Kabanata 1

370 25 7
                                    

Sandy's POV.

Pagkalabas ng aiport, wala akong ibang nalanghap kundi polluted air. Hindi ko lubos maisip na tototohanin ni daddy ang pagpapatapon sa akin dito sa Pilipinas. He always do that naman everytime may nagagawa akong mali. Kaya I never thought he is damn serious this time.

"Dadang, welcome back!" Salubong naman sa akin ni Tatay Jules na nasa may exit lang kaya nakita niya ako agad. Bago pa ako ipanganak ni mommy, nagtatrabaho na siya sa amin as family driver.

"Thank you po, Tatay Jules! Na-miss ko kayo." Niyakap ko agad siya dala ng sobrang excitement sa muli naming pagkikita. Naramdaman ko rin namang tinugon niya ang yakap kong iyon.

Matapos ang yakapan at kamustahan namin ay inalalayan at tinulungan na niya akong i-karga sa likod ng sasakyan yung mga maleta ko. "Mukhang for good ka na dito, kulang na lang i-uwi mo yung bahay niyo sa Amerika eh." Biro niya sa akin pagkatapos naming ilagay sa likod yung lima kong maleta.

Hindi ko na lang siya sinagot at nginitian na lang siya. Sa totoo lang, wala akong balak magtagal dito. Isang linggo lang naman siguro ako dito at hindi rin ako matitiis ni daddy.

Pero, dun ako nagkamali. Damn! Mahigit two weeks na ako dito sa Pilipinas at wala talagang balak si daddy na pabalikin ako dun, "You have to go there tomorrow para mag-enroll. Do you understand me, Sandy?" Tinawagan pa ako ngayon ni mommy para sabihin na mag-enroll daw ako sa K Academy bukas.

"What if I don't?" Bored kong sabi sa kanya. "You know na hindi mo pwedeng suwayin ang daddy mo. Baka lalo ka lang matagalan dyan kung di mo siya susundin." Pagpapaalala sa akin ni mommy. I really hate my dad for controlling my life!

Maaga akong nagpahatid kay Tatay Jules sa K Academy. Kasama pa nga namin si Nanay Tecla na siya namang naging yaya namin ni Ate Zea simula pagkapanganak sa amin. Sila laging sumasama sa amin ni Ate kapag may school events noon.

"Eh ang ganda at ang laki-laki naman pala ng bago mong school, Dadang!" Malakas na pagkakasabi ni Nanay Tecla.

"Nanay naman eh, sinabi ko naman sa inyong Sandy ang tawag niyo sa akin kapag nasa labas tayo eh." Bulong ko sa kanilang dalawa. Nagsimula naman siyang pagalitan ni Tatay Jules dahil daw sa sobrang kadaldalan niya. Hindi sila mag-asawa. Pareho silang single kaya nga shini-ship namin silang dalawa ni Ate Zea eh.

"Pakasal na kasi kayo!" Asar ko sa kanilang dalawa atsaka ako tumawa. Para lang kasi silang teenager kung makapag-away. Pinagtitinginan na nga sila ng ibang estudyante. Simula na kasi ng klase kahapon, that makes me a late enrollee. 

"Mas pipiliin ko na lang maging matandang dalaga kung sa Tatay Jules mo lang din naman ako magpapakasal." Sagot niya sa akin. "Huy, matandang dalaga ka na talaga!" Kaya hindi sila matapos mag-away eh, walang gustong magpatalo ni isa sa kanila.

Iniwan ko na nga lang sila ng hindi nila napapansin dahil panigurado mamaya pang hapon sila matatapos. Para na rin magkaroon sila ng quality time para sa isa't isa.

Ang tanong ngayon, saan na ako pupunta? Napabuntong-hininga ako kasi wala naman akong kaalam-alam sa eskwelahang ito. Ano bang una kong gagawin para makapag-enroll? Ayoko namang magtanong sa kung sino-sino lang.

But, I ended up asking a group of random people passing by, "Excuse me mga Kuya, saan ba papuntang office dito?" Tanong ko sa kanila with matching ngiti pa nga eh. Sa tingin ko, sikat ang mga ito dito sa school. Well, they have the looks naman kasi.

"Miss, second day na second day office agad ang punta mo?" Yung mukhang camel ang nagtanong sa akin. Itsura pa lang niya mukha na siyang troll at walang magandang gagawin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. BITCH MODE: ON!

Inirapan ko siya at saka ako bumaling dun sa iba niyang kasama, pito silang lahat. Naalala ko tuloy yung Infinite sa kanila. Na-miss ko sila bigla. Sila na yung tumayong mga Kuya ko. Simula mga bata para na kaming mga magnet na hindi mapaghiwalay.

Nung kinailangan na naming mag-migrate sa Amerika, sumama sila sa amin at dun na rin nagpatuloy sa pag-aaral. Sana lang maisipan nilang sundan rin ako ngayon.

"Diretsuhin mo lang yang pathway na yan tapos kumanan ka. Yung huling kwarto dun, yun na yung office." Sabi nung isa sa kanila na may malaking mata. Ang squishy niya. Ang sarap kurut-kurutin. 

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanila or more likely kay Kuyang squishy lang pala dapat.

Naglalakad na ako sa pathway ng maisipan kong kunin yung cellphone ko para i-text si Nanay Tecla na papunta na ako ng office. Hinahanap ko yung iPhone 5s ko sa loob ng bag ko at naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na natapon sa damit ko.

"Oh, seriously! What a great way to start my day." Agad kong sabi at automatic na napahawak ako sa parte ng damit kong nabasa. Kapag minamalas ka nga naman, nakaputi pa naman ako. Chocolate drink pa naman ata itong natapon sa damit ko. Sinamaan ko ng tingin yung lalaking may hawak ng plastic cup sa harap ko. May apat pa siyang kasama.

Wala man lang akong makitang expression sa mukha nung lalaki. He's not sorry nor have that apologetic look on his face. Parang wala siyang pakialam na naligo ako sa inumin niya. Malagkit pa sa feeling.

Maya-maya ay nagsalita na siya, "Palitan mo yung milo ko."

"Excuse me?" Gusto kong matawa sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya? Iyon talaga una niyang sasabihin? Baka gusto muna niyang itanong kung okay lang ako. 

"Anong excuse me? Balak mo pa akong takasan? Di ka makakaalis hangga't di mo pinapalitan yung milo ko." From that blank expression, it changed to a judging look. What the hell, tanga ba siya? 

"Anong nangyayari dito?" Yung pitong lalaki na nakasalubong ko kanina eh nasa tabi na namin. 

"Ito kasing lalaking ito tinapunan ako ng milo niya." Turo ko dun sa lalaking mukha naman palang babae. 

"Luhan, magsorry ka." Utos naman sa kanya nung isa dun sa pitong lalaki na blonde ang buhok at maliit. So, Luhan pala ang pangalan niya.

"Pero, pero..." Wala na siyang nagawa dahil pinandilatan na siya nung pandak. Magkakilala ba sila? Baka naman President ng student council ang lalaking pandak na iyon? O kaya leader ng gang. Uso yun sa mga kwento di ba?

"Kahit di na siya mag-sorry basta mabigyan niya lang ako ng kahit anong pwedeng mai-takip dito sa nabasa kong damit." 

Walang ano-ano namang hinubad nung Luhan yung suot niyang sweatshirt at padabog na iniabot sa akin. Siya pa galit? Kinuha ko naman yung wallet ko sa bag ko at kumuha ng isang libo pambayad sa milo niya. Wala akong barya eh. Matatahimik na siguro siya.

Ibinigay ko sa kanya yung isang libo at nakita kong remehistro ang pagtataka sa mukha niya.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong niya sa akin.

"Baka kakainin mo? Syempre, ipambibili. Natapon ko yung milo mo di ba? Ayan, pang-isang buwan mong supply." Nakita ko pa yung mga kasama niya na napa-wow. Mukha naman silang mayayaman ah akala mo naman nung makapagreact isang million binigay ko.

Umalis na ako para pumunta ng CR at i-suot sandali ang sweatshirt nung Luhan na iyon. Kulay white siya at may nakalagay na EXO sa harap. Dun naman sa likod may Luhan at number 7 na nakalagay. Well, it kinda suits me. Hindi na rin masama. 

Lumabas na rin ako ng CR at may ilan akong female students na nakasalubong. Lahat sila nakatingin sa suot kong damit. Bagay ba talaga sa akin ang sweatshirt na ito at ganun nila pagpyestahan, titigan at pagbulungan?

EXO's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon