Heiress: 7

6.9K 168 1
                                    

"Ice. Iris!"  Pagtapik sakin ni Alissa. Ka roommate ko sa condominium na tinitirhan ko.

"Alissa! Ang aga aga pa! Tigilan mo ako! Wala akong pera." Sabi ko sakanya nakapikit parin.

"Tingnan mo kasi itong balita! Hindi yang nakapikit ka pa diyan!" Sabi niya at niyugyog ako.

Napamulat ako bigla. Kaba ang bumungad saakin. Anong mayroon?

Lumabas ako ng kwarto.

Binasa ko ang salitang nasa headline mismo ng balita.

"Business man, Christoffer Samson Yap, dead on arrival. Cause of death, heart attack." Basa ko.

Shit hindi to totoo? Prank ba to? Panaginip?!

No

No

No

Noooo!

"Patay na siya. Patay ka na rin." Sabi ni Alissa saakin.

"Pano mo nalaman na magkakilala kami?" Tanong ko.

"He went here last night, kinausap niya ko." Sabi nito.

Hindi pwedeng mawala si Chris! Napasaya ko na ba siya?

Dali dali akong naligo at nagbihis. Kailangan ko siyang puntahan. Right now.

Naninikip, naninikip yung dibdib ko. Parang may malaking lump na nakabara. Di ako makapag salita. I want to cry so bad pero ayokong magmukang weak.

"Bilisan mo Alissa! Sumama ka sakin!" Sigaw ko sakanya.

I texted his number malay mo yung family member niya ang sumagot kung asan siya diba?




Napaka pa close ko naman ata....

"Ice please hinay hinay ka lang." Sabi ni Alissa.

"Alissa naman di ako pwedeng magpaligoy ligoy dito. Kaibigan ko yun eh!" Sabi ko.

Oo kaibigan ko siya, di ko alam kung nagawa ko ba yung misyon kong mapasaya siya. Pero kasi naman eh napalapit na rin siya sakin.

Kahit wala akong alam tungkol sakanya heck yeah natuwa ako nung nakasama ko siya.

"Nasa ospital siya. Eto yung address." Sabi ni Alissa sabay turo ng phone niya. Agad agad kaming umalis at naghanap ng jeep.

>>>

Nasa jeep na kami. Di ko maiwasang hindi maisip. Kilala ba ko ng pamilya niya? Baka kung anong isipin nila pag pumunta ako dun. Baka isipin nila na stalker ako or what.

"Kinakabahan ka Ice." Sabi ni Alissa.

Omg muka ba kong kinakabahan?

"Pulang pula ka." Sabi pa nito.

Ngayon pa talaga.

"Bwisit ka Alissa." Seryosong sabi ko.

Aba bwisit ngayon pa talaga ako nagkaganito. Pulang pula?

The Billionaire's Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon