HTTFL-2

17 0 0
                                    

Beatrice Point of View:

"Ma'am gising na po." Naramdaman kong may humaplos sa braso ko.

"Hmm?" Pag mulat ko si manang pala.

"Bakit po?"

"Uhm ma'am  hinahanap po kayo ng Secretary ng Mommy and Daddy niyo po." Bigla akong napatayo. Wala na nga pala sila. Sana pala hindi na lang ako gumising. Sana nagpakuha na lang ako sa kanila. NAgumpisa na namang tumulo yung luha ko.

"*sniff* sniff* W-wala n-na p-pala sila" Naupo si manang sa kama ko at hinarap sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko. Nakita ko ring may tumulong luha sa kanya.

"Tahan na. Nalulungkot din ako. Wag ka ng umiyak" Niyakap ko siya. Buti na lang talaga kahit mga katulong lang sila parang turing nila sayo anak na rin. Hindi ko naman tinuturing lahat ng katulong dito na parang iba. Parang mga nanay ko na rin sila. Pag wala si mommy, Sila ang nagsisilbi sa akin. Pero sila, parati akong tinatawag na 'Maam' Sabi ko sa kanila wag na. Pero ayaw nila.

"O siya, Maghanda ka na." Iniwan na ako ni manang. Nagayos naman na ako saka bumaba.

"Good Morning Beatrice" Nagulat ako sa sinabi nung secretary nila mom. Dahil Beatrice lang ang tawag sa akin. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero  parang may mali?

"G-Good morning din po" Umupo naman ako.

"Pinayagan ba kitang umupo?" Mas lalo akong nagulat nung tumaas yung kilay niya at yung tone na pananalita niya parang boss. Tinignan ko siya na parang nagtataka.

"Hmm. So hindi mo pa pala alam. Itong tinutungtungan mong bahay at yung mga gingamit mo ay hindi SAYO!" Nanlaki yung mata ko dahil sa sobrang gulat. Ano bang nangyayari?

"H-huh? A-ano--" Hindi niya ako pinatuloy magsalita dahil bigla siyang nagsalita na mas ikinagulat ko.

"Walang iniwan sayo ang mga magulang mo. Ibang pangalan ang nakasulat sa Last Will and Testament nila. Ni isang pagmamayari dito walang para sayo! Kaya pack your things at LAYAS!" Sigaw niya ng nakaturo pa sa pintuan. Totoo ba 'to o nananginip lang ako? S-san ako titira? Saka paanong?

"Oh? Anong tinatayo tayo mo diyan! LAYASSSS!" Nageecho na yung boses niya sa buong bahay. Bigla namang sumulpot si manang.

"Excuse me Secretary Lyra bakit hindi niyo po ginagalang si Ma--"

"Shut Up! Hindi ko siya boss! Pinapalayas na siya dito ng MAY ARI nitong bahay! Kaya alis! Gusto mo bang tumawag pa ako ng pulis?!"

"I-ipaliwanag m-mo sa akin l-lahat." Naguguluhan na ako. Hindi ako sanay sa mga nangyayari. Never pa akong sinigawan ng isang tao. T-tsaka kanino naman nakapangalan yun? Okay lang na wala akong pera basta mapangalagaan ko lang yung mga naiwan ni mommy at daddy. Nakakapagtaka lang wala kaming ibang kaclose na pamilya except kila ate Hailee. Pero nakakpagtaka.

"H-hindi ako aalis! Hangga't di mo sinasabi kung sino ang nakapangalan!" Nasigawan ko na yung Secretary nila mom. Hindi ako sanay. Dapat respetuhin ko pa rin. P-pero hindi ko mapigilan dala na rin sa sobrang pagiisip at sakit na nararamdaman ko.

"Hindi mo na kailngang malaman! ALIS! Ibebenta na namin 'tong bahay at kayong mga katulong dito! Lilipat na kayo! Ihanda niyo na ang mga gamit niyo!" Natulala ako. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Lumabas na si Secretary Lyra at may pumasok namang mga lalaki at isa isang binuhat ang mga gamit namin.

How To Tame Four LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon