Part 3: New Girl

14 1 0
                                    

Tumunog na ulit 'yong bell kaya nagsilabasan na ang mga estudyante. Natapos na ang last subject namin kaya't nililigpit ko na ang aking notebook at mga gamit ko.

Pagtingin ko sa pintuan, nakita ko si Sheila. Kinawayan ko siya.

"Hi Chiarra! Ano? Tara na?" Aniya.

"Sige, tara." Sabi ako at sinimulan nang maglakad.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa hindi ko na matiis ang nakakabinging katahimikan. Wag kayo 'no, madaldal kaya ako pero sa mga close ko lang, kaya hindi ko matiis at  nagtanong na ako sa kaniya.

"Sheila, bakit mo nga ba naisipang maglibot ngayon? Uwian na eh." Panimula ko.

"Ah, buti natanong mo, ayaw ko kasi nang maraming tao. Oo sabi nila the more the merrier pero sa kanila lang 'yon, iba iyong sa'kin. Natawa nalang ako sa kanya. Sa totoo lang talaga hindi ko din alam 'yon. Ngayon ko lang yata narinig?

Tumawa nalang siya nang tumawa. 

Habang tumatagal lalong gumagaan ang loob ko kay Sheila. Pwede ko na ata sya gawing bestfriend eh kahit ngayon lang kami nagkakilala.

Nilibot na namin ang buong campus. Hindi naman siya mahirap turuan dahil madali n'yang natututunan. "Sheila tara na uwi na tayo? Magdidilim na rin kasi at kakaunti nalang ang mga estudyanteng naglalakad pauwi. 

"Sige, tara na. Hindi ko din napansin, alas sais na pala."

"Saan nga pala ang bahay niyo Sheila?"

"Sa Ash subdivision kami nakatira sa ngayon." 

Nanlaki ang mata ko sa nalaman. "So..mag kapit-bahay lang pala tayo!?"

"Weh? Dun din bahay nyo?"

"Oo eh pero technically, bahay 'yon ng step mom ko." sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya kaya patuloy lang kami sa paglalakad.

Habang naglalakad kami ay may mga naka itim na tao ang pumagitna sa amin. May binulong na kung ano si Sheila pero hindi ko marinig.

Sheila

"Mga dark assassins." bulong ko. Tiningnan ko si Jachie. Halatang naguguluhan sya sa mga nangyayari. Pero parang 'di siya takot? Karamihan kasi sa mga normal na tao especially mga babae ay matatakot na pag may ganitong scene, pero siya ay parang wala lang. At parang sinasabi ng mga mata niya na 'everything's under control.' Nagtataka na ako dito kay Jachie ah.

"Anong ginagawa niyo dito?" Matapang na sabi ko. Tahimik lang si Jachie sa tabi at matalim na nakatingin sa mga dark assassins. "Nandito kami upang kunin ka, princesang taglay ang kapangyarihan ng tubig." Sabay-sabay na sabi nila. Nagulat ako dahil sa sinabi nila. Pagtingin ko kay Jachie ay halata ang pagka-gulat sa kanyang mukha, pero napalitan ng...ngiti?

Jachie

Oo nagulat ako sa sinabi ng nga nilalang na 'to pero mas nangingibabaw yung pagkatuwa ko dahil nalaman ko na hindi lang pala ako ang nag-iisang taong may kapangyarihan. Pati 'rin pala sya.

"Umalis na kayo! Wala kayong mapapala dito dahil hindi ko hahayaang makuha n'yo ako" matapang na saad ni Sheila.

Nagmamasid lang ako sa paligid at naghahanap ny tiyempo kung paano kami makatakas.

I glanced at Sheila na masama ang tingin sa mga black men na nasa gitna namin. She looked back at me with her eyes telling something like run, escape but accidentally nabasa ko kung ano ang nasa isipan n'ya.

At the count of ten ihahagis ko ang shuriken sa isa sa mga black assassins at tatakbo kami ni Jachie patungong gate. I hope this works and Jachie will cooperate.

So that's her plan of escaping... Okay, I'll just act as if wala akong nalalaman.

Pinagmasdan ko ang galaw ni Sheila at parang may pasimple siyang kinukuha sa kanyang hita at nang tuluyan na n'yang makuha ay inihagis niya ito sa Black man na nasa unahan niya.

"Takbo!" Sigaw niya. We're running towards the gate just like kung ano ang nabasa ko sa isip niya kanina lang.

Patuloy lang kaming tumakbo. Napansin ko lang din kanina na parang nahihirapang makagalaw ang mga black assassins habang sinasagawa ni Sheila ang plano niya. Siguro gumawa siya ng mahika gamit ang tubig na siyang kapangyarihan niya.

Habang nasakalagitnaan kami ng pagtatakbo ay bigla akong napahinto dahil parang may masakit sa bandang ibabang binti ko, pero binalewala ko lang 'yon at nagpatuloy nalang sa pagtakbo dahil malapit lang din naman ang bahay namin and bahay nila Sheila.

Sheila

Nakita ko kung paano nasugatan ang binti ni Jachie at malalim ito. Pero ang mas nakakagulat ay ang patuloy na pagtakbo nito na parang walang nangyari. 

At... Nawala ang sugat niya?

Isa lang ang alam kong nilalang na pwedeng makagawa ng nasaksihan ko ngayon.

Posible nga bang ikaw siya Jachie?

Sino ka ba talaga at saan ka nanggaling..

**

Hi readers! How's it been? Medyo matagal talaga 'yong update sa kadahilanang, nalimutan ko ang password ng account na ito. Matagal-tagal ng nasa draft ang part na 'to ngunit hindi ko ma publish dahil nawalan ako ng access.

Ikinasisiya kong magsulat ulit para sa inyo:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon