbihis lang ako ng simpleng plain white na t-shirt at pantalon.
  Ng matapos ako magbihis,ay nagsuklay na ako. Habang nagsusuklay napansin ko nanaman ang maitim na ilalim ng mata ko na namamaga dulot ng gabi gabing  pag iyak.

Nagpulbo lamang ako at kinuha ang makakaisa kong shoulder bag na natira. Iilan na lamang ang mga natitirang gamit ko dahil  naibenta ko na ang mga gamit ko para maipangtustos sa,nakalipas na dalawang. Buwan, ang meron na lamang ako dito sa apartment ko ay, kama,mga pinggan,kalan, maliit na study table,pasira sirang refrigerator na hindi na nakakagawa  ng yelo,at ang maalamat na aparador na naabutan ko na lamang ng lumipat ako dito sabe naman ni ate july pede ko itong gamitin. Nung una natakot ako rito dahil baka may mumu na lumabas sa tokador na yan pero kalaunan nakasanayan ko na ren, pano ba naman dyan ako nagtatago pag hinahanap ako ng matandang byuda na land lady namen na nay wrinkles sa puwet. Pagsinisingil niya ako sa upa sa bahay kaya tropa na kame nyang aparador nayan.

Ng matapos magayos ay tinignan ko kung magkano pa ang pera na natitira sa aken. Nakaipon ako ng pera sa mga pinagbentahan ko ng ganit at pagkanta kanta sa bar ng kaibigan kong bakla,which is libangan ko lang naman pero binabayarab niya paren ako dahil indemand daw ang boses ko.

3,000 yan nalang ang natitira kong pera.

'Hays! Tatagal ka ba ng isang buwan? Eh dalawang linggo nalang pasukan na ah?' Nawawalan na ng pagasang isip isip ko.

"Ano ba rianna ang nega mo! Hindi ka pinalaking Villamor para lang sa wala!' Pang eengcourage ko sa sarile.

Napangiti naman ako ng mapait sa nabanggit...

'Villamor'

unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon