Heiress: 4

10.6K 165 2
                                    

Ice:

Good day everyday okay. Good day everyday okay. Good day everyday okay.

Okay kaya mo yan. Walang trabaho, walang pasok. Day off. Wag na wag kang lalabas ng kwarto mo.

May kasama ulit si Alissa. So eto ako nagaadjust para sakanya.

"Labas na Ice, umalis na si Mich." sabi ni Alissa saka tumawa.

"Kakasagot ko lang sakanya kanina. Nothing happened kanina. Ikaw naman ang tago ng tago sa kwarto mo." Sabi naman niya ulit.

"Ewan ko sayo. Bihis lang ako." Sabi ko sakanya saka pumasok.

Well medyo pahiya ako dun. Seriously kamusta naman ang assuming na babaeng katulad ko?

Lumabas na ulit ako para umalis na. 12:30 na rin naman.

"Alis lang ako." Paalam ko sakanya.

Napaka normal ng suot ko. blue jeans at leather jacket na may white tank top saka adidas shoes. Pinagipunan ko pa to.

Kinulot ko lang ng onti yung dulo ng buhok kong hanggang taas ng bewang. More likely onting inches from my underarm.

Di ako nag accessorize dala ko tong maliit na purse na naglalaman ng phone, lip tint, polbo, wallet at paper bag na malaki. In case may bilin man ako.

Pupunta nga pala ako ngayon sa mall na bagong bukas.

Sabado ngayon. Malamang sa malamang maraming tao. Bagong bukas e.

Baka nga makita ko pa yung mga taong ka condo ko dahil sa lapit nito saamin. Isang sakay. Actually pwedeng lakarin if you want heavy exercise.

Not for me na payat na nga di pa tumataba. Kahit anong kain ko.

Anyways pasakay na ko ng jeep.

Bago pa ako makasakay may bumusina bigla.

Kaya binilisan ko ang lakad papuntang jeep. Traffic kasi eh.

Buti at maaga aga pa. No problem.

Yayain ko kaya si Chris? Meh wag nalang nga. Parati ko na yatang kasama yun. Wag na muna ngayon.

"Bayad po." Sabi ko saka inabot yung bayad.

Agad ko namang nakuha yung sukli.

>>>

Nasa mall na ko. Thank goodness. Onti lang traffic. Sino ba naman kasing lalabas ng bahay ng katanghaliang apat aber?

Hahaha. Ako lang naman.

Pagpasok ko agad kong naamoy ang simoy ng hangin.

Hay nako tagal ko ring di nakapunta dito.

Buti nalang at may pa 5k. si sir Vas kahapon. Grabe yun ah ang galante niya naman.

So ngayon ay gagastahin ko yung 5k na bigay niya. Thanks to him.

I decided na pumunta sa may Forever 21. Sale sila ngayon shet. 50% ahhh! Swerte ko naman ngayon ano?

Pagpasok ko nakakita ako ng tank tops. My favorite. Kumuha agad ako nung tank top na may patch na pineapple sa gilid. Kulay light yellow yung tank top.

The Billionaire's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon