Part 2: School

101 5 0
                                        

So here's the part two enjoy~
Don't forget to vote

Chiarra

Nagising ako dahil sa sigaw nang aking step sister na walang ibang ginawa kundi utusan ako. Nagtataka nga ako kung bakit ako ang kanyang inuutusan samantalang may mga maids naman kami dito. Kahit papaano ay mayaman naman sila auntie Dianne.

"Jachie! Gumising ka na nga d'yan! Nagugutom na ako oh, pambihira naman to. Malelate na ako, Gosh! Kung hindi sana kita 'STEP' sister ay malamang kalbo ka na diyan!" Sabi nang step sis ko na si Dianna. Kay aga-aga naninigaw.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo. "Teka lang maliligo muna ako, at tsaka tigilan mo nga yang kakakalabog mo sa pinto, baka masira 'yan pagalitan ka pa ni auntie." sabi ko habang naliligo.

"Tse! Bilis-bilisan mo dyan! Baka kung di ako makapagpigil makalbo pa kita!" Bulalas niya at umalis na. Paulit-ulit?

Hay i'm suck of this stupid life. All i want is to be loved, but what happened to me now is the opposite of what I wanted.

Nagtataka siguro kayo 'no? Why did I call my stepmom, auntie rather than Mom or Mother? Kasi sya rin naman ang may gusto na 'yun ang itawag ko sa kanya. Ayaw n'ya daw akong maging anak. So bakit pa n'ya ako inampon 'di ba?

Nakita daw kasi ako ng auntie ko sa isang basurahan, may nakasulat din daw doon na pangalan ko at ang apilyedo ng magulang ko. Hinanap na namin ang mga nagmamay-ari ng apilyedong yan pero wala talaga kaming makita. Siguro niloloko lang si auntie ng kung sinong tao ang sumulat dun.

Natapos akong maligo sa loob nang 30 minutes. Humarap muna ako sa salamin at nilagay ang aking contacts at glasses. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko, the important thing is I am wearing my contacts to cover the true color of my eyes and my glasses to make me see things clear. I wish my contacts satisfies my blurry vision but dahil mahirap lang ako at hindi ako suportado ng auntie ko kaya magtiis muna ako sa glasses ko'ng luma.

Pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal.
Pagkatapos naghanda na ako ng mga pinggan sa lamesa.

Kumain na kami ng tahimik kasama ko sila Dianna at auntie Dianne. Ayaw ni Auntie na maingay ang hapag-kainan kaya kung ayaw mong mapagalitan, tumahimik na nalang.

Natapos na akong kumain at maglakakad na ako papuntangang school. Guess what? Si Dianna, nag-kokotse pa kahit walking distance lang ang school namin. Siguro ayaw niyang mainitan o maalikabukan ang kaniyang balat o sadyang gusto lang n'yang ipagmalaki na mayaman siya at mayroon siyang kotse? Siguro gano'n 'yon ang harsh ko ngayon ah. May kayamanan din naman kasi sila auntie pero hindi na kumuha ng mga katulong. Ewan, fan siguro sila ng Cinderella.

Nang makapunta ako sa gate ng school ay napaisip ako.

Magsisimula na naman ang kalbaryo ng buhay ko. Clinton High, welcome to hell.

Nang makapasok ako nagsimula na silang magbulungan.

"Eww, here's the freak again!"

"She's so ugly, she's not bagay in this school kaya"

Bagay mo mukha mo ulol!

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad patungong room. Sa kasamaang palad nakita ko ang grupo nila Roxy ang dakilang bully ng CH na papalapit sa akin. Alam ko na kung anong gagawin nila sa akin, pag tri-tripan na naman ako ng mga 'yan.

"Well-well, Chiarra, it's good to see you again". Sabi nya at nakangisi na parang nang-aasar.

Psshh. Wala namang Good sa tuwing nakikita ko yang mukha nyang parang clown Kung maka make-up wagas! Isama mo pa yung uniform nyang parang kinulang ng tela. Nagtitipid siguro siya.

Walang pasintabing hinablot niya ang bag ko at tinapon ang laman nito sa sahig. 'Di nalang ako pumalag at sinimulang pulutin ang mga gamit ko. Kung tutuusin kayang-kaya ko naman sila patumbahin lahat.

Bata palang ako alam ko ng kakaiba ako sa mga tao. Alam ko na na may kapangyarihan akong taglay, 'yon ay ang kapangyarihang apoy. Wala pang kahit na sinong nakaka-alam tungkol do'n, kahit na sina Auntie at Dianna walang alam dito. Ayaw kong ipakita ang aking kapangyarihan sa iba dahil alam ko na lalayuan lang nila ako at pandidirian dahil hindi normal para sa mundong ito ang isang tulad ko.

Naglakad ako patungong room at hindi na nag-abalang lingunin pa ang mga kaklase ko dahil alam ko na masasamang tingin lang ang ipinupukol nila sa akin.

Dumiretso na ako sa aking upuan sa likurang bahagi. Pumasok na din ang aming guro at nagsimula nang magturo.

Tumunog na ang school bell, hudyat na alas onse na ng tanghali.

Hay salamat at natapos na ang aming guro kaka sat-sat. Nakakabagot kayang makinig sa History teacher namin. Parang hindi pa nakakain ng agahan. Ang bagal magsalita.

Naglalakad na ako papuntang cafeteria at nag-order ng chicken with rice at ice tea. Umupo na ako sa huling bahagi ng cafeteria para walang masyadong makakakita sa akin.

Kakain na sana ako ng may tumabi sa aking upuan. Isang magandang babae na mahaba ang buhok na hanggang bewang ang haba. May mahabang pilik-mata at matangos ang kanyang ilong. Kapansin-pansin din ang kanyang balat na mala porselana.

"Hi! Sheila pala, Sheila Marcus. Nice​ to meet you." Saad niya na parang nasasabik.

"Ahh, hello?" Ako.

"Bakit parang di ka sigurado?, huwag ka nang mailang 'to naman." sabi niya sabay lahad ng kamay nya sa'kin para makipag-kamay.

"A-ahh, okay." at inabot ang kamay nya.

"Can we be friends?" Sabi nya.

Ano? Friends ba 'ka n'ya? Ang weird. Hindi ako sanay ng may kumakaibigan sa akin. Nasanay na akong mag-isa kaya masyadong mabilis para sa akin ito. Pero hindi naman masama diba? Might as well give it a try, I guess.

Tumango ako ng dahan-dahan kaya napangiti ito.

"What's your name?" Nakangiting tanong niya.  "Justine Chiarra, Jachie nalang." Sagot ko nang nakayuko.

"Nice name!"

"Thanks" tipid na sabi ko at sumobo na.

"Mind if I ask some questions?" Ani ko.

"I won't" she said habang nakangiti. Ang bait n'ya ata. Siguro?

"Bago ka lang ba dito? 'cause your face, I haven't seen it before." panimula ko.

"Ah, oo. Actually kahapon palang ako nag enroll dito." aniya.

"Ah, ganon ba? Bakit naisipan mong lumipat ng school?"Ang daldal ko na yata, pansin ko lang.

"Ahm..ehh..kasi...ano.." sabi nya na tila nagdadalawang-isip kung sasabihin ba nya o hindi. Si Andrew E ba 'to? Echos lang. "Ano?"
Lumingon s'ya sa paligid at bumalik ang tingin sa akin sabay lapit ng mukha niya sa tenga ko.

"May hinahanap kasi akong tao dito. Actually napag-utusan lang ako ng headmistress ng school namin para hanapin yung taong yun at hindi rin siguro ako magtatagal dito, maybe next week babalik na ako sa dati kong school." Aniya

Ay sayang, gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal. I find myself comfortable when I'm with her.

"Oh, ba't parang malungkot ka d'yan?" Sya. "Wala" Malungkot raw ako? May pagka feeling din pala siya.

Matapos kumain, saktong pagka tayo ko ay nag bell na hudyat na pasukan na ulit.

"Ah Jachie, kita tayo mamaya ha? Gusto kong ikaw ang mag tour sa akin dito sa campus" sabi niya.

"Oo ba, kita nalang tayo mamayang uwian. Sa room 126 ang room ko. Okay lang ba sa'yo na ikaw nalang ang sumundo sa akin?"

"Sure! See you later."

At naglakad na ako patungong silid aralan.

Okay! That's it for today
Hope you guys like it
Please Yourselves and Enjoy!
Next chapter Will be the continuation of today's update

S~

The Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon