HTTFL-3

6 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw, natanggap ako sa cafe at nag exam na rin ako, Sana lang makapasa ako.

Nandito ako ngayon sa academy naghihintay ng resulta ng exam.

"Ms. Smith, Pinapapunta na po kayo ni ma'am Lea sa office niya" Tumayo na ako, This is it. Sana makapasa ako.

"Sit down Miss Smith" nakangiting sabi niya sa akin,

"Well are you excited sa result?" Tumango tango ako, pero kinakabahan ako.

"Congratulations Miss Smith,You passed the test," Sa sobrang tuwa ko napahawak ako sa kamay ni Miss Lea.

"Thank you po. Thank god."

"Yeah, Pero may sasabihin ako sayo."

"Ano po yun?"

"Wala dapat makakaalam na scholar ka dito, I'm 100% sure na mabubully ka, Lahat ng studyante dito ay mga tagapagmana, Mga mayayaman kaya mataas sila kung tumingin. Dalawa lang ang scholar sa Senior High. Kayo ang masuwerteng nakapasa." Nginitian ko si Miss Lea.

"Opo. Salamat po Miss Lea." Dapat nga ipagmalaki nila ang mga scholar, Hindi binubully. Pag nabawi ko lahat ng pagmamayari nila mom, Imamanage ko tong school na to, Dapat pantay lang ang turing nila sa Scholar kahit scholar lang sila.

"Idedeliver na namin ang uniforms mo sa bahay niyo, And yung allowance mo. Makakatanggap ka ng 10,000 kada month. And the most important, Maintain your Grades okay? Good Luck sa monday na ang start ng class mo. "

"Thank you po, Una na po ako." Nginitian ko ulit si miss Lea saka ako lumabas ng office niya.

Pumunta ako ng NBS para bumili ng school supplies.

*

Pagkatapos kong pumunta sa NBS, Pumunta ako ng Dept. Store, Mamimili ako ng gamit ko. Kailangan ko talaga magtrabaho, dahil panigurado marami kaming gagastusin.

Bumili muna ako ng Coffee, Saka ulit nagtingin tingin.

"Ay!" Nalaglag yung wallet ko, Ang dami ko kasing hawak, Pagtayo ko--

"What the Fuck?! Napala careless mo naman! Look what you've done! Shit!" Sunod sunod yung pagkacuss niya. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang takot.

"Hey! anong tinatayo tayo mo diyan? tinapunan mo ako! Wala man lang sorry ?! The fuck!" Tinignan ko siya.

"S-sorry H-hindi ko naman sinasadya."

"Shit! Umalis ka nga sa harapan ko! " Binangga niya ako. Natulala na lang ako. Biglang tumulo luha ko. Bakit ako umiiyak?

"Hey don't cry. Sorry sa ginawa ng kapatid ko." Hinawakan ako sa balikat nitong lakaki, Medyo hawig niya nga yung lalaki kanina.

"O-okay lang. Sorry talaga,"

"Sorry din pasensya na talaga. Bye!"

After nun umalis na ako. Ang daming nakatingin na tao kanina, Di talaga ako sanay ng sinisigawan kaya hindi ako nakaimik. Tapos umiyak pa ako. Ang clumsy ko kasi.

*

"Oh Hija andito ka na pala, Kamusta ang resulta?" Tanong sa akin ni manang. Tinignan ko siya na walang emosyon. Napangiti naman ako sa itsura ni manang.

"Wag niyo pong isipin na hindi ako nakapasa, Nakapasa po ako." Inilapag ko yung pinamili ko at niyakap si manang.

"I'm so happy manang. Gusto ko mag celebrate tayo, Libre ko. Tara!" Hinila ko na si manang at pumunta kami sa malapit na KFC sa apartment namin.

"Anong gusto mo manang?" Napangiti naman si manang.

"Kahit ano Hija." Nginitian ko si manang saka ako pumunta sa counter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How To Tame Four LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon